Chapter 4

1 0 0
                                    


Camz PoV 


 "Bebs tara na!" sigaw ni Zsanti na nasa may labas na ng room ko. 

 Tumayo na ako at naglakad papunta sa direksiyon niya. Paglabas ko sa may pinto ay nandoon nadin si Stef na nakasandal sa pader. Nagsimula na kaminh maglakad papuntang canteen. 

"Kyaaahhh! I love you Franz kooo!" 

 "Waahhh! Baby Llanz!"

 "I Love You Stef!"

 Oh? Bago ka magreact! Hindi artista ang pinagkakaguluhan nila. Sigawan yan ng mga babae ng makarating kami sa canteen. Binalewala nalang namin ito at deretyong naglakad papunta sa counter. Umorder ng pagkain. Ilang minuto pa kaming nagantay sa order namin at dumating ito. Nagabot ako ng limang 1000 sa cashier.

 "Hindi kami tumatanggap ng cash!" sarkastikong usal nito. Tinaasan palo nito ng kilay.

 "Ow and so what?" mataray na sabi ko. Sinamaan ako nito ng tingin.

 "Siguro dapat matuto kang gumalang!"

 "Siguro dapat matuto kayong tumanggap ng cash?" naiinis na talaga ako.

 "Bebs, hayaan mo na." awat ni Zsanti pero hindi ko ito pinansin.

 Napansin ko naman ang pakikiusyoso ng ibang estudyante at ang ilan ay nagtitinginan nadin mula sa kanilang upuan. 

 "At nagtataray ka pa ha!" inis na usal muli ng cashier.

 "Eh nagtataray ka din eh! Baket? Are you the owner of this school? Because as far as I know, you're not." sarkastikong saad ko. 

 "Kung hindi ka titigil na bakla ka, irereport kita sa Dean. Ewan ko nalang kung hindi ka expell dito." banta nya. Ngumisi naman ako.

 Naglakad ako papasok sa counter at tumabi sa kaniya. Hinawakan ako ang balikat niya na ikinagulat naman nito. "Let's go? To the Den's Office. Magsusumbong ka diba? After that I'll make sure that you'll nit be able to come back here anymore." nakangising usal ko dito. 

Nanlaki naman ang mga mata niya. Inilabas ko ang wallet ko at doon kumuha ng 20,000 pesos in cash at ipinatong iyon sa desk ng counter bago lumabas doon. Nilingon ko pang muli ang cashier. 

 "Take that, because tomorrow, you don't have any job here." natatawang sabi ko bago naghanap ng table.

Nanatili ang tinginan ng mga estudyante sa amin. Hindi naman namin ito pinansin at nagsimula ng kumain ng makahanap kami ng table. 


 "Ang pogi nya girl!!"

 "Oo nga be!"

 "Kaso bakla sya diba?" 

 "Oo nga no?"

 "Wakompake! Basta ang pogi nya!"

 Bulungan ng mga babae sa du kalayuan. Alam ko kung sino ang tinutukoy nila pero binalewala ko ito.

 "So bakit mo ginawa yon?" taning ni Zsanti na batid kong yung nangyare kanina ang kaniyang tinutukoy. 

 "Try lang." natatawang sagot ko. Sinamaan nya ako ng tingin pero hindi na nagsalita pa. 

Matapos kumain ay bumalik na kami sa klase namin. Naging mabilis lang naman ang oras. 

DISCUSS

 DISCUSS 

 DISCUSS 

 DISMISSAL

 Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot. 5 pm na kaya medyo madilim nadin. Nung malapit na kami sa may gate ay may naaninag akong imahe sa di kalayuan. Napalingon ako sa direksiyon noon ngunit biglang nawala ang imahe.

 "What's wrong?" tanong ni Stef.

 "I think someone is following us." tugon ko at pinakiramdaman ang paligid. "Or maybe not." dagdag ko pa ng hindi ko maramdaman ang presensya nung imahe.

 "Let's go?" tanong ni Zsanti na tinanguan lang namin.

 Maglalakad na sana kami ng may mabilis na nagpaandar ng kotse at biglang tumigil sa tabi namin. Dahan-dahang bumaba ang wind shield at bumungad sa amin ang isang lalaki. Sa loob ay may dalawa pang lalaki. Bumaba ang mga ito at nagsipag-sandal sa tabi ng kotse. 


 Llanz PoV

Dismissal na at nasa parking lot na kami. Nakasakay kame ngayon sa kotse ni Franz ng dumaan sina Bakla at ang mga kaibigan nito. Sinundan namin ito ng tingin ng bigla itong huminto. Bigla itong tumingin sa direksiyon namin na ikinagulat naman nin nina Franz at Stef. 

 "Nakita nya ba tayo?" tanong ni Franz.

 "Mukhang hinde. Tingnan mong mabuti, hindi talaga sya atin nakatingin." saad ni Stef na sinang-ayunan naman namin.

 "Tara lapitan natin." ani Franz at mabilis na pinaandar ang kotse bago pa kami makasagot.

 Huminto kami sa tabi nina Bakla. Dahan-dahang ibinaba ni Franz ang wind shield. Nakakunot ang noo ng tatlo ng maibaba ang wind shield. Nagsibaba naman kaming tatlo at sumandal sa kotse.

 "Hi girls." bati ko habang nakangisi. "Ako nga pala si Llanz" pagpapakilala ko at inilahad ang kamay sa ere.

 Tinanggap naman ito ng nasa harap ko bago magsalita. "Zsanti" tipid na usal nito at bumitaw sa kamay ko.

 "Stefan" sabi ni Stef sa kaniyang kaharap.

 "Stefaine, Stef will do." sagot nito at nakipag kamay kay Stef. 

 "Naks. Same nickname." pangaasar ko na umani naman ng masamang tingin mula kay Stefaine.

 "Dude? Uso umimik." ani Stef kay Franz na nakikipag laban ng titigan kay bakla.

 "Franz" nabibiglang usal nito. 

 Tinitigan pa muna ni bakla ang kamay ni Franz bago muling ibinalik ang titig kay Franz. "Camz" usal nito bagi tumango. "Let's go." yaya nito sa mga kasama.

 Naglakad na sila at naiwan kaming tulala dahil sa inasal ni Camz. Malumanay pero maangas. Mabagal pero may dating. Para bang punong-puno ito ng pagyayabang, pagmamataas at pagiging makapangyarihan. Pati ang mga titig nya ay kakaiba. Seryoso ang kulay itim na mata nya na talaga namang nakakakilabot. Bagamat halatang contact lenses lamang ang mga ito. 

"Woah!" naiusal ko nalang at umakto pang kinilabutan. 

 Napatingin ako kay Franz na nakatulala sa kaniyang kamay na hanggang ngayon ay nasa ere parin. Pfftt. Napahalakhak ako ng malakas dahil sa itsura nya. 

 "Hahaha... Grabe dude... Perstaym! Take... Note... Sa bakla pa!" pangaasar ko dito.

 "Gago!" asik niya bago sumakay ng kotse. Sumunod naman kami ni Stef. 

 Mabagal ang pagpapatakbo ni Franz. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay habang nagmamaneho. Nilingon ko si Stef sa backseat na ngumisi lang sakin. Muli akong humarap sa daan. 

 "So anong plano mo?" nakangising tanong ko. 

 Knowing Franz for almost 8 years, gaganti at gaganti yan. Lalo pa at napahiya siya. Although walang ibang nakita bukod sa kanilang magkakaibigan ay napahiya padin siya. 

 "Im gonna make him fall in love with me. Then i'll leave him" seryosong ani Franz.





To be continued...

The Demonic Angel:Two World in My HandsWhere stories live. Discover now