Chapter 2

2 0 0
                                    


-Time skip-


 Nang makapasok kami sa Training Dome ay bumungad sa amin ang mga nagsasanay. May mga naglalaban gamit ang iba't-ibang sandata, mayroon namang nagpapalakas ng kakayahan, and most of all ay may naglalaban gamit ang kanilang mga kapangyarihan.

 Pumwesto kami sa unahang upuan malapit sa Battle Area na napili nina Dreake at Zsanti. Samantalang silang dalawa ay pumwesto na sa gitna.

 "Ngayon ko nalang ulit makikitang lumaban si Master Dreake! Masaya to!" ani ng isa sa nakaharap namin kanina. 

"Gagamitin nya kaya si Flare?" excited na usal naman ng isa pa.

 "Ladies ang Gentlemen, we are now honored to watch the battle between the leader of Class-S Warriors, Master Dreake" anunsyo ng speaker na nakatingin na kay Dreake. Bumaling naman ito kay Zsanti. "And an unknown lady, Miss Zsanti." pagtatapos nito at muling pumunta sa bandang taas ng Dome. 

 Naglapitan naman ang mga gustong makasaksi ng laban. Sinabi din ng speaker ang mga rules and regulations ng laban. Free Battle ito kaya maari silang gumamit ng kani-kanilang sandata at kapangyarihan. 'I wonder which one of her Imperial Weapon she'll use.' Pumwesto na ang dalawa sa gitna.

 "Okay, once the oponent are no longer able to fight, the battle end. Ready? Begiiiinnnn!!" muling anunsyo ng speaker. 


 Zsanti's PoV 


 "Okay, once the oponent are no longer able to fight, the battle end. Ready? Begiiiinnnn!!" saad ng speaker.

 Mabilis na kumilos si Dreake at patakbong nagpaikot-ikot sa kinatatayuan ko. 'Dreake, I wonder what your weapon is.' napangisi ako sa isipan ko.

 "Ready to cry?" mayabang na tanong nito. 

 "Come and show me." mapang-hamong usal ko at nginisihan ito. 

 Huminto ito sa pag-ikot at dere-deretsong sumugod papunta sa direksiyon ko. Nag-pakawala ito ng sunod-sunod na suntok na madali ko namang naiiwasan. Iniawang niya ang kaniyang kanang paa para sumipa pero nasalag ko ito gamit ang aking kaliwang tuhod. Kumapit ako sa magkabilang balikat nya tsaka ako tumalon at doon itinuon ang aking bigat para makabalanse. Muli itong nag-angat ng paa para sipain akong muli pero mabilis ako tumalon pababa sa kanya at sinipa ito sa likod bago ako lumapag sa lupa. 

 "Is that all you've got?" mapang-asar na sabi ko. Sumeryoso naman ang mukha niya. 

 "Flare, lend me your power!" bulalas nito at biglang nagliwanag ang kaniyang kanang kamay. Doon lumabas ang isang katana. Napangisi nalang ako. 

 Flare. Akalain mong nasa kanya ang isa sa mga Master's Imperial Weapons? Ipinuwesto ko ang aking dalawang kamay sa may dibdib ko. Nagliwanag ito at lumabas ang Imperial Weapon ko. Isang katana din. Dahan-dahan ko itong hinugot sa lalagyan. Bakas sa mukha ni Dreake ang pagka-gulat ng mapatingin ako dito ngunit mabilis itong sumugod papunta sa akin.

 Tahimik ang buong dome at walang namumutawing ingay bukod sa tunog ng nagbabanggaang mga sanadata namin. Aaminin kong magaling si Dreake sa paggamit ng kaniyang sandata, ngunit kulang ito para matalo ako. 

 "Now, cry lady!" sigaw nya at muling sumugod. Tumalsik ako sa ere ng salagin ko ang kaniyang malakas na pag-atake.

 "Grand Mahou: Galvanizer!" muling usal pa nito.

 Nagliwanag ang kaniyang katana at mabilis na iwinasiwas ito sa direksiyon ko. Parang isang laser beam ito na patungo sa akin. Umikot ako sa ere upang maiwasan ito. At nagtagumpay naman ako. Nang ibalik ko ang aking tingin kay Dreake ay may kasunod na naman itong atake. 

"Enhanced Mahou No. 8: Deflector" usal ko at nakabuka ang mga palad na iniawang ang aking bakanteng kamay sa direksiyong pinanggalingan ng atake.

 Doon lumabas ang isang kulay bughaw na barrier na nagsilbing panangga ko sa kaniyang atake at ibinalil ito papunta sa kaniya. Umilag naman ito. Mabilis na kumilos ako pagtung-tong ko sa lupa at tumakbo papunta sa kaliwang bahagi ng dome. Tumingin ako sa kinauupuan nina Bebs at ngumisi. Sinamaan naman ako nito ng tingin pero hindi ko iyon pinansin.

"Extreme Mahou: Shower Bolts" wika ko ng nakangisi. Napatayo naman sina Beba at Zsanti sa kinauupuan nila.


 Itinaas ko ang akung katana at biglang nagliwanag ang itaas ng dome. Napatingin ako kay Dreake na gulat na gulat pero mabilis na sumugod papunta sa akin. Ngunit huli na ang lahat. Ang aking pag atake ay nagsimula na. It's like a gunshots made up of lightning falling in the ground like raining. I once again looke at Bebs. Stef is waving her haid and quickly put a barrier around the Battle Area to keep the audience safe.

 Ilang minuto pa ang itinagal ng aking pag-atake bago ko napag-desisyunang ihinto ito. Nabalot ng makapal na usok ang buong Battle Area. Nang mawala ito ay doon ko nakita si Dreake na walang malay na nakahandusay sa gitna. 

 'Napasobra ata ako?' napapailing na usa ko sa aking isipan.

 "And the winner is... Miss Zsanti!" nabibiglang anunsiyo ng speaker. Nagsigawan naman ang mga manunuod sa dome.

 Lumapit na sa pwesto ko sina Bebs. Umupo ito sa tapat ng Dreake at marahan itong tinapik sa paa. Dahan-dahan naman itong nagmulat ng mga nata at kakamot-kamot sa ulong bumangon. Nginitian ko naman ito at tinulungang makatayo.

 "Sorry, napasobra ata" natatawang usal ko. 

 "What was that?" namamanghang tanong nito. "Sino ba talaga kayo?" naguguluhang pagpapatuloy nito.

 "Bring us to Majesty." pormal at seryosong utos ni Bebs. 


 Camz PoV 


 "... Sino ba talaga kayo?" naguguluhang tanong pa ni Dreake. 

 "Bring us to Majesty." pormal na utos ko. Nabigla naman ito sa sinabi ko. Binigyan ko ito ng seryosong tingin kaya kahit naguguluhan ay hinatid nya kami kay Tanda

. Mabilis naman kaming nakarating sa Palace. Abala ang mga taga-sunod ng palasyo sa kani-kanilang gawain kaya hindi nila kami napansin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. 

 "Hey! My Princess!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali. Dali-dali itong lumapit samin at ikinulong ako sa mga bisig nito.

 " I miss you my Princess." usal nito bago bumitaw sa pagkaka-yakap sa akin. Napangiwi nalang ako. "Did you not miss me?" nakangusong tanong nito.

 "Stop that Zy." sabi ko. Lalo lang itong ngumuso at sinamaan pa ako ng tingin.

 "Are you staying now?" parang batang tanong nya.

 "No. We're here because of Tanda"

 "Can I come with you?" nakangiting ani to.

 "No" tipid na tanong ko. "Let's go." yaya ko kina Stef at iniwan na si Zyru na nakanguso. 

 'Kahit kailan talaga parang bata!' sabi ko sa isip ko.

 Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa opisina ni Tanda. Nang makarating kami ay basta-basta kp itong binuksan. Bumungad sa amin ang salubong na kilay ni Tanda.

 "Who are you, visitors?" nagtatakang tanong nito at isa-isa pa kaming pinasadahan ng tingin. 




To be continued...

The Demonic Angel:Two World in My HandsWhere stories live. Discover now