Chapter 10 (Dance Troupe)

49 0 0
                                    

FRANCIS POV:

2nd week of school. Malapit na audition ng Dance troupe. Hmm. Di kaya marunong sumayaw tong ANGHEL na kilala ko? Ayain ko kaya to sumali. SIguro after that FAMOUS na rin sya dito sa school. 

Mga iniisip ko talaga. Teka, nakita ko kaninang magkausap sila ni Nicoleigh. Close sila? O panigurado, may sinabi nanaman dito si Nicoleigh. IMPAKTA talaga. Tsk. An IMPAKTA always an IMPAKTA. Buset!

RECESS..

Nag-excuse ako sa teacher to go to clinic. Pero, ang totoo. Pupunta ako sa girls building. Tss. Pwede namang uwian, ewan ko ba pagdating kay ANGEL lagi nalang akong atat. Tss. Lakas ng amats ko dito ah. Hahaha. So, eto pupunta ko sa room nila.

"Goodmorning Miss. Can i excuse Angelica?"

"Sure. Angelica, Francis."

Ang sama ng tingin naman sken neto ni Nicoleigh. Kakain ng TAO? Hahaha. Selos siguro to. Magtiis sya. Sinayang nya lahat saken eh. 

"Oh, bket?"

"Hmm. You wanna join the Dance Troupe?"

"Sure. Kakasabi lang kanina kung kelan ung audition."

"Sasali ka?"

"Oo nga."

"Osge. See ya' later." (Wink)

"Kfine."

Ang ganda ganda talaga ni Gel. San kaya to kumuha ng mukha? Hahaha. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NICOLEIGH's POV:

Ba't naman ganun? Nagpupunta pa si Francis sa Girls building para lang dito sa ANGELICA na to. So, what's that mean? Sila naba? Aba! Di ata, pwede. AKIN LANG SI FRANCIS AKIN LANG. Okay? 

Bahala na.

LUNCH..

Magkasama sina Anna at Angelica. Lagi nalang silang magkasama. Bat kaya ganto? Boto ba si Anna kay Angelica para kay Francis. Kami nman dati pilit akong lumalapit sakanya. Lumalayo sya. Di noh. Mas maganda parin ako jan sa Angelica na yan. Di pwedeng maangatan nya ko sa papel ko sa buhay ni Francis.

Eh ano pa kayang papel ko kay Francis? Tss. Sana di magbago yung kami dati na sweet. Ang tanga tanga ko ksi, bat ko pa sya pinakawalan. The hell. Huhu.

Dance Troupe na, this coming tuesday. Pano ba yan? Sisikat nanaman ako sa campus. Tss. Sa galing ko ba naman sumayaw eh. Lakas ng attraction ko. Kabog. Hahaha. Basta, lahat gagawin ko mapasakin lang ulit tong si Francis at panigurado inaya nya siguro si Angelica sumayaw. Tss. Tignan naten kung sinong mas magaling saten. Goodluck nalang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANGELICA's POV:

Dance troupe. Yes! Makakasayaw ulit ako, at kasama pa s Prince Charming kong si Francis. Lucky i am to have him. ANU DAW? Erase erase. Inlove na ata ako. Wag naman. Kay bilis masyado eh. Soon!

Baby Francis Calling..

Walang ibig-sabihin. Request nya yun. Okay?

"Boss. Napatawag ka?"

"Sama ka sken, bukas practice for Dance Troupe i'm with Stephen. Bawa tumangge. Bye!"

Tss. Kala naman nya tatanggihan ko sya. Lakas sya saken eh. Tutal, saturday. Ayos lang din naman. Nakapagpaalam na din ako kay Father. Pinayagan naman ako agad. Ang bait talaga ng tatay ko, mahal na mahal ako. Don't mind it. Daddy's girl po ako. I admit. K!

Saturday Morning : 10am.

Message from : Baby Francis 

Hey, my angel. I'll wait for you later sa meeting place nyo ni anna dun nalan. 1pm. Take care!

Tutal 1pm pa. Natulog muna ulit ako. Zzzzzzzzzzzzzzz..

Nagising ako 12:30pm na. Naligo agad ako. Nagmadali. Pero, alam ko namang aantayin ako nila Francis dun eh Love ata ako nun. Hahaha. 

Nakarating nako sa meeting place. Pati pala si Anna kasama, pinakilala nila ko kay Stephen mabait din pala ang KOYA mo. Haha. Gentleman. OhShet! Nakakainlove. Masyado pang maalalahanin. Tss. Bestfriends nga sila ni Francis. walang inagkaiba ugali nila. Parehas pa silang sweet. Pano ba yan? Hirap mamili. Mas malakas lang sa diskarte tong si Francis eh. Pero, syempre mas nauna kong naging crush si Francis eh. Kay Anna nalang si Stephen. Haha. Ang tanong aken ba si Francis? Aw. Hapdi sa heart re.

Anu bayan. Na-francis na ko. Okay, practice begins!

Practice..

Practice..

Practice..

Pahinga..

Practice..

UWIAN NA!

Inaya ko ulit sila mag-sleep over sa bahay. Pero, this time with stephen na. Malaman laman ko, crush daw ako ni Stephen. Hahah. Oh, well. Haba ng hair. Hahaha. Sana si Francis nalang sya. Kasi, ang crush ko si Francis eh. A W K W A R D.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Babaeng Sawi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon