Chapter 1 : Forced Wedding

34.6K 408 50
                                    

Lyvhie's POV

"You may kiss the bride" nakangiting pahayag ng pari na nasa harap namin ni Andrea.

Yes, ikinakasal ako ngayon sa babae na ngayon ko lang din nakilala at nakita sa araw mismo ng kasal naming dalawa. Ipinagkasundo lamang kami sa isa't isa dahil business partners ang mga magulang namin na hindi ko alam kung bakit din ito ang naisipang gawin.

She's twenty-four and I'm eighteen. At sa totoo nyan kaka-eighteen ko lang last month. Naisip ko nga na baka ito ang birthday gift ng parents ko sa'kin pero sa totoo lang ay hindi ako natutuwa dahil ang bata ko pa para maikasal ngunit tatlong taon lang naman daw kami magsasama, ayon sa kontratang pinirmahan namin kanina.

Nakakapagtaka lang talaga kung bakit kailangan pa naming magpakasal knowing na may katapusan din naman lahat ng ito. Sa pagkakaalam ko din naman ay maganda ang takbo ng kompanya na pagmamay-ari ng parents ko so naisip ko ay baka atat lang talaga sila Dad na maikasal ako.

Mahirap din talaga minsan maging unica ija' salitang laging lumalandas sa isipan ko.

Well, I'm straight at sigurado ako sa bagay na iyon pero ano din ba kasing pinakain ng pamilya ng babaeng 'to sa parents ko para ipagkasundo ako na ipakasal sa kapwa ko babae. Sobrang hindi ko talaga expected na mangyayari ang bagay na 'to sa buong buhay ko.

Grabe lang kasi totoo talagang hindi mo mapi-predict ang mangyayari sa future mo...

Tumigil ang buong sistema ko nang walang kaemo-emosyong hinalikan na nga ako nito sa labi. Smack lamang iyon pero parang gusto ko ng masuka dito sa harap ng altar. Hindi ko din expected na makakahalik ako ng babae sa tanang buhay ko.

Nabalik lamang ako sa wisyo ng marinig ang hiyawan at palakpakan ng mga taong dumalo ngayon sa kasal. Napatingin din kaming pareho ni Andrea sa mga ito, especially sa parents namin na saksi sa kasalang pakana nila.

Saglit ko siyang sinulyapan. Napansin ko ang pagngiti nito ng tipid sa mga tao, wala na rin naman akong choice kundi gayahin ito upang sa ganon magmukhang maayos ang kasalang ipinagdaraos ngayon.

Ayoko naman talaga sana itong gawin pero masyado kong mahal ang mga magulang ko para suwayin sila. Sa tingin ko naman kasi ay may malalim na rason kung bakit nila ako nilagay sa sitwasyong ito.

Kasalukuyan na ako ngayong naglilinis ng katawan dito sa banyo ng kwarto niya. Dito daw muna kami tutuloy sa condo niya habang inaayos pa ang mga gamit sa bagong lilipatan naming bahay.

Mabilis lang din naman akong natapos. Lumabas ako ng banyo ng naka-bathrobe lang habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel. Napakunot din ang noo ko nang makitang bihis na bihis si Andrea.

Naka-leather jacket, nakawhite shirt sa loob at naka-leather jeans na tinernuhan ng blackboots. Kapansin pansin din ang bagsak na medyo messy hair nito na bumagay naman sa kaniya.

Di na masama...

Pero saan naman ito pupunta? Alam niya naman sigurong first night namin bilang mag asawa.

"S-sandali, saan ka pupunta?" di ko napigilang itanong sakanya.

"Bar" tipid at walang emosyong sagot naman nito sa'kin.

Ano?! Alam niyang kakakasal lang namin tapos magba-bar siya!

"Ano?! Iiwan mo ko dito mag-isa?" 'di makapaniwalang bulalas ko.

Nagpapabango ito sa harap ng salamin pero tumigil ito at hinarap ako ng wala na namang emosyon sa mukha. Hays, asawa ko na nga siya pero hindi ko siya mabasa base sa itsura niya.

Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon