Isa, Dalawa, Tatlong hakbang palayo sa'yo

9 0 0
                                    


Isa, dawala, tatlong habang palayo sa'yo
Apat, lima, animo titigil na rin ang pintig ng puso ko
Anim, pito, walang makakagamot ng sugat na nilikha mo
Walo, siyam, sampal ng katotohanan kasi ang inabot ko, pero bakit kahit lagpas
Sampong dahilan ang ibigay mo para maglakad ako palayo, bumabalik ang mga paa ko tila ba nagtataksil, dahil nasayo parin pala ang  gamot upang maghilom ako


Hindi ito kahibangan,
Marahil matatawag nila itong karupokan,
Pero masisi ba nila ako?
na ang tanging sinisigaw ng puso ko ay tanging pangalan mo.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon