Chapter 21 : Special day?

4.6K 120 63
                                    

Lyvhie's POV



Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho pauwi sa bahay ng muling pumasok sa isip ko ang nangyaring pagkompronta sa akin ni Aria kanina. Ganun na ba ako kahalata masyado para mapansin niyang may gusto ako kay Andy?



Sandali akong napabuntong hininga tsaka muling tumutok sa daan, mahirap na at baka madisgrasya pa ako.



"Relax Lyvhie... relax. Don't let that woman ruin your day okay?" pang-aalo ko naman sa sarili.



Sandali ko pang sinipat ang phone ko sa gilid para tignan kung nagreply na ba si Andy. Hindi ko sure kung alam niya ba na birthday ko ngayon kaya naisipan kong itext nalang siya para sabihin sakanya yun. Alam ko kasing mauuna siyang umuwi sa akin ngayon dahil nakita ko ang scheds niya kagabi ng pakialaman ko ang tablet niya.



Di ko naman mapigilang hindi mapangiti habang iniisip kung paano niya ako sasalubungin mamaya pag-uwi. Alam ko namang hindi siya sweet o kaya naman romantic na tao pero okay na sa akin kahit batiin niya lang ako with hugs and kisses.



Tinanggihan ko nga rin ang mga kaibigan ko, maging sila Mom sa balak nilang pagcelebrate ng birthday ko with them pero talagang si Andy ang gusto kong makasama ngayong buong araw na to.



Madilim ang bahay ng madatnan ko. Mangiti ngiti pa nga akong lumabas ng kotse matapos kong makapagparada. Sukbit sa balikat ang bag na nagtungo ako sa pinto. Bahagya ring nagtaka kung bakit nakalock pa 'tong pintuan.




Nagkibit balikat nalang ako tsaka na kinuha ang spare key ko sa bag. Pagkabukas ko tanging dilim pa rin ang sumalubong sa akin. Mga ilang segundo pa akong nanatili sa pwesto ko. Naghihintay ng susunod na mangyayari pero wala ni isang nagbago.



Dahil sa pagtataka'y kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid. Sandali pa akong nasilaw sa liwanag bago inilibot ang paningin sa paligid pero ganun nalang din ang pagbagsak ng mga balikat ko maging ang mataas ang ekspektasyon ko kanina.



Ganun nalang ang paninikip ng dibdib ko sa nabungaran. Ni walang nagbago. Yung ayos na iniwan namin kanina ni Andy sa pagpasok namin sa trabaho't eskwela'y walang pinagbago.



At doon ko naman napagtanto ang lahat. Malungkot at di makapaniwala akong napatawa ng mahina.



Oo nga pala. Hindi nga pala siya uuwi ngayon dahil inaya nga pala siya ni Aria kahapon sa office nitong magstay sa condo niya ngayong gabi. Bakit ko ba nakalimutan yun?



"Tanga ko..." tsaka pa ako tumawa ng mapakla kasabay ng pagsara ng pinto.



Mabibigat ang paang naglakad ako palapit sa couch. Nilapag ko nalang basta ang bag ko sa center table tsaka na ibinagsak pahiga ang sarili sa couch.



Sandali akong napatitig sa kisame tsaka malungkot na napangiti. Kasabay nang pagpikit ng mga mata ang sunod sunod na pagtulo naman ng mga luha ko.



Ang sakit lang. Ang tanga ko lang. Bakit ba kasi ako laging nagi-expect sakanya knowing na kahit saang anggulo pa tignan, never akong mauuna sa priority niya, second choice lang ako. Option niya lang naman ako.



Bahagya akong napahikbi dahilan para ipantakip ko sa mata ang mga braso ko. Ang bigat bigat na lalo ngayon ng dibdib ko't para na rin akong nahihirapan huminga.



Dumagdag din sa sakit na nararamdaman ko yung nangyari kanina sa amin ni Aria sa parking lot sa school. Yung mga salitang binitawan niya kaninang talaga namang sumaksak sa puso ko.



Bakit ba ganito? Bakit pagdating sa akin lahat napakakomplikado? Nakakainis na eh. Nakakainis na kasi!



Ang sama sama talaga ng loob ko at tanging luha nalang din ang karamay ko ngayon. Wala akong maisip, ni isang taong pwede kong mahingan ng tulong.



Birthday ko ba talaga ngayon? Bakit parang anibersaryo ng pagkamatay ng isang tao dahil sa sobrang lungkot ng nararamdaman ko sa mga oras na to? Bakit ang unfair? Bakit kahit sa kaisa isang mahalagang araw sa buhay ko pinagkakaitan pa ko ng kasiyahan? Bakit?



Pero di ba dapat maging masaya ako? Birthday ko eh. Dapat kahit ngayon lang kalimutan muna lahat ng patong patong na nangyari ngayong araw. Tama Lyvhie. Be happy kahit ngayon lang muna. Okay?



"H-happy birthday t-to me. Happy b-birthday to––" wala talaga eh. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko talaga kaya.


"L-Lyvhie ano ba! Kasalanan mo naman di ba?! Ka-kasalanan mo naman tap-tapos iiyak ka. Iy-iiyak ka! Bat ka kasi umaasa eh. Ba-bakit kase.." inis kong pinagsasampal ang sarili ko. Oo. Galit ako sakanila pero mas nagagalit ako sa sarili ko. Hindi naman lahat mangyayari to kung pinigilan ko din ang sariling kong mahulog sakanya eh! Tanga ko lang talaga eh!



"Ang tanga tanga ko eh. Ang tanga tanga ko..." tsaka ako napaupo. Pilit kong pinupunasan ang mga luhang walang paawat sa pagtulo gamit ang mga palad ko.



Tumayo ako't pinilit maglakad kahit nanghihina't nanlalabo ang mata ko. Nagtungo ako sa bar counter dito sa bahay at kumuha ng alak na pwedeng inumin.



Wala akong pakialam kung malasing man ako total wala na rin naman akong makitang ibang way para maibsan tong nararamdaman ko at kung paano rin icecelebrate ng mag-isa tong birthday ko. Yeah birthday ko...



"Ako? Nag-naglalasing dito tap-tapos ikaw ano? Nagpapakasaya sa Aria mo? Alam mo? Galit ako sayo Andy eh. Galit na galit na galit ako sayo. Kasi birthday ng asawa mo pero hin-hindi mo alam. Ang galing din eno? Ang galing mo. Ang galing galing at ikaw...ikaw namang higad ka, edi sayo na. Sayong sayo na si Andy, itali mo sa bewang mo kung gusto mo. Makabitch ka eh, mas bitch ka kung ikukumpara sakin. Baliw ka pala eh" hindi ko na rin alam kung anong mga pinagsasabi ko lalo na't sinakop na rin ng alak ang buong sistema ko.


Nakalimang bote na rin ako ng alak at pang-anim na rin itong tinutungga ko.




"Alam mo Andy? Hin-hindi kita mapapatawad. Hinding hindi! Anong tingin mo sakin, laging bibigay sayo? Ulol! Hindi na. Hinding hindi na! I hate you!Sana hindi nalang kita minahal no? Parang tanga na ko dito, bwisit" tsaka pa ako humagikgik at pilit na tumatayo mula sa lapag. Nakaupo ako sa carpeted floor habang nakasandal lang sa couch. Aish..I'm so waisted. I hate this.


"Pag-ikaw.. Ikaw umuwi dito. Bahala ka na sa buhay mo. Wa-wag mo lang akong guguluhin at baka masapak lang kitang gago ka. Napakatwo timer mo!" hampas ko sa center table pero agad ding natigilan ng may mapagtanto.


"Ay... Two timer din pala ko. May Mark din ako eh" tsaka pa ako humagikgik na parang ewan.



Hanggang sa hindi ko na rin alam ang sumunod na nangyari dahil sa sobrang kalasingan.

------------------------

Kawawa Lyhie Anne ko dito :'<

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading. Love you readers ^_^ ❤❤❤

-Grasya ❤







Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon