Circle II

3 0 0
                                    

Isa sa mga bagay na dapat mong iwasan kapag nasa private school ka ay yung mga taong mababa ang tingin sa mga taong mahirap.

Ano bang mali sa suot kong flat plastic shoes? Kanina pa nila pinag uusapan to. Marangal to at pinaghirapan ng tatay ko. Matagal kong natitigan ang sapatos ko. Luma pero nagagamit pa. Maayos din naman medyo halatang luma nga lang talaga at manipis na din ang swelas. Problema minsan sa mga mayayaman ay feeling nila ay kanila na ang lahat at di sila dapat maging mas mababa kahit kanino pa man, na mataas sila na kahit makatapak sila ay wala silang pakielam dahil may pera sila. Mayaman nga pero walang mga puso.

Nasa may conference hall kami para sa orientation ng magaganap na  Grand Ball sa September. Bale 6 weeks pa dahil 2nd week pa lang naman ng July. As if namang pupunta ako. Sinubsob ko na lang sarili ko sa lamesa.

"Hey, I'll sit." At walang pakundangan na umupo sa tabi ko ang isang matangkad na lalaki. Ni hindi man lang nag excuse di ko na lang sya pinansin at hinayaan na lang. Maangas. Nagpaalam pa. Tss.

"That girl is annoying! Bakit sya pa tinabihan ni Papa Elij? waah. I hate her." Ewan ko kung bulong yun pero halatang pinapadinig ata sa akin.

"Yeah, akala mo naman pretty, look at her hair frizzy na dry pa."

"Dry pa yung skin and halatang poor."

"Tsk, does she know how to be decent? Like, she wears old and cheap shoes. And oh how does she afford here in this prestigious school?"

"Seems like kapit sa patalim, feeling Rich, or di kaya may sugar daddy. Wingen-Arden International School pa ang napiling pasukan."

"Mukhang galing sa squatters area?"

"Her pimples look so eww like if ever na mag touch yung skins namin I'll got that disease na."

Gusto ko sanang tumayo at lumapit sa kanila at isampal na di disease ang pimple. Cause lang ng bacteria to mga beshie.Medyo naluha na din ako dahil sa sinabing Kapit sa patalim ako. Na may sugar daddy ako. Hello? Mahirap kami pero may dignidad. Naramdaman ko na lang na may mga nag uunahang luhang tumulo sa pisngi ko.

Bakit ba naman kasi ang dami daming pogi at magaganda dito? Wala ba kaming space na mga panget? Wala ba? Wala? Nakakaiyak. Unfair talaga ang mundo. Pinanganak silang di na nila kailangan pang maghangad, maghirap at magsumikap.

Patuloy lang sila sa pag uusap na para bang di ata nila alam na nakikinig ako, nandito ako. Bigla tuloy akong naconcious sa sarili ko dahil sa katabi ko.

Dry hair tapos frizzy pa. Napahawak pa ko sa mukha ko na may mangilan-ngilan pang tigyawat sa magkabilang pisnge na mas lalong dumadami kapag nai-stress ako. Wala naman silang sex organs pero nanganganak. Dapat ata turuan ko na sila mag family planning. Aba, mahirap na kung dumami pa sila lalo baka di nako makilala. Panget na nga ako, mag mumukha pa akong tigyawat na tinubuan ng mukha. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko, medyo oily na yung mukha ko. Kahiya sa katabi ko na sobrang kinis kalalaking tao.

"Don't you know it's rude to stare?" Suddenly he spoke to me like I am really staring at him. Sungit kala mo pogi. Pogi naman talaga pero mayabang. Mabilis akong umiling at sumubsob sa mahabang lamesa sa hall. Sa sobra atang pagka-concious ko napatitig na ako. In denial pa ako kala mo talaga di tumitig.

"And we're done so that, dismiss." Pagkasabing pagkasabi na yun ng Emcee, napatakbo na ako sa labas kasabay nung iba pang seniors. Nakakahiya yung nagawa ko na pagtitig. Bakit kasi ang panget ko.

Nasa may hallway na ako pabalik ng room ko ng biglang may lalaking humawak sa balikat ko mula sa likod.

"Hey, follow me. I got your back, you have blood in your skirt. Red days? Haha." Natatawang sabi ng malalim at panlalaking boses sa likuran ko. Ewan ko pero parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. Wala na bang mas lalala pa dito?

"I'll take you on the Rest rooms here." That leave me more in shock and shame. He even guided me on the C.R.

Nakaakbay sya sa akin habang naglalakad kami. Pinagtitinginan tuloy kami ng bawat madaanan namin.

"What napkin should I buy?" He asked outside the C.R which makes me even uncomfortable. I should be thankful to this angel. Woo. Sent from above.

"Any brand. Yung with wings please?" Nakakahiya na talaga. I bit my lower lip for too much embarassment. Namumula na ata ang pisnge ko. Mali. Mas lalong namula ang mga tigyawat sa pisnge ko.

Matapos kong makapag napkin at makapagpalit ng undies lumabas na ako ng C.R buti na lang talaga at may dala akong extra undies and shorts inside my bag. Tinanggal ko na din yung blood stain sa palda ko. Pakiramdam ko namumula ang tenga ko.

"Thanks uhm, I'm Mavyline. Class  B wag ka mag alala nag hugas ako ng kamay." Saad ko sa lalaking nasa harapan ko.

"I'm Sky Matthew Lazarano Class A. Nice meeting you and welcome Mavy. Haha." He said while smiling and with a little laugh. His thin yet red lips curving into smile makes my heart melt like a butter at fresh pancakes. His eyes even smile, it was a true smile made from happiness that glinted from his iris. I am looking up on him cause approximately he is 5'11 inches tall. And I'm too small for him. I'm 5'5. I'm just about his chest.

"Hey? Mav? I said are you new here? Cause you look new?" Di ko mapigilang maisip kung paano sya ginawa ng mga magulang nya he's too perfect.

Then he snapped at my eyes and got me back to reality.

"Ahh? Ano yun?" Tanong ko. And then he laughed like I had said a joke.

"What I said is,are you new here. I've never seen your pretty face around here." Sabi nya habang nakangiti. Ngiti nyang natural. Pretty face daw. Bulag ata to eh.

"Ah, yes. Transferee ako. Galing ako ng public school sa Genguia." Salita ko naman habang ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Ah, I see. See you later Mav!" Kaway nya at pumasok na sa loob ng room nya. Diniretso ko na lang ang room ko buti na lang at may malapit na C.R kundi nakakahiya. Sana sya lang nakapansin na may tagos ako. Napasapo na lang ako sa noo.

What, wait. Mav? Haha. Ano to may nickname na sya para sa akin? Nice pet name.

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tyan ko. It was like my heart turn to somersaults. Butterflies. For the first time. I smiled ear to ear and got back to reality. I realized something. I am ugly, he's a perfect golden boy.

"You should attend the grand ball! Plus points yun. Okay?! Nagkakaintindihan ba tayo?!" Sigaw ng prof namin sa Personal Development. Last subject na. Yes! Sa isip isip ko.

As if namang may kinalaman talaga ang grand ball sa pag develop ng mga feelings este personality ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng makita ko si Sky. Bigla syang lumingon at napatingin sa akin. Nagtama ang mga titig namin. Never in my existence that I become this engrossed. That in myself. Deep inside me. I don't believe in love at first sight. Well, I'm wrong.

"Uy! Mav!" Bati nya sa akin habang papalapit.

"May kasama ka na para sa grand ball?" Tanong nya.

"Ah, eh. Wala pa." Nahihiyang sagot ko. Bakit ba ang bango nya? Nararamdaman ko tuloy na namumula ang tenga ko.

"Ganun ba? Uhhm." At hinawakan nya ang baba nya na para bang nag iisip sya ng isang magandang ideya.

Napatitig nanaman ako sa mga mata nya. Dark brown. Complimented with his dark brown hair too. His perfect thick arched brows. Long lashes. Perfect sharp nose. Oh, boy. "Perfect Golden boy." Wala sa isip kong nasabi kaya napahawak ako sa bibig ko.

Mukhang nagulat sya dahil napatitig sya sa mukha ko. Tinakpan ko ang mukha ko, Sa sobrang hiya. Mukhang dark red na ata ang mga tenga ko.

"Haha. Sabi na eh, ang pogi ko. Tayo na lang. Date na kita sa Grand Ball ah?" Sabi pa nya ng naka wink at ngumiti pa ng pagkalaki laki.

Tumakbo sya palayo habang nag papaalam. Sinigaw pa nyang muli ang Perfect golden boy.

Sa hiya ko, napayuko na lang ako. Pero ang totoo nyan. Kinikilig ako. Di ko alam na pwede pala to, kanina lang kami nagkakilala pero parang ang bilis. Sana wag matapos.

At ito ako ngayon. Naiwan. Tatanggapin ko ba ang alok nya? Sa panget kong to.

I should stick on the Ugly Code. Ugly is only for ugly. No less, no more.

---

The Circles Around UsWhere stories live. Discover now