Chapter 33 : Secretary

5.1K 114 55
                                    

Lyvhie's POV

Inabot din ng dalawang araw bago ako tuluyang nahimasmasan. At dahil ayoko namang magmukmok lang sa loob ng dorm nila Abegail ay naisipan kong tanggap nalang rin yung offer ni Jade sa akin para maging temporary secretary ng pinsan niyang matagal ko na rin namang kilala. Highschool na iyon noong nasa elementary palang kami ni Jade.







Mga tansya ko'y kaedaran na rin siya ni Andy––wait hindi ko na dapat siya iniisip ngayon!





Sandali naman tuloy akong napahawak sa dibdib ko dahil sa pagkirot nun. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala tong pagkagusto ko sakanya matapos ng panloloko nila sa akin. Ilang beses na rin akong kinulit nila Dad na patawarin sila't umuwi na sa mansyon pero dahil nga sa sarado pa rin ang isipan, maging ng puso sa mga ito'y walang pagdadalawang isip ko silang tinanggihan at di pinasin.






Mahirap at masakit din iyon para sakin dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo'y magulang ko pa rin naman sila pero pakiramdam ko kasi pinagtaksilan nila ko.












At kung nagtataka naman kayo kay Andy ay wala, wala ito ni isang paramdam sa akin. Kahit tawagan o itext man lang ako wala talaga kaya pakiramdam ko napakatanga ko.





Ang tanga ko kasi naniwala akong mahal niya ko, na totoong may pakialam siya sa akin, na mahalaga ako para sakanya pero ngayon tignan niyo naman, walang kahirap hirap niya akong binalewala ng ganun ganun nalang. Ano pala yung araw na umalis ako ng bahay? Isang malaking pag-arte din? Aba! Putangina naman!







Sandali kong sinipat si Jade at napabuga nalang din ng hangin ng makitang nakatalikod pa rin ito sa gawi ko dahil kung hindi ay paniguradong mag-aalala na naman ito. Mabuti nalang din at maagap kong naibaba ang kamay ko bago pa man siya humarap sakin.








"Halika na sa loob. Nakausap ko na yung secretary niya na nandito tayo" aya niya sa akin bago na nga kami pumasok sa loob ng opisina.







"What do you want this time Jade?" agad na bungad ng pinsan ni Jade na si Ms. Olivia habang nakaupo sa desk nito at busy ang mata sa mga papeles na hawak hawak niya.











"Uhm nabanggit mo sa aking magle-leave yung secretary mo this summer right? So I helped you to find a substitute fo–––"








"Lyvhie?" putol ni Ms. Olivia kay Jade ng mag-angat na ito ng tingin sa amin, partikular sa akin. Mukhang hindi ito makapaniwala na nandito ako ngayon sa office niya.







Ngumiti naman ako bilang tugon. Agad itong tumayo at sumenyas sa amin na maupo "Please have a sit"








Sandali namang tinignan ng nagtataka ni Jade ang pinsan niya tsaka bumaling sa akin ng nagtatanong. Nagkibit balikat lang naman ako dahil wala din naman akong kaide-ideya sa mga nangyayari.


Agad naman kaming naupo sa couch na narito din sa loob ng office nito pero bago pa man magsimula ang pag-uusap ay sandali ko munang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid.









Parang kagaya lang din naman ng office ni Andy, mas malaki nga lang yung kay And–––sandali nga! Bakit ko pa ba kasi siya iniisip?! Nakakainis na.









"Lyvhie are you okay?" tanong ni Jade sa tabi ko. Nagtataka ko naman siyang tinignan. Sumulyap naman siya sandali kay Ms. Olivia na nakaupo sa harapan namin bago muling bumaling sakin.








Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon