Himig ng pag-ibig

4 0 0
                                    

Para tayong kanta,
Ikaw at ako sa tenga napakaganda,
Kasama ng pinagdugtong dugtong na mga letra,
Puso natin pinagdugtong gamit ang mga nota

Isa tayong awitin,
Salitang ikaw at ako, nakakalusaw sa damdamin,
Sa pag-ibig na mas lumalalim,
Puso'y nagtatagpo parin sa dilim,

Tayo ay isang musika,
Isang magandang pangyayari ang nalikha,
Hindi makakalimutan ng madla,
Dahil nakatatak na sakanilang puso, isip at mata

Ikaw ang taga sulat,
Sa mga notang nabuo, ako ang taga ulat
Ipaubaya sa alapaap,
Para tunay na himig ng pagibig ay maipakalat

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon