Circle I

9 0 0
                                        

I reach for the clock without even looking at it. And press the stop button. I want to sleep more. Yesterdays activity almost killed me. I'm tired. I even yawn one more and roll on my pink comfy bed and hug a pillow beside me when some lightrays hit my eyes. And lazily, I open my eyes then I was too shocked that the bright morning sun is almost peeping up my window.

"Huyyyy Mavvvvvy!!! Bumaba ka na daw sabi ni papa!!! Tamad ka talaga!" narinig ko pang sigaw ng kapatid ko na sa isip isip ko eh nilalaro ang door knob as if namang mabubuksan nya yun. Sa dami ng lock na nilagay ko. Merong tatlong lock na kumakalampag sa pinto dahil pinipilit itong buksan ng kapatid ko. Sa totoo lang nakalimang palit na ako dyan. Pailing iling akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Bababa na ako! Umagang umaga ang ingay mo!" Sigaw ko sa kapatid ko na nasa kabilang bahagi ng pinto sa labas ng kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko syang nakababa na ng hagdan at dumiretso sa may lamesa. Nanlaki ang mata ko ng makitang may fried rice at tuyo sa lamesa. Nang nasa huling baitang na ako ng hagdan lumingon sa akin ang kapatid ko at sinamaan ako ng tingin.

"Pa, si ate talaga tamad." Pasimangot na sabi ni DJ ang kapatid ko. Kahit kailan talaga pabebe sya sa tatay namin kahit na dalawa lang kami eh minsan nagtataka ako kung ako ba talaga ang babae dahil mas malambing pa sya kesa sa akin. Nilanghap ko ang bango ng tuyo at sa gilid sa isang mangkok may kamatis at sinamahan pa ng hiniwang bawang at sibuyas na may toyo pa bilang sawsawan. Hindi ko na lang pinansin sila papa at DJ na pag usapan ako.

Natapos na kaming kumain at iniligpit ko na ang plato na pinagkainan. Nasa lababo na ako ng hawakan ni papa ang mga kamay ko.

"Ako na maghuhugas, malelate ka pa nyan. Di ko kayo mahahatid ni DJ, ikaw na bahala." Nginitian ako ni papa. Umakyat ako sa kwarto at nag asikaso na para sa unang araw ko dito sa nilipatan namin, kasabay nito ang paglipat ko din ng school.

Habang nasa banyo, humarap ako sa salamin nakasabit sa dingding. Hinawakan ko ang mukha ko. Hays. Tigyawaaaat. Naghuhumiyaw at kumakaway sa salamin na para bang pagkagising ko "Oh hi there Mavy!" At kapag matutulog na ko babati pa sila ng "Sana'y mahimbing ang tulog mo, magpapadami pa kami."

Marami na din akong nagamit na pampaganda. Natural man at kahit yung padesperada effect para lang gumanda. Pero, di ako nagpaka sobra na nagpaturok ako. Pahid pahid lang. Kalamansi, pipino, balat ng saging pati ata sibuyas, bawang at luya nalagay ko na sa mukha ko. Lahat ng gulay sa bahay kubo.

Gumamit na din ako ng mga Pimple Eraser. Pati na rin ng mga moisturizing products. Pero wa epek, mahanginan lang ata ko nag ddry na ang balat ko. Kaya itinigil ko na ang pagmumuni muni at dumiretso na sa pagligo. Napalingon pa ako saglit sa bagong uniform ko. White fitted V-neck style blouse na naka tucked in sa above the knee blue-black-white checkerd skirt at naka long white socks na may pin sa gilid ng collar. Wingen-Arden International School. A school for foreign students and as well as Filipino's too. Yayamanin. Bumuntong hinga ako ang baho ko na. Ligo lang to. Kaya naligo na ko.

Nang makababa na ako ng hagdan hinagkan ko na si papa at niyakap nagpaalam na din kami at hinatid ni papa sa labas ng gate.

"Anak, mag iingat kayo! Galingan nyo ah!" Nakangiting kaway pa ni papa sa amin. Tumango na lang ako kay papa.

Napalingon pa ako sa bahay sakto lang naman samin yung bahay na may dalawang kwarto. Di malaki at di rin maliit. Napangiti ako. Napakasipag ng tatay ko nakapagpundar pa sya ng bahay dito sa Sta. Clara. Mas masaya sana kung nandito si mama.

And in an instance my heartbeat skipped slower as if its trying to remember how it should beat. The sad kind of beat.

I missed my mama so much.

Pinara ni DJ yung tricycle na dumaan.

"Manong sa may Wingen-Arden International po." Sabi ko kay manong na pinaandar naman agad yung tricycle.

