Memoirs of Regrets

457 12 11
  • Dedicated kay Prince :3
                                    

(Y/N: Isa na namang short story mula sa kaila-ilaliman ng inaagiw kong utak. HAHAHA. LOL~ inspired po ang kwentong to sa kantang ALL THIS TIME ng SixPartInvention ;'>)

**Dedicated sayo to Prince :'3 salamat sa pagpapahiram ng name mo, pati na din pala mga banat mo ha hiniram ko na :D kung mababasa mo man to, kapag natrip-an kong ipabasa sayo. WAG MO PAGTATAWANAN HA. :D alam mo namang trip ko lang ito, at isa pa di naman talaga ako writer, pero sana magandahan ka naman. XD~ 522 :3

##########

Xylene's POV

Marahang dumampi sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin, kasabay ng pag-punas ko sa mga luha sa mata ko na hindi ko namamalayan..

Ikaw na naman ang iniisip ko, IKAW PA RIN.

"Ano na naman bang ka-senti-han ang ginagawa mo Xylene? Siguradong limot ka na nya. Hindi ka na naaalala ni Allen. Kaya magtigil ka sa kaka-iyak." parang baliw na pagka-usap ko sa sarili ko habang patuloy ang pagpunas sa mga luha ko.

Nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. Hindi ako makaget-over o makamove-on sa isang taong hindi naman ako sigurado kung ano ang nararamdaman para sa akin.

Hindi ko matanggap na kung kelan...

Napaka-unfair talaga ng buhay.. Kung pinag-bigyan lang sana tayo ng pagkakataon. Kung sana pinag-bigyan lang kita. :'(

[Flashback]

"Anong klase namang tingin yan ha Allen?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Paano ba naman kanina pa to nakatitig sakin,

"Unli ka ba?"

"Sus! Yun lang ba itatanong mo? Pinatagal pa neto. Oo! Eto oh, makikitext ka ba?" sabi ko sa kanya sabay abot ng cellphone ko.

Biglang syang ngumiti, "Ikaw kasi UNLI-nalaman ng puso ko."

Medyo matagal din akong natigilan bago ako nakareact, "Hahahahahahahahaha. Allen? Anong nakain mo? May sakit ka ba? Hahaha." sabay hawak sa noo niya.

Pero umiwas agad sya, "Sige tawanan mo lang ako Xy. Pagbibigyan kita ngayon. Pero hindi magtatagal mahuhulog ka din sa super charisma ko. Hahaha."

"Eh? Hindi kaya malala ka na Allen? Hahaha."

Halos araw-araw ganyan ang mga eksena namin sa school, parang may sarili kaming mundo. :">

Transferee lang kasi ako sa school na to, at si Allen Oreo ang una kong naging kaibigan.

Cute yung name niya diba? Kasing cute daw niya, pero di ko sya sinasang-ayunan. Lumaki pa ulo neto, di ako pa ang may kasalanan. XD

Sabi niya ayaw niya daw sa mga madadaldal, pero sa pagkakatanda ko.. Sya ang unang kumausap sa kin noon. Ewan ko ba sa lalaking to, may pagka-loner yata. Hahaha.

Ako naman si Xylene Javier, hulog daw ako ng langit sabi ni Allen kasi para daw akong angel na laging nagpapasaya sa kanya.

Madalas tinatawanan ko lang sya sa mga banat nya, minsan naman sinasakyan ko na din :DD masaya din kasi yon.

"Xy, sabihin mo nga pintura ka ba?"

"Huh? Bakit?" nabaliw na naman 'to, sa isip-isip ko. Bigla na lang kasi nagtatanong ng kung ano-ano.

"Kasi, nabigyan mo ng kulay ang dating madilim kong mundo." :'>

"Waaa. Leshe ka! Wag mo nga akong pakiligin. Hahaha. Hula ko lang, nung nagsabog ang Dyos ng ka-korni-han gising na gising ka no? Kornii moo." :PP

Short Stories ;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon