His Text Message

167 8 5
                                    

(Y/N: hello po readers, short story lang po ito. Inspired po sa He's Offline ni HaveYouSeenThisGirl at sa His Interview ni heartjbb. Pasensha na po sa  imbensyon ko :)) Sana po magustuhan niyo. :">)

** aminin mo, minsan sa buhay mo nagawa mo to diba? Haha, ang alam ko gawain to ng mga taong hindi makamove-on. Comment ka na, kwentuhan tayo. :')

##########

Tatlong buwan na ang nakalipas, pero hindi pa rin maalis sa puso at isipan ni Airis ang ex-boyfriend niyang si Vrennzil.

Tatlong buwan na din simula ng huling beses na nagkatext sila ng ex niya. Yung araw ng break-up nila.

Sa nakalipas na tatlong buwan na yon, nawalan sila ng communication at ang huli na lang niyang balita sa lalaki ay nagpalit na ito ng number.

Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit hindi niya parin mabura-bura ang lumang number nito sa phonebook niya. Kahit ang mga text nito noon sa kanya,

'ILoveYou Babe :">'

'tulog ka po ng mahimbing babe. iLoveyou :**'

'mahal na mahal kita babe :'3'

Kahit ang text nito ng noong mag-break sila,

'siguro nga, mas mabuti na lang na ganito. :'('

at ang kahuli-hulihang 'iLoveYou' nito sa kanya.

Tiniis niya talaga na wag ng kunin ang bagong number nito,

nagtitiis sya na balikan na lang lahat ang ala-ala nilang dalawa. Pero hindi ngayong araw na to.

"April 10, 2012, anniversary sana namin." sabi ni Airis sa sarili niya at hindi na niya napigilang umiyak.

Wala sa sariling hinanap niya sa phonebook niya ang lumang number ni Vrennzil, nitong mga huling linggo nakatuwaan niyang i-text ang number na ito kapag namimiss niya ang lalaki.

Ipokrita siya kung hindi niya aaminin na nag-aabang sya ng reply galing sa lalaki. Alam niya na nagmumukha na syang tanga dahil ang taong hinihintay nyang magreply sa kanya ay nagpalit na ng number. Pero wala syang pakialam, basta ang mahalaga sumasaya sya sa ginagawa niya.

'Happy Anniversary Babe :*'

'Miss na miss na kita. :('

'Mahal na mahal pa rin kita, kahit anong gawin ko di pa rin kita makalimutan eh.'

'Sana tayo na lang ulet babe. Sana tayo pa rin. Hindi ko alam kung papaano, pero sana magkabalikan pa din tayo.'

'Umaasa pa rin ako na ako pa rin dyan sa puso mo. Iloveyou babe :">'

sabay flood ng ILoveyou at Imissyou sa number nito. Wala syang pakialam kahit maubos ang load niya basta para kay Vrennzil ayos lang.

Hanggang sa mapatakan ng luha ang cellphone niya, kasabay ng pagvibrate nito.

Walang ganang binuksan niya ito,

"Gm na naman siguro." sabay pahid ng luha.

Pero nagulat sya ng mabasa kung kanino galing ang text, at ang sunod-sunod na pagdating ng mga message sa inbox niya.

From: Babe'V

Happy anniversary din babe ko. Kala ko nakalimutan mo na.

'Mis na mis na din kita. Hindi ka pa rin nawawala sa puso ko, at ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko.'

'Sana tayo pa rin, at tayo pa din ulet. Dahil hinding hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sayo hanggang sa huling tibok ng puso ko. ILoveyou very much babe. '

-TheEnd-

##########

(Y/N: haha. ok lang ba? anong masasabi mo? comment ka lang. Vote na din. Salamuch :'>)

Short Stories ;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon