The Real Story

1.7K 106 98
                                    

Still Dedicated to Ate Denny. =)) 

||©Kisha Yzaguirre||  

█║▌│█│║▌║││█║▌║│║▌   

T H E     R E A L    S T O R Y

Matagal na akong nabubuhay sa mundong ito. Mahaba daw lifespan ng lahi namin. Yan tuloy, biktima ako ng boredom sa buhay.

Pagala-gala lang ako kung saan man ako dalahin ng hangin. Salot pa nga minsan turing sa akin. 

Ako? Sabi nila, Walang patutunguhan ang buhay. Balang araw,  mamamatay ako pero walang makakaalala sa akin. Matutuwa pa sila.

Gusto ko na nga magpatiwakal. Gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng uminom ng lason, maglaslas, humarang sa truck na ginupitan ko ang brake, tumgingin sa salamin para mabasag ito sa pagmumukha ko, magdive sa gasolina tapos dalhin kasama ko ang isang lighter na bukas, magbabad ng hubad sa snow, iuntog ang ulo ko sa dingding na may spikes, maligo sa muriatic acid, magswimming with sharks, etcetera etcetera etcetera.

Pero. Pwede ba yun??

Kung dumaan na ang isang dyosa sa aiyong paningin. MAY ANGAL KA PA BA?? ANO MGA DRE! MAGSALITA!! LAGLAG BRIEF KO. =__________=

Ako nga pala si Mok. Bata pa naman pero di ganun kabata, di rin ganun katanda. At oo. Alam kong gwapo ako. Yun din sabi ng mga magulang ko. \(OvO)/

Pero ewan ko. Di naman kasi kagwapuhan lang ang dahilan para magustuhan ka ng isang babae diba? Maliban na lang kung Gold Digger ang babae pero alam kong di siya ganun. 

Di ganun si Eris. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko.

Kung gwapo mga manliligaw niya, DI HAMAK NA MAS GWAPO AKO!

Baka tinatanong niyo, Sino ba si Eris??

Eris Jane Trinidad

Siya lang naman ang crush ko! 

Hindi.

MAHAL KO NA SIYA unang lapat pa lang ng mata ko sa kanya. Naglalakad siya nun tapos parang may sinusundan na tao. 

Oo. Alam ko. Masakit. Habol ka ng habol sa taong mahal mo pero di niya alam na hinahabol mo rin siya. Patagong pagmamahal. Patagong nagdudusa. Patagong umaasa. Patagong Iniisip kung paano papatayin yung Eros Magdayao na yun.

Sa lahat ng pwedeng mangyare, bakit kay Eros pa? Si Eris ang guardian angel ni Eros. Nung una, isip ko, "Ano? Seryoso ba siya?" Pero the way she radiates that aura, alam mong totoo ang sinasabi niya. Bulag lang talaga si Eros nung una.

Inisip ko nung una, sa ugali pa lang ni Eros, alam kong wala akong laban, maliksi nga ako pero, Tsk. Wala talaga. Si Eros ata talaga papatay sakin.

PERO DUN AKO NAGKAMALI.

Iba pala talaga ang papatay sakin.

Ano yung papatay sakin? Yung sitwasyon na makikita ko siyang masaya sa piling ni Eros. Yung sitwasyon na si Eros lang ang makakapagpasaya sa kanya. Yung kasiyahan na di ako ang makakapagbigay kundi ibang tao. (Teka. Tao ba talaga si Eros. .__. Parang demonyo. DI! JOKE LANG. Baka patayin pa ako ng fans ni Eros.)

Pero yun na nga, nakita kong inabot ni Eros ang pera kay Eris.

WTF! Binabayaran o sinushulan niya ba agad si Eris? Lumayo ka sakanya Eros!

Pero the next scene broke my heart.

Tumakbo si Eris papunta kay Eros at tumalon para sumabit sa likuran ni Eros.

Di ko kaya yun, kaya pumagitna ako sa kanila  at inisip na sana napigilan ko sila.

Pagkagitna ko, halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Saya dahil nahawakan ko si Eris.  Naamoy ko siya. Nakita ko siya ng malapitan. Lungkot, dahil wala akong angawa para paghiwalayin sila. Nakita ko pang tinapon siya sa semento.

And that's what I saw before I died.

Eros. Take care of Eris. Not the other way around. Don't make me die for nothing.

(PAKISCROLL DOWN PARIN PO . Di pa ito tapos dito) 

█║▌│█│║▌

Note. Si Mok ay LAMOK na naipit nung sumabit si Eris kay Eros sa first meeting nila. Ito ay kwento ng unang pagkikita ni Eris Trinidad at Eros Magdayao sa perspective ng isang lamok.

Yun lang po. Salamat. >:))))))))

// It Died //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon