♡♡Chapter 11♡♡

19K 614 9
                                    

KIARA

Dalawang araw na mula ng makabalik kami sa simpleng misyon na iyon. Hindi natuloy ang paglalakad namin pabalik ng Academy dahil kinailangan si Mr. Imperial kaagad, dumaan kaming muli sa portal na gawa nila, hindi narin ako nag-abalang tumulong pa dahil hindi ko pa naman alam kung paano.

Nandito ako ngayon sa balkonahe ng house namin. Wala ang Beta dahil nagsasanay rin sila, ako naman ay eto ang araw ng pahinga ko. Magdamag akong nag-ensayo mag-isa sa nakalipas na dalawang araw kaya kailangan ko itong araw na ito para makabawi ng lakas.

"Hey" sabi ni Ace mula sa likod ko. Alam kong siya iyon dahil kilala ko ang enerhiya niya. Hindi ko narin pala siya masiyadong nakakausap nitong mga nakaraang araw.

"Bakit ka nandito? Tapos kanaba magtraining?" tanong ko ng hindi siya tinitingnan.

"Yeah, kakatapos lang." tumabi siya sakin at tumingin rin sa mga Class A at Class B na nag-eensayo sa Training ground.

Namayani ang katahimikan saaming dalawa, hanggang siya narin ang pumutol dito.


"Ang mga Beta at Alpha noon ay matagal ng may alitan kaya hanggang ngayon ay meron parin ito. Para bang hindi na maaalis ang alitan sa dalawang klase lalo na sa rankings, level at misyon dahil palaging nabibigyan ng misyon ang Alpha." tumingin siya sakin at nasilayan ko ang munting ngiti mula sa kanya. "Alam kong gusto mong malaman kung bakit ganon ang turing namin sa isa't isa kaya sinasabi ko na para di kana umiwas samin, hindi kami sanay." sabi pa nito.

"Minsan kasi nakakainis sa side mo yung tipong wala kang alam sa nangyayari sa mga kasama mo. Ngayong alam ko na, parang nakakatawa, may alitan kayo dahil sa alitan ng dating mga Alpha at Beta? Dahil sa rankings? Level? That's the craziest thing that I've heard about this school o baka naman sa inyo lang talaga?" i paused. "You guys have your own power, have your own ability that others don't have. You guys are unique on your own ways, no need to prove anything to anyone, you yourself is enough. Wag niyong isipin na kalaban niyo ang isa't isa dahil sa ngayon, ang dapat mong lampasan ay kung ano ka kahapon, para bang everyday may improvement, hindi yung nakikipag compete ka sa iba, naghahakot ka lang ng kaaway." natatawang dugtong ko.

"maiiyak naba ako?" natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin."Joke lang" lumapit siya saakin at ginulo ang buhok ko.

Matapos naming mag-usap ay nagpunta kami sa kitchen para kumain at pagkatapos ay pupunta kami sa Training room ng Alpha para bigyan sila ng makakain, gumawa narin ako ng para sa Beta.

Dumaan muna kami sa training room ng mga Beta para ibigay ang ginawa kong sandwich at mga tubig.

"Thanks"sabi ni Jake na saakin lang talaga nakatingin, ayaw talaga niyang pansinin si Ace kahit na prinsipe ito dito.

"Welcome, sige una na kami." paalam ko. Umalis na kami room at pupuntahan na sana ang mga Alpha ng bigla nalang may nag play sa speaker ng school na nakakabit sa buong sulok ng Academy. Napayuko ako dahil sa hiya, ang nagplay lang naman ay ang usapan namin ni Ace kanina sa balcony. Arrghh Ms. Deria talaga!!

"Ang mga Beta at Alpha noon ay matagal ng may alitan kaya hanggang ngayon ay meron parin ito. Para bang hindi na maaalis ang alitan sa dalawang klase lalo na sa rankings, level at misyon dahil palaging nabibigyan ng misyon ang Alpha."

"Alam kong gusto mong malaman kung bakit ganon ang turing namin sa isa't isa kaya sinasabi ko na para di kana umiwas samin, hindi kami sanay."

"Minsan kasi nakakainis sa side mo yung tipong wala kang alam sa nangyayari sa mga kasama mo. Ngayong alam ko na parang nakakatawa, may alitan kayo dahil sa alitan ng dating mga Alpha at Beta? Dahil sa rankings? Level? That's the craziest thing that I've heard about this school o baka naman sa inyo lang talaga?"

[Book 1]MAGICUS ACADEMY✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon