Imahinasyon

13 1 0
                                    

Ikaw at ako, tayong dalawa,
nagkita at pinagtagpo ng tadhana, nagngitian sa isa't-isa,

at nahulog ng tila walang inaalala

Ikaw at ako, masasayang ala-ala,
nabuo, binubuo at bubuoin nating dalawa ng nagkasama,
'wag sana agad maglaho na para lamang bula.

Nasanay ako na ikaw ang katabi,
kasamang tumatawa tuwing gabi,
kasabay ng pagkislap ng mga bituwin,
mga ngiti mo ang sumasalamin.

Nasanay ako sa iyong presensya,
ang nararamdaman ko ay hindi na maipinta,
nahuhulog na ba ako?
sa patibong ng makamandag na laro?

Laro ng pag-ibig,
inalok mo na parang may pinahihiwatig,
nagkaroon ng konting kilig,
taliwas naman pala ang pintig.

ikaw at ako,
umasang may matatawag na tayo,
pero ikaw ay biglang nagbago,
at parang bula na naglaho.

ikaw at ako,
pinagtagpo,
ngunit tadhana ay mapag laro,
imahinasyon lang pala ito.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon