Paano?

28 2 0
                                    

Paano bang muli ay magsulat?
Kung ang mga matay mulat ngunit diway kalat.
Nalimot kung paanong lumikha ng pamagat
At sinisimulan ang akdang walang malalim na ugat. 

Hindi na mawari, tanging pluma'y nagdidikta
Sa mga titik na lalapat sa tugma at pigura.
Kung ang oras ay magsisirkula pabalik sa umpisa
Susubukang maglista kung papaanong magsabuhay ng tinta.

Mga buwan ay natapos na sa pagliwanag
Dumausdos ang mga tala nanatili sa patag
Ngunit panibagong mga araw na ang sumisinag
Anino ng kagustuhan ang siyang naaaninag

Kasamaang palad ay kumupas, suot na sapatos
Kaya't nagtatanong, paanong tula ay matapos
Sapagkat sa kawalan, utak ay  naigapos
Ngayong kumawala, sumabay lamang sa agos.

Pahayag ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon