Chapter 1

66 8 7
                                    

Kaiden’s POV

Ang boses ng aking kaibigan na si Kyler ang malakas kong dinig sa dalawa kong tenga.

“Bro! Kung ako sayo pasok ka na diyan. Kapag naihian mo yang shorts na hiniram mo sakin lagot ka", sigaw ni Kyler sa akin habang tinuturo ang isang maliit na banyong hindi kaakit-akit.

Ihing-ihi na kasi ako at wala kaming nakikitang banyo na malapit sa lugar namin sa camp. Mahigpit na pinagbabawal ang umihi sa kahit saan pati narin sa mga puno-puno.

“Uyy! Pasok kana diyan", sinenyasan akong pumasok sa loob ni Kyler.

“Sige na nga, hintayin moko ah?”, sinabi ko sakanya habang naglalakad papasok.

“Go lang bro”, sagot ni Kyler pabalik.

Dahan-dahan ko na binuksan ang pinto dahil tinitignan ko ang maputik at madulas na sahig. Agad kong nakita ang iisang kubeta sa pagpasok ko na mayroong babalang wag ihian.

Hindi ko na pinansin ang sirang kubeta sa aking harap dahil may nakita akong shower area sa tabi nito na nakatago. Biglaang hindi ko na mapigilan ang aking sarili at ilang segundo nalang ay makakaihi nako sa pantalon.

Tumakbo ako patungo sa pintuan ng isang maliit na shower area. Bilisan kong binuksan ang zipper ng aking pantalon.

Ilang momento na lamang at nailabas ko na si jun-jun ngunit sa sobrang dilim hindi ko na kitang may isang babaeng nakahubad at napasigaw siya ng malakas.

“Ahhhhhh!”, mataas na sigaw ng isang dalaga sa pagkagulat.

Nag simula akong mag-panic at ang tibok ng puso ko ay biglang bumilis. Kaba, takot at kahihiyan ay dumagdag pa.

“Ano pang tinitignan mo?! Umalis ka na!”, galit na nahihiyang sinabi ng babae sa akin habang tinatakpan ang itaas at baba niyang katawan gamit ang dalawang kamay.

Agad akong tumakbo palabas, nanigas ang buong katawan ko kaya hindi ako bilisan na nakaalis nuong una.

Kaliwa't kanan kong hinanap si Kyler na nakaupo sa isang putol na punong hindi ganoon kalayo. Nagmamadali akong pumunta sa kanya.

“Ano na nangyari sayo?”, tanong ni Kyler sakin habang hinihingal ako at bumubuhos ang pawis sa aking mukha. Wala rin akong masagot dahil sa mga pangyayari.

“Bro, sara mo nga yang zipper mo”, dagdag niya sa akin.

Walang ilang minuto at mabilisang dumaloy ang tubig pababa. Napaihi na ako.

Napatayo si Kyler sa inuupuang kahoy at tumakbo palayo.

“Ayy naman!”, inis na sabi niya at hinampas ang kamay sa nuo habang inalog nang tagiliran.

...

...

Kung nagustohan natin ang storya, bigyan natin ng vote at commento. Maraming salamat sa supporta.

He Catches Ms. NakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon