Kabanata 1

138 1 1
                                    

Fara Cervantes

UMAGA. Nagising siya ng alas-kwatro, upang gawin ang karaniwang gawain-isang oras na jogging, tatlong daang push ups, at dalawang daang sit ups.

Marahil ay napakaimposible ng ganitong gawain sa isang karaniwan, pero sa kanya, normal lang ang lahat na ito.

Siya si Fara Cervantes, 23 taong gulang, tatlong taon na siya sa pagpupulis at sa tatlong taong yon ay hindi siya pumalpak sa trabaho. Ngayon, mula sa pagkaPO1, siya ngayon ay isang ganap na PO2. At gusto niya pang mapataas ang posisyon niya-

"279, 280, 281.. Huuu! 282.." bilang niya habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Nakakapagod, pero sanay na siya.

Napatigil siya ng magring ang iphone niya at agad na sinagot. "Hell-" naputol ang sasabihin nang may biglang sumigaw sa kabilang linya. "Faraaaaaaaa! Dalaw ako dyan later, ipagluluto kita ng-"

"Ng hilaw na kanin at sunog na manok? Tumigil ka nga Amanda, lalasunin mo na naman ako e."

"Hmmp." ramdam niya ang pagsimangot nito. "Ang daya mo kase e, puro ka trabaho. Why don't give yourself a break? Kahit mga 2 weeks lang-"

"No." putol agad ng dalaga sa kausap. "May bago akong aasikasuhin na kaso, so I have no time for that break, yet."

Narinig niya ang buntong hininga ng kausap. "Okay, basta punta ako dyan later, lunch time. Bye Fara! love you!"

"Wait-" naibaba na pala ng kausap ang telepono. Tsk, ang hilig na ngang mamutol ng sasabihin, ang hilig pang mangbaba ng telepono. Kung di lang kita bestfriend, nasakal na kita. hays.

----

Pagkatapos niyang mag-exercise ay dumeretso siya sa kusina. Hindi siya magluluto.. "Yun! May leftover pa dito!"

Kinain niya ang tirang pagkain kagabi. Yung pinadala ng mommy nya sa kanya.

Pagkatapos niya kumain ay dumiretso na siya sa c.r. para maligo. Napansin niya ang labahin sa gilid.Napangiwi ito.Tsk, ang dami na namang labahin.

-----

I'm hoooooomeeeee!" Bungad niya sa mama niya na nakatayo sa may pinto.

"Nagdala ka na naman ng mga labahin dito! Lumipat ka pa kung ganon." panimula ng mama niya.

Napakamot ito ng ulo. "Ma, wala na akong time para labhan ang mga damit ko." katwiran niya.

"Shaat aaap! Kawawa na si Inday sa kakalaba ng damit mo!" Sagot ng ginang. "Bumalik ka na dito kung palaging ganyan ang ginagawa mo, palipat lipat kapang nalalaman." dagdag nito.

Napanguso siya. Ganito lagi ang eksena tuwing uuwi siya sa bahay nila. Kaya ang ginagawa niya ay.."Nasaan po ba si Inday?" pag-iiba niya. Yes, iniiba niya ang usapan.

"Nandun sa may likod, naglalaba."

sabay turo niya sa likuran ng kusina.

"Ah sige po. Pakain na rin ma." nakangisi niyang sabi sa ina.

"Tingnan mo! Pati pagluluto ng pagkain mo di ka marunong! D i na kita matantsa!" sigaw ng ina habang siya ay tumatakbo papuntang kusina.

----

"Inday! Pakilaba naman 'tong mga damit ko." sabi niya habang nilalagay sa tabi ng washing machine ang mga damit.

Napatingin naman sa kanya ang babaeng kasalukuyang nagsasampay ng mga damit.
"Kamusta ka po te? Mukhang busy kayo sa trabaho nyo ah."

Napangisi siya. "Ganun pa din, madaming trabaho. Puro raid and operations, investigation." kaswal niyang sagot.

"Hay naku Ma'am, sayang lang talaga ang ganda nyo, di mo man lang nagamit sa pagpupulis mo." nanghihinayang na sabi sa kanya ni Inday.

Totoo naman kasi, maganda siya. Mula ulo hanggang paa. Morena siya ngunit makinis ang balat sa kabila ng maselang trabaho.

Natawa na lang siya. "Inday, wag kang mag-alala, papadagdag ko sahod mo kay mama."

"Naku Ma'am! Salamat po, pero promise di ako nambobola. Maganda ka talaga Ma'am!"

Napailing na lang siya sa kausap. Tsk, tsk. Ganon ba ako kaganda para sa pagpupulis?


--


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove ako sa PulisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon