Circle III

13 1 0
                                        

Nasa may kabilang side ako ng Rooftop ng building namin. Mahangin. Kitang kita ang buong siyudad ng Sta. Clara. Maganda ito. Kahit na siyudad na ito ay may mga puno pa rin. Matatanaw din ang bundok ng Balagbag.

Dinadama ko ang bawat dampi ng hangin sa matigyawat kong pisnge at sa tuyot kong balat.

"Ang ganda ko pa rin." Bulong ko sa sarili ko at sa kawalan. Napatawa na lang ako dahil sa confidence level ko para sabihing maganda ako. Sabagay, minsan lang naman at walang masamang mangarap. At, wala rin namang tao dito. Itinaas ko pa ang dalawa kong mga kamay at winagayway sa hangin at kumembot kembot pa. Wala namang makakakita at uwian na. Palubog na rin ang araw. Ang nag aagaw na asul at kahel sa kalangitan na nag uube na rin ang kulay. Napakaganda. Katulad ko, di lang naman mukha ang dapat na tignan. Napabuntong hininga na lang ako. Kung ganyan lang ako kaganda.

"Ayoko ng mabuhay!" umiiyak na sigaw ng isang boses ng babae.

"Ayoko na. Kung di mo rin lang ako mahal, mabuti pang mamatay na ako!" sigaw pa nya ulit.

"Mahirap ba akong mahalin? Ano bang gusto mo? Ano? Gagawin ko." At isang malakas na sigaw ang ginawa nya. Iyak, hagulhol at kalungkutan ang maririnig mo mula sa iyak nya.

Napahinto tuloy ako sa pagpapantasya ko sa kagandahan kong hilaw.

Hindi ko naman talaga sinasadyang mag eavesdrop sa kanya at sa problema nya. Akala ko naman kasi ako lang ang tao dito. Kaya medyo lumapit ako at nagtago sa likod ng mga boxes.

"Kung ayaw nyo sa akin, mabuting mamatay na ako!" Habang sinisigaw nya yun ay pinilit nyang umakyat sa rehas. Tatalon ba sya? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napatakbo ako sa direksyon nya. Anumang oras ay malalaglag sya. Di sapat ang pagpapakamatay dahil lang sa problema.

Hinatak ko ang damit nya at napaharap sya sa akin na ikinabagsak naming dalawa. Nasa ibabaw ko sya at halos magkahalikan na kami. Babae sya. Mukha syang manika. Nakakatomboy sa ganda. Mula sa mga mapang akit na mga mata, at sa maliit ngunit matangos nyang ilong na bagay na bagay sa maninipis nyang pulang labi. Mahaba at itim na itim at maalon alon na buhok, at magaan sya. Petite kumbaga. Kung hindi lamang nagkalat ang mascara nya sa ilalim ng mga mata nya. Matagal na katahimikan ang nangingibabaw.

"Sorry, di ko sinasadya." Bawi ko sa awkward na posisyon at sa katahimikan. Halatang nagulat din sya at umupo. Muli na naman syang umiyak.

"Dapat hinayaan mo na lang ako! Sino ka ba? Ha?! Alam mo bang mga problema ko?" Umiiyak nyang sabi at may bahid ng inis sa mga salita nya dahil siguro'y sa naudlot nyang pagkitil sa sariling buhay. She's unfair. Why do people always tend to commit suicide? Unfair to my mom, whom I think deserves much better and longer life.

Umupo na din ako at pinanood sya habang pinapagpagan ang blouse ko. Nilapitan ko sya at hinawakan ang magkabilang pisnge, iniangat ko ang mukha nya at pinunasan ang mga luha nya gamit ang aking mga daliri. Nginitian ko sya. Isang matamis na ngiti, na ikinakunot naman ng mga kilay nya.

"Why you're smiling? Is there anything funny? Huh?" Pagtataray nya sa akin kaya umiling akong agad.

"Umiyak ka lang. Ilabas mo lang. Mas mabuti nang masira ang mukha dahil sa mascara. Ang ganda mo kasi, kaso yung mascara nagkalat. Haha." Pagpipilit kong pagaanin ang sitwasyon nya.

"Di naman sapat yung pagpapakamatay, minsan kailangan mo lang magpahinga. Pero wag kang susuko, hihinto. Mas lalo kang matatalo." Pagpapatuloy ko. Na mukhang mas ikinahagulhol nya ulit. Inilapit ko ang maganda nyang mukha sa dibdib ko.

"What's wrong with them? I mean, I can't love a guy with some sort of sick arranged married. I deserve someone better. I'm pretty. I deserve him. Why can't he love me back?" Umiiyak pa din sya. Sino ba namang lalaki yun? Ke ganda nitong babae na to eh. Sinayang naman nya. At isa pa. Ang hirap palang maging mayaman, arranged marriage? Meron pa pala nun. Kadamutan eh no? Yung pera naiipon at naibabalik pero yung pagmamahal? Hindi. Paano kung mahal mo si Dodong, pero gusto ng mga magulang mo si Totoy? Diba. Mahirap maging mayaman. Pero ang maging mayaman habang mahirap? Ano ba tong pinag iisip ko. Tsaka sino si Dodong at Totoy?

At di ko na rin inabala pa na tanungin kung ano talaga ang problema nya. Isipin nya pa na chismakers ako.

"I thought that I can get over him. Get over from loving him! But I can't. I just can't." Mahina na ang boses nya ngayon. At puro hikbi na lang. Kaya hinaplos ko ang likod nya at inayos ang buhok nya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nya papunta sa tenga nya. Nang iangat nya ang ulo nya. Matagal na rin siyang humihikbi at ngayon ay mukhang inaayos nya na ang sarili nya.

"You know what?" Natatawa nyang sabi habang pinupunasan ang mukha nya.

"Hmm?" Gusto ko sana syang sagutin ng "Hala! Wala akong alam!"

"If you were a boy, I think I would like you. You're so gentle and kind." Saad nya habang nakangiti. Mas maganda pala sya habang nakangiti. Pwede pala yung maganda ka na gaganda ka pa. Pero ikinagulat ko iyong mga sinabi nya.

"Then, maybe, I'll like you too." Bawi ko naman na ikinatawa nya.

"Sorry for seeing me like this. And, thanks for saving me." She said it sincerely. So pretty I wish, me too.

"Ah yun ba? Haha. Wala yun. Kahit gaano pa kabigat yung problema mo, death won't end it. There is so much in life to live. Don't waste it." I smiled back. And I pat her back.

Yes, there so much in life. Just live.

Pinahiram ko sa kanya yung panyo ko para malinis nya yung mukha nya na nadungisan dahil sa kalat ng mascara.

"Ah, malinis yan. Nga pala, ako si Mavyline Mendrez STEM Class B. Ikaw?" Tanong ko, sa tagal tagal nyang umiyak di ko pa alam ang pangalan nya.

"I'm Maureese Ann Guiller. HUMSS Class A. The only daughter of Mr. Gullier." Nakangiti nyang sagot sa akin habang nagpupunas ng mukha.

Nagtataka akong napalingon sa kanya. Guiller? Pamilyar sa akin yung pangalan.

"Ah, seems you don't know GSL? The biggest and Richest family here in Sta. Clara. Guiller, Sy and Lazarano's. They hold, I mean, We hold a big group of companies collaborated together to work for City's development through our Businesses. Like this school, we offer full scholarships." Nakangiting paliwanag nya. Kaya pala mabilis akong nakapasok at nakakuha ng scholarship.

Lazarano? Wait. Si Sky? Lazarano? Baka naman ka apelyido lang.

"But we only accept those students who has the capacity to maintain 90 above grades and average without any guidance record through out the year." Dagdag pa nya.

"Ah, kaya pala nakapasok ako." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Na mukhang narinig nya.

"Kaya pala! Mukha ka kasing bago dito. Bihira din ang kumukuha ng scholarship dito. Kasi bukod sa strict policy, your parent should work one of the businesses we hold. But it won't affect the salary." Paliwanag pa nya at natanggal nya na yung mascara sa mukha nya.

"Oo nga sa may Bakers Shop nagtatrabaho si papa." Nakangiting pag sang ayon ko.

"Halika ka na. Baba na tayo. Dumidilim na. Reese?" At ngumiti naman sya saka tumango.

It feels new to me, having a new friend like her. Pretty and kind. Perfect match. Or an angel in disguise.

Habang pababa kami, madami ang nagbubulungan dahil kasama ko si Reese. O siguro dahil sa panget ako maganda sya.

"What? Guiller has a friend like her?" Bulong nung isang babae na masasabi kong pinapadinig naman talaga nya.

"She's a social climber. Her ugliness is a disease. Makes me feel na if my balat makes touch on hers I'll be ugly na din! Eww." Maarte na pagkakasabi nung kausap nyang babae. Parang ginaya lang nito yung narinig ko na dati. Tse, mas panget ugali nyo. Sa loob loob ko lang.

Oo, panget ako. Pero may feelings at nakakaramdam pa din ako.

"Hey Mav, you know what? Thanks for being the MOST BEAUTIFUL, HUMBLE AND KIND friend." Parinig ni Reese sa lahat at umabrisete pa sa akin.

My feelings rumbles inside. Almost two weeks passed and I gain two new friends, friends that I'd never had in the past. Sky and now Reese.

They always see me as Ugly Mavy. Fits exactly with my name. And on queue, I wished I'd never been this ugly in my whole life. And for a second there, I wished I'm pretty like her. Pretty with a kind heart.

----

Akalain mo yun. Circle III ka na. Godbless!

The Circles Around UsStories to obsess over. Discover now