♡♡Chapter 20♡♡

17K 583 15
                                    

KIARA

Pagkatapos naming kumain ay humiwalay narin ako sa kanila. Sinabi kong may sarili rin akong lakad and i want to explore the city by myself. Pumayag naman sila since may papanoorin raw silang play and i'm not a fond po drama plays kaya talagang mahihiwalay parin ako.

Naglibot-libot lang ako hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar sa city na may mga nakapalibot na tao sa isang malawak na battle field.

"Sino pa ang gustong lumaban? Makakakuha ng 100 000 Yros ang makakatalo sa ating kampeon na si Adar."

Yros ang tawag sa pera dito sa Ishyros at malaki laking pera narin ang 100 000 yros. Napakalakas ng kompyansa ng mga ito na walang makakatalo sa pinagmamalaki niyang tao. Malaki ang katawan ng sinasabi niyang Adar at mukang malakas nga ito.

"Hahaha malaki laking pera ang kikitain natin kapag may lumaban pa."

Ang basa ko sa isip niya. Mga manloloko.

"Ako!!" rinig kong sabi ng isang lalaki na kaedaran ko lang rin. "pero 10 000 Yros lang ang meron ako."

"Psssh, kunsabagay pera rin yun." sabi nung nag aayos ng laban sa kanyang isip.

"Sige. Pumasok kana."

"Sandali" pigil ko sa lalaking lalaban. Tumingin naman ito sakin ng nagtataka."Ako ang lalaban para sa kanya."

"Ha!!!"

"Wag kang mag-alala, mananalo ako."sabi ko rito at pumasok na kaagad sa battle ground kaya wala na siyang nagawa. "Anong rules?"

"Sigurado kaba dito miss?" tinignan lang naman suya ng walang emosyon. "Ehem.. Sige ang kailangan lang ay talunin mo siya."

"Okay" sabi ko at lumapit sa taong makakalaban ko. He's tall.

Sumuntok siya kaya umilag ako at ako naman ang sumuntok, kaagad itong tumumba at nag crack ang lupang pinagbagsakan niya. Rinig ko ang singhap ng mga tao.

Hindi na ito makatayo dahil sa lakas ng pagkasuntok ko. Mukang napa sobra yata. Nilapitan ko ito at tinignan kung humihinga pa, fortunately, buhay pa naman. Tinignan ko ang announcer.

"A-ang nanalo ay ang ating tagapag hamon."

Binigay niya sakin ang 100 000 yros at ang pusta ng lalaki na pinalitan ko. Kaagad ko itong ibinigay sa kanya at tinalikuran ang mga taong di makapaniwala sa nangyari.

"Sandali!!!"

"Bakit?"

"Ano, salamat. Malaking pera ito kaya dapat na sayo na ang kalahati, ikaw naman ang lumaban."

"Hindi na, kung sobra man yang napanalunan mo, itabi mo nalang para hindi kana lumaban ulit kapag kailangan mo ng pera." bago pa siya makasagot ay nagteleport na ako ng medyo malapit lang naman pero sapat na para hindi niya ako makita.

Ayaw ko talaga sa thank you na paulit-ulit. At isa pa, kahit na nakakabagot ang laban na yun, atleast may pinagkaabalahan ako kahi isang minuto lang.

*-

Pagkatapos kong maglibot ay bumalik narin ako sa academy dahil pagabi narin. Hindi ako maaaring gabihin dahil yun ang bilin ni Ms. Deria. Pagbalik ko, dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng pang dinner ko, tinatamad kasi akong magluto.

Pagbukas ko ng pintuan ng cafeteria(because it was closed) a chaos welcome me. Sira-sirang upuan at mesa, mga nakahandusay na M.A students at mga nagpapatayang Mageas.

Even Alpha and Beta, nakikisali sa gulo. Bakit naging ganito ang Academy? Sila-sila rin ba ang magiging dahilan ng pagkawasak nito at ng pagkamatay nila? This sh*ty thing must stop or else, they're dead.

[Book 1]MAGICUS ACADEMY✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon