♡♡Chapter 24♡♡

16.3K 556 3
                                    

THIRD

Lahat ng Alpha ay namangha sa pinagdalhan sa kanila ng kanilang mga tagapag ensayo. Ngunit iba kay Kiara dahil laban kaagad ang bumungad sa kanya. Dahil sa madaling panahon, kailangan na niyang mapalabas lahat ng kapangyarihan niya.

Sumugod si Aryo(ang kalaban ni Kiara) sa kanya kasama ng isang malakas na pwersa. Sinangga ni Kiara ang bawat atake nito ngunit dahil sa pwersa ay hindi niya maiwasang mapa atras. Alam ni Aryo na may ilalakas pa ang dalaga kaya gumagawa siya ng paraan para mailabas kaagad ito.

Samantala, sa isang bahagi ng majestic forest, nag-umpisa naring mag-ensayo ang iba pa. Mabuti pa sila at may palatandaan na magsisimula na sila samantalang sa isa nilang kasama ay wala. Walang kaalam-alam ang Alpha sa nangyayari sa bawat isa, dahil sa oras ng kanilang pagsasanay, ang sarili lamang nila ang dapat nilang isipin. Isipin kung paano sila magiging malakas at magiging matatag.

Nilabas ni Ceru ang kanyang bow and arrow.

"Kung ako sayo, hindi ko iyan gagamitin. Kailangan mong hasain ang pakikipaglaban mo sa malapitan." sabi ni Rey.

Wala naman siyang nagawa kundi ang pawalain ang Bow and arrow niya at gamitin ang binigay sa kanyang sandata ni Kiara, isang kutsilyo ngunit hindi basta-basta ito.

Ginamit niya ang kapangyarihan niya upang makalapit sa pwesto mi rey at doon sila nagsagupaan. Nagkakaroon ang kislap sa tuwing nagtatama ang sanda ng dalawa. Gumawa ng golem si Cereulin, isang higanteng bato, pinatama ang kamao kay Rey pero nakailag ito. Gumawa rin ng golem si Rey at hinarap ang dalaga.

"Fight with your full strength, walang pipigil sayo rito." sabi ni Rey na tinanguan lang ni Ceru.

Pumikit siya at humingi ng lakas sa kalikasan.

"By the power of the earth, i want you to give me your strength, i will accept the power that i must posses."

Biglang nagliwanag si Ceru at wala namang nabago sa pisikal nitong anyo, pero ang lakas niya ay mas lumakas. Ngumisi si Rey. "Ito na ang totoong laban" sabi nito sa kanya.

Sa kabilang bahagi naman ng gubat at matinding paglalaban ang nagaganap sa pagitan ng mga lalaki. Todong laban, inilabas ni Zeref ang buong lakas niya dahil alam naman niyang ito ang gusto ng kalaban niya. Maging sina Akihiro,Ace at Mitsuo.

Balik sa paglalaban nina Kiara at Aryo. Nagyeyelo na ang buong paligid dahil sa kapangyarihan ni Kiara. Pareho silang hingal na hingal na nakatingin sa isa't isa.

"Kaya mo pa ba" tanong ni Aryo.

"Ako pa." gumawa ng ipo-ipo si Kiara at inihagis ito kay Aryo. Gumawa naman ng malaking harang si Aryo gamit ang metal.

Ang kapangyarihan ni Aryo ay metal, kaya nahihirapan si Kiara lalo na at matibay ito ngunit hindi siya nito mapipigilan para makabawi dahil narin sa physical strength niya.

Ang training sa unang araw ay matindi na, paano pa kayya sa mga susunod pang araw?


KIARA


Kasalukuyan akong nakaupo sa sanga ng puno at pinagmamasdan ang kalangitan. Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng magtraining kami at masasabi kong hindi ito basta-basta. Pakiramdam ko, hindi ko na kayang itago pa ang lahat ng kapangyarihan ko sa sarili ko. Feeling ko, gusto na nilang kumawala at magpakita sa mundo.

Kinaumagahan, pagkatapos naming kumain at magpahinga nag-umpisa na kaming mag ensayo pero hindi na katulad ng mga nakaraang araw na sagad-sagad yung ensayo namin. Ngayon ay average lang.

"Gusto mo bang mapalabas ang kapangyahiran mo?" napatingin ako kay Aryo. Malakas si Aryo at talagang nahirapan ako sa kanya, pero okay narin yun para mas mag-improve pa ako.

"Magandang ideya ba yan?" baka kasi hindi ko ma control at mawasak ang lugar na ito.

"Oo, para ngayon palang, alam mo na kung paano ito i control."

"Then okay. Let's do that."

Gumawa ng bilog si Aryo sa isang patag na lupa, nagpunta ako sa gitna at siya naman ay sa isa pang bilog na gawa niya sa harap ko.

"estelewuasa guisenmo le ishyro de metaluwa" sambit niya at bigla na lamang nagliwanag ang bilog na kinalalagyan ko.

Unti-unti akong nakakaramdam ng kakaiba sa katawan ko. Parang may kung anong magulo sa loob ko. Everythings seems so painful and powerful..

Unti-unting may lumabas na iba't ibang kulay sa katawan. Hanggang sa nahaluhan ito ng itim. My dark magic.

"AHHHHHHH" by that scream. I release the power that i wanted to realing long time ago. And now, i'm officially realeasing and accepting it.

Nalaman kong hindi lang basta ang kapangyarihan ko ng minsan ko itong magamit ng di sinasadya. Hindi ko na control ang kapangyarihan ko, lalo na ang itim na kapangyarihan ko dahilan para makasakit ako ng iba at lumipat kami ng bahay.

Pagkatapos nito, alam kong madaming mababago, magtataka at matatakot pero sisiguraduhin ko na magiging mabuti akong tao para sa kaharian na ito.

ARYO

Nakatingin ako ngayon sa kanya, ang babaeng magkakaroon ng malakas na kapangyarihan na walang makakahigit pa.

Ako si Aryo, ang kanang kamay ni Zeus. Nais nitong sanayin ko si Kiara at palabasin ang natatagong kapangyarihan nito. Mula ng makita ko siya, alam kong may itim na kapangyarihan na nakapaloob sa kanya.

Habang nagliliwanag ang bilog ng kapangyarihan na ginawa ko ay ang pagliliwanag rin niya. Lumabas sa katawan niya ang kulay ng apat na elemento, isama pa ang yelo niyang kapangyarihan at ang itim niyang kapangyarihan. Ang kanyang buhok ay naging kulay abo, ang kanyang mata ay naging kulay ginto.

Maganda siya at hindi kataka takang siya ang magiging reyna ng lahat. Ang reyna na magiging tagapagligtas ng kanyang mundo.

GUENLOIE KIARA DIAMOND LANCASTER.... hinding hindi ko kakalimutan ang pangalan na iyan. Isang karangalan na ako ang naging tagapag ensayo mo at kasama ng mailabas mo ang lahat ng kapangyarihan mo.

☜☆☞

Characters

Guenloie Kiara Diamond Lancaster

♥Guild Silver Ace Lancaster

♥Timothy Zeref Adair

♥Cail Mitsuo Larkins

♥Cereulin Amber Saunders

♥Akihiro Hinata Riley

[Book 1]MAGICUS ACADEMY✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon