Patuloy umuulan sa loob ng aking pantalon. Sinusubukan kong pigilin at itigil ang pag-ihi dahil ang weird sa pakiramdam. Madami siguro akong nainom kaya ganito.
Nakatingin at nakatitig lamang sakin si Kyler, hiyang-hiya para sa akin. Binaba ko ang ulo dahil sa kahihiyan. Salamat nalang at close kami ni Kyler.
"Nak ng gripo naman yan Kaiden oh! Bakit ka pa umiihi hanggang ngayon?", sabi ni Kyler. Halata sa mukha ang kanyang inis.
"Pasensya naman, madami akong nainom", sinagot ko sa kanya.
"Anak ng t-", hindi natapos si Kyler sa pag hiyaw nang may sumabat.
"Anak ng toytoy!", sigaw ng babaeng nakita kong hubad sa banyo habang papalapit saming dalawa.
"Bastos ka! Ano, ganun nalang? Titignan mo akong hubad tapos yun lang?", sunod-sunod na binabato sakin ng babae na galit.
"Uhh, hindi ko naman nakita eh... ang dilim kaya. Malay-malay ko bang may taong nakahubad sa isang banyong mukhang nanggaling sa kapanahunan ni lapu-lapu", sinabi ko sa babaeng inis na inis.
Napatahimik siya ng ilang segundo bago lumapit pa ng konti sakin.
"Ikaw ha! Wag kang panggap-panggap innocente. Bastos", sinabi ng babae, harapan sa mukha.
Narinig kong naglakad palapit sa aming dalawa ng babae si Kyler at sumingit sa usapan.
"Girl over there... that's now over here dahil lumapit ako. From my information, ang kaibigan ko ay innocente pa", singit ni Kyler sa usapan.
"Hmmph!!", inis na tunog ng babae habang nagpatuloy maglakad sa kabilang direksyon.
"Taray naman ng babae mo bro", commento ni Kyler sa babae.
Wala akong sinabi pabalik dahil tahimik akong nag aalala sa naihiang pantalon ko. Nagtataka nalang ako na hindi napansin ng babae na umapak na siya sa ihi ko.
"Hoy!!!", malakas na sigaw ni Kyler.
Agad akong tumingin sa kanya.
"Hindi ikaw", sabi ni Kyler sakin at tumango.
"Babae!! Anong pangalan mo?!", dagdag na sigaw ni Kyler, sinusubukan tanongin ang pangalan ng babaeng nasa malayo na.
Hindi sumagot ang babae dahil siguro hindi narin niya narinig. Biglaang tumakbo si Kyler papunta sa babae na walang sinabi.
Naiwan ako na nakatayo parin sa posisyong nagsimula akong umihi sa pantalon. Diring-diri nako sa sarili at hindi kaakit-akit ang pakiramdam. Malagkit at mapekat na.
Unti-unti akong nag lakad ng parang penguin patungo sa isang gripo upang hugasan ang sarili.
Maya't-maya, narinig kong patakbo sakin si Kyler. Lakas ng hininga ang una kong narinig pagkatapos niyang tumigil.
"D-daniela. Daniela Suplada ang pangalan niya bro", hirap na sinabi ni Kyler. Hingal na hingal siya sa pagtakbo.
"Suplada last name niya?", tanong ko kay Kyler.
"Oo"
Bumalik ako sa paghuhugas ng aking sarili.
"Bro", biglang sabi ni Kyler.
"Ano?", sagot ko pabalik.
"Hindi Suplada last name niya, dagdag ko lang yun...... uto-uto", tinulak ako ng hindi ganoon kalakas pagkatapos niyang sabihin ang 'uto-uto'.
Pero siyempre ako si ako. At si ako ay nasubsob sa lupa at nasugatan ng maliit sa kaliwang tuhod.
"Saksakan ka nga naman ng swerte oh. Babaeng nakahubad, napaihi sa pantalon, nasubsob at nasugatan. Baka niyan mabuntis ka ni Daniela, bro. Fiesty siya" tuloy-tuloy na sinabi ni Tyler sakin.
"Tara na nga, pagkuha kita ng band-aid at palitan mo na pants mo bro. Smelly", ginalaw ang ilong at tinulungan akong itaas ni Kyler sa lupa.
....
....
Wag kalimutan mag vote, comment at ilagay sa library niyo or sa public reading list. Salamat.
BINABASA MO ANG
He Catches Ms. Naked
Teen FictionPaano kung sa isang pangyayari ay nakakita ng dapat hindi makita si Kaiden? Pero paano rin kung yan ang simula sa hindi inaasahang pag-ibig? Paano kung nariyan naman ang matalik na kaibigan ni Kaiden na si Kyler. Loko-loko, may angas pero ang higit...