Chapter 1

4 0 0
                                    


  Camz PoV

 Wooosssshhh 

 'Hmmm.'

 Kasabay ng pagtapak namin sa lupa ay ang pag-salubong sa amin ng simoy ng hangin na ani mo'y wine-welcome kame nito. Kakaiba sa pakiramdam ang bawat marahang pag-dampi nito sa aking mga balat na para bang niyayakap ako. Nagpakawala akp ng isang mahabang buntong-hininga habang bahagyang nakayuko ang aking ulo.

 "It's been a while..." mahinang ani ko sa sarili kasabay ng dahan-dahang paga-angat ko sa aking ulo at napatitig sa kawalan. Napangiti ako sa ganda ng tanawin. "Avalon Ruins." dagdag ko pa tsaka bumaling sa aking mga kasama.

"Let's go?" yaya ni Stef. "Majesty is already waiting for us." pag-papatuloy pa nito. Tinanguan lang namin ito bilang pagsang-ayon.

 "Ano na kaya ang nangyare sa Palace?" biglang tanong ni Zsanti ng mag-simula na kaming mag-lakad. "Marami na kayang nag-bago?" dugtong pa nito. Bakas sa mukha ang excitement. Nagkibit-balikat lang kami ni Stef at nag-patuloy sa pag-lalakad.

 Walang pinagbago ang paligid. Nariyan padin ang nag-gagandahan at nag-tataasang mga puno. Berdeng-berdeng mga damo at makukulay na mga bulaklak na sumasayaw kasabay ng hangin. Masaya namang nag-huhunihan ang mga ibon sa bawat sanga ng mga punong aming nadadaanan. 

 'Kamusta na kay ang Palace?' 

 Nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa isiping iyon. Ang Imperial Palace, isang syudad kung saan naninirahan ang mga myembro ng White Family at ilang myembro ng Dark Family na mas piniling umanib sa amin. This Imperial is surrounded and protected by a powerful dome barrier upang maiwasan ang palihim na pag-atake ng Dark Family Reapers. 

 Huminto ako sa paglalakad, dahilan para mahinto din sina Stef at Zsanti. Marahan kong pinakiramdaman ang paligid at batid kong may mali dito. Ang mga nag-huhunihang mga ibon kanina ay nawala sa parteng ito ng gubat. Maging ang mga hayop ay nawala. Naging mainit din ang simoy ng hangin. Pansin kong alam nadin nina Stef na may mali dito dahil naging seryoso ang mukha nila.

  Napatingin ako sa mga nag-tataasang damo sa bandang kaliwa ko dahil sa naaninag kong liwanag. At mula doon ay naglabasan ang mga palaso. Maraming palaso. Naging alerto naman kaming tatlo at malumanay na iniwasan ang paparating na mga palaso na par bang kami ay sumasayaw. Mula sa aking likuran ay naramdaman ko ang dalawang presensya ng tao, kaya mabilis naman akong humarap sa mga ito.

 T i i n n g g ! !

 Mabilis ang kanilang pag-atake ngunit nabasa ko ang galaw nila kaya naman nasalag ko ito. Dalawang naglalaking mga palakol ang sandatang gamit ng dalawang ito. Tig-isa sila. Gamit ako kutsilyo ko ay naharang ko ang mga ito sa mismong tapat ng mukha ko. Hindi basta-basta ang kutsilyong ito dahil isa ito sa Twenty-Five Legendary Imperial Weapons na mayroong kanya-kamyang taglay na kapangyarihan. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagka-gulat. Marahan kong itinulak ang sandata ng dalawa at bahagyang umatras para lingunin sina Stef.

 "Sino kayo?" tanong ng lalaking nasa kaliwa ko na naghahandang muli para umatake.

 "Anong ginagawa niyo dito?" dagdag naman nung nasa isa pang lalaki pero hindi ko ito pinansin.

 Muli kong sinulyapan sina Stef na nag-tatanggal na ng kanilang contact lenses. Inginuso ko ang direksyon ng mataas na damo na pinanggalingan nung mga palaso kanina. Mukhang nakuha naman nung dalawa dahil mabilis na kumilos ang mga ito.

 Naramdaman ko ang pagkilos ng dalawa sa harap ko kaya mulu kong ibinalik ang atensiyon ko sa mga ito. Patakbo kong sinalubong ang mga ito ngunit bago pa man ako makalapit sa kanila ay tumalon na ako sa ere. Pabaliktad akong lumapag sa lupa sa likod na parte ng dalawa. Ang mga kamay ko ang syang nakalapat sa lupa, walang ano-ano ay pwersahan kong iniikot ang aking katawan habang nakabukaka ang aking mga paa dahilan para masipa ang dalawa sa likod at tumilapon. Patalon akong tumindig sa aking mga paa at nginisihan ang mga ito.

 "Stand up!" nang-aasar na sabi ko at binigyan sila ng nakakalokong ngiti. Sumeryoso naman ang mukha ng mga ito.

Nang maka-bawi mula sa pagkaka-tilapon ay mabilis na sumugod ang isa. Iwinasiwas ng iwinasiwas ang kanyang dambuhalang sandata. Ako naman ay pailag-ilag lang. Nag-aantay ng taman tyempi at ng magkaroon ay mabilis akong umupo at sinuntok ito sa sikmura dahilan para mapayuko ito at mabitawan ang kaniyang sandata.


 "Argg!" usal nya. Napangisi nalang ako.

 Hindi pa ako nakuntento dahil tumalon ako sa ibabaw nito at doon iniikot ang aking katawaan na nasa ere habang nakaawang ang aking isang paa. Sinipa ko ito ng malakas sa tagiliran at muling tumilapon papunta sa direksyon ng kasama nya na papasugod nadin sa akin. Nakaluhod ang isang tuhod kong naglanding sa lupa. Tumayo ako at naglakad papunta sa harap ng dalawa.

 "Anong kailangan nyo?" nanghihinang tanong ng isa. 

 Kung titingnang mabuti at pagbabasehan ang paraan at lakas ng kanilang mga pag-atake ay masasabi kong mga Class-S Warriors ang mga ito. Nginisihan ko lang sina Stef ng makabalik ang mga ito galing sa kung saan.

"Saan kayo galing?" tanong ko. Tinuro ni Stef ang direksyon kung saan nagmula ang mga palaso kanuna at doon ko nakita ang dalawang lalaking walang malay.

 "Dreake! Get out there!" saad ni Zsanti na nakatingin sa isang puno sa harapan namin.

 Isang lalaki ang tumalon mula roon papunta sa likod namin. Dreake? Ahh oo! Sya yung lider ng mga Class-S Warriors ng Palace. Matangkad, maputi, matangos na ilong, nakatayong mga buhok na bumabagay naman sa kanya. Boyfriend material na.

 "Sino kayo?" seryosong tanong nito at isa-isa kaming pinasadahan ng tingin. 

 "I want to challenge you later!" naka-ngiting sabi ko. Napalingon naman sakin sina Stef at Zsanti. 

 "Why not now?" mayabang na usal nito. 

 "You don't want to do that here." natatawang usal ni Zsanti. "You'll regret it." dugtong pa niya. 

"Then, why don't you try me?" ngumisi ito kay Zsanti. 

 "Later." sagot nito. 

"Bring us to the Palace first."

 "Why?" takang tanong ni Dreake.

"Because we are going to have a testing match at the Battle Dome?" sarkastikong usal ko at nginitian ito. 

 "Don't worry, White Family din kami." sabat ni Stef at ipinakita ang simbolo ng pagiging White Family. Gumaya naman kami ni Zsanti.

 Isa-isa nyang tiningnan ang aming mga simbolo at nginitian kami. Tinulungan niya muna ang kaniyang mga kasama bagi kami iginaya sa daan papunta sa Battle Dome ng Palace. 






 To be continued...

The Demonic Angel:Two World in My HandsWhere stories live. Discover now