Mabilis kaming nakarating sa School dahil na rin sa medyo malapit nga lang naman yung school o siguro dahil sa bilis ng patakbo ni manong. Let's say na harurot talaga ang ginawa nya. Iniabot ko na ang bayad at nauna ng pumasok ang kapatid ko. Dumiretso agad sya sa may Junior Department. Grade 8 pa lang sya kaya magkahiwalay kami. Ako naman ay tinignan ko muna kung makakapasok sya sa loob ng room nya. Nang makasiguro ako ay umalis na din ako at tinuon na lang ang pansin ko sa isang malaking usali na may nakalagay na Senior High Department na in big bold silver coloured steel pa. Mukhang pang mayaman talaga ang school na to. Buti na lang at ng makalipat ako ay may scholarship na agad akong nakuha. First Sem, second grading pa lang naman. Dinukot ko ang I.D ko sa maliit na pocket ng bag ko. Room 202 STEM 11 Class B ang nakalagay sa I.D ko yun ata ang room ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buonh school. Malaki. Maganda. Halatang pang mayaman. Dahil na rin sa mga facilities nila rito. Ang mga estudyante ay halata mong mga mayayaman dahil sa mga mamahaling bag na dala nila. Sa kanilang kutis, halata mong di naghirap. Mga pilik matang pilit na pinahaba at pinapilantik. Mapupulang labi ng mga babae na mas naging ka akit-akit. Hapit ang blouse at mas pinaikli ang palda. Napatingin na lang tuloy ako sa blouse ko at palda.

Habang umaakyat ako sa 2nd floor ng building narinig kong nag uusap ang mga babae sa may kanan ko. They look like mannequins, hair straight and blonde, wala man lang ka-split split ends unlike me na nakamessy high pony tail lang.

"Hey girl, do you hear a newbie in the school?" Ani ng isang babae habang naglalagay ng pink lipstick.

"Ah! Oo, the new one na sobrang hot daw? Di ko pa nakikita so I won't believe. At kung hot talaga then waaah, he's mine." Maarteng pagkakasabi naman nung isang babae na naglalagay ng mascara.

"What? You, like duh. You know it's me he will fall for to." Sabi ulit nung babaeng naglalagay ng lipstick. Na halata mong medyo nainis sa kausap nya.

Hindi ko na lang binigyan pa ng pansin at pinagpatuloy ko na lang yung paglalakad ko papuntang Class B. Napadaan muna ako sa Class A na busy sa kanya kanyang ginagawa.

"Hays. Ito na ata ang room ko." Mahinang sabi ko sa sarili ko na nakatingala sa mala bronze plate na nakalagay sa taas ng pintuan. Pumasok ako at nang makita kong walang bakanteng upuan sa likuran ay dumiretso ako sa may dulong upuan sa harapan yung malapit sa bintana.

Dumating ang unang prof. Katulad ng bawat simulain ng isang transferee, ipinakilala ko ang sarili ko sa harapan. "Ako si Mavyline Mendrez." Walang kabuhay buhay kong sabi ng ipakilala ko ang sarili ko.

Natapos ang klase ko ng normal. Katulad lang ng parati kong ginagawa, hintayin ang kapatid ko at sabay kaming uuwi.

Malapit na kami sa bahay ng bigla akong mahilo. Binalewala ko lang dahil di naman ganoon kasakit. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba ng mga sandaling yun. Kaba, lungkot at di ko maipaliwanag na para bang kakaiba dahil di ko pa to nararanasan.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nandun na ang kapatid ko. Nakaupo sa lamesa. May nakahain na pagkain andun na din si papa at nag aasikaso na.

"Pa, di na muna ako kakain." hindi ko alam pero parang nawalan ako ng ganang kumain.

"Anak, sigurado ka ba?" nag aalalang sabi ni papa.

"Opo." Sagot ko naman


"Naku! Si ate? Di kakain? Himala. Haha!" Pang aasar pa ng kapatid ko kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin. Pero nakakatuwang isipin na di tulad ng ibang magkakapatid, close kami ni DJ.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko nagpalit na agad ako ng damit. Humiga agad ako sa napakalambot kong kama. Ibinagsak ko nga halos ang katawan ko. Napapikit ako sa pagod at sa hilo ko.

Namiss ko tuloy bigla si mama. Meron talagang mga bagay na minsan di mo alam kung bakit ba dapat mangyari. Pagkawala ng mama ko, pagbenta sa dati naming bahay. Tutol man ako sa pagbebenta ng bahay namin na yun dahil sa daming ala-ala ni mama kasama kami, alam naming di kami makakapag-move on.

Sa dami ng iniisip ko, di ko namalayan naipikit ko ang mga mata ko. Marahan pero dama ko ang unti-unting pagkahilo at pagpikit ng mata ko na para akong iniikot.

"Ma, miss na kita. Salamat." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Kasabay ng mahinang mga huni ng kuliglig sa labas, pag ihip ng hangin at ang pagsayaw ng mga puno. Mapayapa ang kalooban kong nahimbing.

---

The Circles Around UsWhere stories live. Discover now