KABANATA III

557 45 13
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na nagmumula kay Snowy na walang tigil sa pagtahol buhat sa ibabang bahagi ng aking kama. Nang hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtulog ay naramdaman ko nalang na tumaas at bumaba ang aking kama.


Nakapikit akong humugot ng isang buntong hininga. Kinusot ko ang aking mata bago nag-inat inat at kapagdaka'y bumaba na ng aking kama kasama si Snowy. Linigpit ko ang aking higaan bago hinawi ang kurtina na tumatabon sa liwanag buhat sa labas ng bintana. Napangiti ako nang maramdaman ang init ng sikat ng araw sa aking balat.

Nasa ganoon ako pagmumuni-muni nang tumunog ang aking phone. Nang makita ko ang pangalan ni Diana na nakarehistro sa screen ay madali ko itong sinagot.

"Hello," umupo ako sa gilid ng aking kama habang nilalaro ang aso kong si Winter na panay ang kiskis ng kaniyang mukga sa aking binti.

"Where the hell are you?" Aniyang galit dahilan para mailayo ko ng kaunti sa aking tainga ang aking phone.

"Nasa bahay. Bakit?" Cluesless kong tanong bago tumayo. Dumiretso ako ng lakad papunta sa banyo para maghilamos at tooth brush na rin.

"Anong bakit? It's already 8 o'clock! Nandito na si Sir Peter sa room. Were having a long quiz!" Anunsyo niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at natilihan. Mabilis akong lumabas ng banyo para tingnan ang orasan na nakakabit sa itaas na bahagi ng aking kama.

"Oh shit!" tanging nasambit ko nang mapagtantong late na late na ako sa aking klase.

Tsinek ko ang aking alarm at nanlumo nang mapansing 7:00 PM ang napindot kong alarm. Mabilis ang ginawa kong pagbihis ng uniporme. Hindi na ako nakapagligo, nakapag-ayos at nakapagsuklay ng buhok. Deri-deritso akong lumabas ng bahay naabutan ko pa si Mommy na nagdidilig ng kaniyang halaman. Kasama si Nana Elisa, ang aming nag-iisang kasambahay. Mommy called me and said something pero hindi ko na naintindihan iyon.

"I'm late, mom! I talk to you later." I shouted at her before finally going out. Nakalabas na ako ng gate at nagpapara na ng tricycle na pwedeng sakyan nang may bigla nalang may bumusinang kotse mula sa aking likuran.

"AH!" sambit ko tsaka napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat. Mabilis ang ginawa kong paglingon sa pinanggalingan ng busina na iyon at sa nagmamaneho noon tsaka siya binigyan ng nakakamatay na tingin.

Die!

I saw him smirked habang nanggigigil na ako sa kaniya kung paano siya patayin sa aking isipan.

What the hell is he doing here? At bakit ngayon pa talaga? Wala pa naman ako sa mood para makipagbiruan sa kaniya ngayong araw.

Bumaba siya ng kaniyang kotse. He's wearing Adidas black short and shirt na tinerno niya sa kaniyang Adidas shoes and he's also wearing a black cap. Nagmukha tuloy siyang nang-e-endorso ng Adidas dahil sa suot niya.

But the truth is, it feels like he's going to a gym or going to a park to take a walk or whenever an ordinary guy goes when he's chilling.

"What are you doing here?" Puno ng suspetsiya kong tanong sa kaniya.

"I'm going to fetch my friend for a walk."

Love Like a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon