Circle IV

9 0 0
                                        

Isang linggo na lang Grand Ball na. Di ko alam kung anong gagawin ko. Nakatingin ako ngayon sa Isang tube cinderella white gown with sequins and laces and flowers embroided on its top. Ang ganda ng pagkakatahi. Kapag sinuot ko to papangit lang ang damit. Napailing tuloy ako.

Lumapit ako at kinuha ang gown na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.

May kung anong tumutusok sa ilalim ng mga mata ko. Nagbabadya ng pagbuhos ng masaganang luha. Pumikit ako ng mariin. Ang gown na ito ang gamit ni mama ng ikasal sila ni papa. We're one big happy family. Living in harmony and peace. Until Cancer took away my Mom's life. Leaving us in havoc, fear and anxiety. And now, in the process of moving on, we try ourselves to move forward. Not to live with the past but live with the memories.

Niyakap ko at dinama ang magandang tela ng gown ni mama. Kung sa hair and make up di ko na kailangan ng mag aayos, naturuan ako ni mama na mag hair and make up. Pero, kinakabahan pa rin ako. Panget ako at ang mga tigyawat na to mas lalong nagpapangit sa akin. Maliit na mga bilog pero ang lakas makasira ng mukha. Kagigil.

"Ate?" Katok ng kapatid ko mula sa labas. Mukhang may kailangan to ah.

"Oh? Pasok. Bukas yan." Pagkapasok nya dumiretso agad sya sa kama ko.

"Ate." Seryoso nyang tawag ulit sa kin. Seryoso na bihira nya lang ipakita.

"Oh bakit?" Tanong ko at lumapit ulit sa kanya.

"Ate." Napairap na lang ako dahil kanina pa sya ate ng ate. Huminga pa siyang malalim.

"May problema ba? Bakit?" Nag aalala kong tanong.

"Ang gwapo ko! Hahaha!" Sabi nya ng tumatawa at biglang sumibad ng takbo palabas ng kwarto ko. Napasapo na lang tuloy ako sa noo ko at napailing. Sinarado ko na lang ulit ang pinto at sinuot ko ang gown para masukat ko.

Sakto lang sa akin pero di ako sanay sa ganito ang panget ko. Sabi ni papa at ng kapatid ko kamukha ko daw si mama. Sharp nose, mahabang pilik mata at makakapal na kilay, makapal ngunit magandang hubog ng mga labi. Nakuha ko nga pero sa tigyawat at pag ka dry ng balat ko ay imposibleng maging magkamukha talaga kami. At, maputi si mama. Ako na man ay kayumaggi. Napailing tuloy ako. Umupo na lang ako sa dulo ng aking kama dahil medyo kumirot ang sentido ko.

Bigla akong nahilo, may kung anong mainit na likido na lumabas sa ilong ko. Akala ko sipon kaya kinuha ko lang yung tisyu sa gilid ng kama. Pinunasan ko ng maigi. Ngunit nakakagulat dahil di naman ako naulanan ng pagtingin ko sa tisyu puro dugo. Pinunasan ko ulit ang ilong ko. Lumapit ako sa salamin. Masaganang dugo ang lumalabas mula sa ilong ko. Tumulong muli ang dugo mula sa ilong ko, kasabay nito ang mga luha ko. Posible kaya? Posible bang may cancer na din ako? Napatingin ako sa may bintana sa asul na langit sa mga bituin at sa buwan. Umiyak ako. Ngumiti ng mapait. Umiyak ako ng tahimik yung pangit na iyak. Na mas lalong nagpapangit sa mukha ko.

Hinubad ko ang gown. Nagpalit na ako ng damit. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. May pasa ako sa hita. Malaki ito at masakit. Medyo nag vviolet pa ito. Meron din sa may tuhod. Buti nalang at mahaba ang white socks na gamit namin. Kaya medyo matatakpan nito.

Pinikit ko na lang ang mata ko at natulog, sobrang sakit pero pipilitin ko.

___

"Kuyaaaaaaaa! Sandaliiiii!" Ubos lakas kong sigaw dahil malelate na ako. Nauna na ang kapatid ko sa akin papunta ng school.  Inihinto naman nya ang tricycle at pinasakay ako. Matulin ang naging takbo nito.

Pagkababa ko sa tapat ng gate ay agad na iniabot ko ang bayad. Binilisan ko na ang lakad ko dahil sa 2nd floor pa ang kwarto ko. Nang mabanga ako sa isang mataas na bagay. Nakayuko kasi ako lumakad kainis.

The Circles Around UsWhere stories live. Discover now