Pahayag ng Manunulat

28 2 0
                                    

Pahayag ng Manunulat
by: Jc Magtalas

Ang paglapat ng titik ang siyang pagbubukas.
Nang isang panibagong mundo iba't- ibang tinatahak na landas.
Isang obra maestrang araw ay nais liwanagan.
Kapilas ng pag-iisip ang laman ng plumang may init na tila inapuyan.

Naglalagablab ang libog na silaban,
Ang isang daan na nais ipatahak kanino man.
Nais ipahatid sariling mensahe.
Walang pamasahe patago ang atake.

Maaring karne o sa buto ng pakwan itinago isang panunudyo at pagtawag sa pagbabago.
Nais hubugin ang isang pigurin.
Na nagtatago sa lilim at sariling dilim. Pariralang isisiwalat ang siyang maghuhudyat.
Sa paglimot ng nakaraang nagliwalil sa pagkataong payat.

Pahayag ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon