Chapter 3

2 0 0
                                    


Franz PoV


 "Ano naman kaya yung pa-project ni Miss Trina, eh first day of school ngayon?" inis na tanong ni Llanz ng makalabas kami ng room.

 "Aba malay namin." walang buhay na sagot ni Stefan at namulsa habang naglalakad.

 Papunta kami ngayon sa kabilang building dahil doon ang next class namin. 'Bakit ba kasi napagka-laki ng school na'to? Sino ba ang may-ari nito?' Hayst. Apat na taon na kaming nag-aaral dito pero hindi pa namin kilala ang may-ari nito. Ni isa sa mga estudyante, teachers o faculty staffs ay hindi kilala. Maliban sa Dean, na Mommy ko. Pero sa tuwing tatanungin namin sya ng tungkol don ay mabilis nyang iniiba ang usapan. Tanging pangalan lang ng school na ito ang alam namin na 'A.R. Academy' pati nadin ang initials sa ilalim nito na 'WF.K.'

 "MISS KOZELN!!!" sigaw ng prof na nasa tapat na room namin ngayon. Napahinto ako at sumilip dito.

 Si Miss Agrisa to ah? Isa sa mga terror teachers sa 4th year. At sino ang pinapagalitan nito? Naglalabasan na ang mga litid nito sa leeg at pulang-pula nadin ang kaniyang mukha kaya batid kong galit na galit na ito.

 "I SAID, MISS KOZELN!!!" muling sigaw nito at lumapit na sa kinauupuan ng isang... Lalake? Is she pertaining to that guy?

"Yes?" tipid na tugon nito.

 Bakla? Ewan! Kakaiba ito kung kumilos at magsalita. Maangas ang bawat galaw. Ang pananalita namab ay malamya kaya mapapansin mong bakla ito pero nandon padin ang angas.  

"I've been calling you for the nth time! Are you with us?" gigil na isal ni Miss.

 "I'm in front of you right?" tanong ni bakla kay Miss na tumango naman. " Then I'm with you." walang ganang dagdag pa nito.

 "Grrr! Aahhh! Answer the problem on the board." tiim bagang na sigaw ni Miss.

 Maangas na tumayo si bakla at naglakad papunta sa harap. Napanganga nalang ako ng makita ang problem sa board. Halos masakop na nito buong board. What the!? Puri alphabets and numerials ang equation. Nananakit ang ulo ko sa pagtingin palang dito kaya ibinalik ko ang atensiyon ko kay bakla na prenteng tinititigan ito bago nilingon si Miss.

 "Should I write my computations?" tanong nya. Nginisihan naman ito ni Miss.

 "Write your answer ONLY!" inemphasize talaga ni Miss ang pagkakabanggit sa huling salita. 

Pasiring na inalis ni bakla ang paningin kay Miss at sinimulang magsulat sa board. 'Ano yon? Hinuhulaan nya? Imposible.' Seryoso itong nagsusulat sa board at nakapamewang pa.

 "Very good, Miss Kozeln" usal ni Miss habang pumapalakpak pa ng matapos magsagot si bakla. 

 Alam nyo yung nganga? Yung literal na nganga? Ganun ako eh! 'Ibig sabihin tama sya? Imposible.' Nginisihan pa ni bakla si Miss na manghang-manghang nakatingin sa kanya. 'Unbelievable!' 

 "Dude, yung laway mo!" usal ni Stefan at tinapik pa ang pisngi ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

 "Tara na baka ma-late pa tayo." yaya ni Llanz at nagpaumunang maglakad.

 Sumunod naman si Stef pero bago ako maglakad ay muli kong tiningnan si bakla. Napatingin ito sa direksiyon ko pero mabilis itong nag-iwas ng tingin bagi bumalik sa kaniyang upuan. Sumunod nadin ako kina Stef at Llanz. Dumeretso kame sa next class namin at sakto namang kasunod lang namin ang lecturer. Dumeretso kami sa upuan namin sa dulong hilera ng upuan. Nagsimula ng magklaae ang lecturer at hindu ko magawang pagtuunan ng pansin ito. Naglalakbay ang utak ko sa kung paano iyon nagawa ni bakla. Sino ba talaga siya? At bakit Miss ang tawag sa kaniya? 

 "Kilala nyo ba yon?" biglang tanong ni Llanz.

 "Transferee ata? Naka-civilian pa eh." sagot ni Stef.

"May kakaiba sa kanya. Pansin nyo ba? Lalaki sya, pero Miss ang tawag sa kanya? Osige, bakla sya pero bakit Miss? Parang may kakaiba. Parang ang taas?" usal ko. 

 "Oo nga ee. Tapos yung kanina---" 

 "Baka gusto nyong i-share samin yan?" sarkastikong putol ng lecturer sa saaabihin ni Llanz. 

Tumungo lang kame. Bumalik naman sa harapan ang lecturer at nagpatuloy sa pagtuturo. Hindi ko parin magawang mag-focus dito dahil masyadong okupado ang utak ko.  


Camz Pov


 Halos hating-gabi na nang makabalik kami dito sa ordinary world galing sa Palace. Although parehong-pareho ang itsura ng dalawang mundo, magkaiba namsn ang takbo ng oras doon. Kung umaga dito ay gabi naman doon, and vice versa, kung gabe dito ay umaga naman doon. 'Tss. Napaka-haba naman kasi nh diskusiyon ni Zsanti at Tanda' asik ko sa isip ko.


 --Flashback-- 


 "Who are you, visitors?" tanong ni Tanda. 

 Sinamaan ko lang ito ng tingin at naupo sa sofa. Sumunod naman sina Stef at pormal na naupo sa kabilang sofa.

 "Just kidding" tatawa-tawang sabi ni Tanda. "What took you so long?" tanong niya. 

 "Battle Area" tipid na sagot ko. 

 "Report." seryosong ani Tanda.

 Nagsimulang magkwento si Zsanti ng mga nangyayari sa ordinary world pati nadin ang aming improvements. Binanggit nya din ang mga bago nyang imbensiyon na nakakatulong sa amin habang namamalagi kami sa mundong iyon. 

 "That's great!" puri ni Tanda kay Zsanti ng matapos itong magkwento. 

 "We need to go." sabi ko. "We have our first day of class in our new school tomorrow." dagdag ko pa. Tumango naman ito.


 --End of Flashback-- 


 "I SAID, MISS KOZELN!!!" sigaw ng isang babae na nasa harap ko na kaya napatingin ako dito.

 Oh? Si Miss Agrisa pala, lecturer namin. At bakit galit na galit ito? Napalamutak nalang ako mukha sa isip ko ng mag sink in sa utak ko na nasa klase ako! Nawala sa isip ko na nasa school pala kami ngayon at may klase pa! 

 "Yes?" inaantok na tanong ko. 

"I've been calling you for the nth time! Are you with us?" gigil na usal nito. 

 'Tss'

 "I'm in front of you right?" tanong ko dito, tumango naman sya. " Then I'm with you." dagdag ko pa. 

 "Grrr! Aahhh! Answer the problem on the board." tiim bagang na sigaw nito. 

 Tumayo ako at naglakad palapit sa board. Tinitigan kong mabutu ang problem. Nilingon ko si Miss na nakatingin lang sakin. 




 To be continued...

The Demonic Angel:Two World in My HandsWhere stories live. Discover now