Chapter 9

247 51 16
                                    

Chapter 9

Nine

Binaba kaagad ni mosh ang kanyang cellphone matapos ko siyang sigawan. Siguro nagalit ang isang 'yon. Kahit labag sa loob ko ay hihingi na lang ako ng tawad sa kanya mamaya. Hindi ko naman sinasadya ang sigawan siya. Sadyang hanggang ngayon, hindi pa talaga humuhupa ang pagkainis ko sa lalaking iyon. Halos sampalin ko na nga ang sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Pwede naman akong tumanggi 'diba? Pero ano nga bang magagawa ko, e nangyari na.

Namuti na ang mga mata ko sa kahihintay sa bwiset kong kaibigan. Kailan ba darating ang isang 'yon? Kapag namuti na ang uwak?

Inip na inip na ko kaya naman, naglakad ako ng pabalik balik sa aking puwesto.

"Five minutes pa," sabi ko sa aking sarili. Maghihintay pa ko ng ilang minuto. Marahil ay natagalan lang siya sa paglalakad.

Ginala ko ang aking mata sa parking lot kung nasaan ako ngayon. Bigla akong natakot. Wala na kasing tao. Maging sila Dawson at Kuya Bert wala na rito. Kusang naglakad ang mga paa ko at tinahak ang daan patungo ulit sa mall. Hindi ko kakayanin na magisa sa lugar na 'yun! That place was so creepy!

"Pssst..." I heard a gloomy voice. Narinig ko nga ba 'yun o baka, guni-guni ko lang?

Dahil sa narinig kong iyon ay mas lalo ko pang binilisan ang paglakad ko. I was damn scared! Halos mawalan na nga ako ng dugo dahil sa takot! But that freaking voice didn't stop.

"Pssst! Pssst!"

Hindi ko na mawari ang itsura ko ngayon. Mas bumilis pa lalo ang paglakad ko. Mas mabilis kaysa sa kanina. Kung sana hindi ako naka-heels ay kaya kong tumakbo higit pa sa champion player ng track and field! Ang kaso, alam yata nang nagbigay sa'kin ng sapatos na ito na may hahabol sa'kin ngayon. Kung sana flat shoes na lang ang ibinigay niya, 'di sana nakatulong pa siya sa'kin. Damn that Man!

Napahinto ako saglit at dali daling tinanggal ang suot kong sapatos. Napaisip ako kung tatanggalin ko ba ito tapos kakaripas na ko ng takbo, o ihahagis ko na lang ang bagay na ito sa mukha ng humahabol sa'kin.

Mas naririnig ko na ang mga yabag ng paa niya. I have no time to think. Pikit mata kong hinarap ang kung sino man na sumusunod sa akin. Aktong ibabato ko na ito nang may biglang sumigaw.

"Nathaaalia! Come here, sweetie!" He said while his arms were wide open. Wow! It's him一again.

"Look Ej, It's not funny. Stop playing with me!" Tumalikod ako pagkasabi nito and I crossed my arms. Palagi na lang ba akong pag ti-tripan ng isang 'to? Halos mamatay na ko sa takot kanina, e!

I don't get his point. Why does he have to play pranks with me? I don't play games anyway, and he know that. Ang sarap niyang i-uppercut dahil sa panloloko niya sa'kin!

Hinarap niya ko sa kanya at inalog ang magkabila kong balikat, "Are you mad at me? Sorry. I just want to surprise you, sweetie. You look so upset."

"Mad at you? HELL NO!" Sarkastiko akong tumawa, "Ej, stop playing with me. Badtrip ako tapos sumasabay ka pa." Hinawi ko kaagad ang kamay niya sa aking balikat.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kasabay ang yabang ng paa. Maya-maya pa ay tumigil ito malapit sa amin. So now she's here, huh?

"Woaaah, guys! What's happening here? Ow mosh, sino ba 'yan?"

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Mabuti naman at nandito na siya. Naalala pa pala niya na tinawagan ko siya para puntahan ako rito? Well, too late.

"WALAAA! I'm leaving!" Ginulo ko pa ang buhok ko bago umalis. Sobra akong frustrated!

Buti na lang hindi ako sinundan ng dalawa. Baka kasi kung ano ang magawa ko sa kanila. I got pissed Walang hiyang Dawson 'yon, sinira niya ang araw ko! Naalala ko tuloy ang paghigit niya sa akin palabas ng boutique, ang pagpipilit niya na hubarin ko ang dress, ang pagbuhat niya sa akin, at pagbigay sa'kin ng bagong sapatos. Alam ko na dapat kong ikatuwa ang pagbili niya sa akin nito, pero seriously?! Ibibigay niya sa'kin ang dress bilang suhol? What the hell! Kayang kaya ko siyang bigyan ng sandamakmak na dress na kagaya 'nun, o 'di kaya isang boutique kung gugustuhin niya. Gaaaad! He's underestimating me!

The Great Invader (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon