Chapter 1 ✔

628 69 35
                                    

Chapter 1

Plano

Nandito padin kami sa fastfood chain sa mall. Nagpapalamig lang at kumakain. Halos hindi na ko pansinin ng babaeng kasama ko. Kanina pa 'to. Para siyang hindi pinakain ng ilang araw.

Isumbong ko na kaya ang parents niya sa DSWD? Tss. Mayaman naman din ang isang to pero bakit kaya siya ganyan? Pinipilit kasing mag diet. Ayan tuloy. Para siyang monster na sabik na sabik sa pagkaen! Gosh. Wala ng poise ang babaeng ito!

Limang fries ang sabay-sabay na isinubo ni Gette saka ngumiti sakin. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Naku, kung nandito lang si mommy lagot talaga siya! Ayaw pa naman niya ng balahura kapag kumakain. Kapag may nakita 'yung mali sa pagkain namin, pinupuna niya kaagad. Dapat lahat ng galaw mo tama. Dapat may etiquette. Daig pa kaya namin yung royal family.

"Mosh, isa-isa lang. Hindi ka mauubusan." Pagpapa alala ko sa kanya. Nasa public place kami so she should stop acting like this!

"Sorry Mosh." Sabay tawa niya.

"Manners please." Ginaya pa nito ang boses ni mommy! Dahil doon ay sabay kaming natawa. Kahit kailan talaga to. Napailing na lamang ako.

"Loka ka talaga Mosh! Ayan, na.miss ko tuloy si mommy. Ikaw kasi e!" Sumimangot ako ng maala ko na naman siya. Kamusta na kaya siya doon? Sila?

"Huwag ka ng malungkot Mosh, uuwi rin naman 'yun."

Kahit anong sabihin ng kaibigan ko, mukhang hindi yata nito kayang pagaanin ang aking loob. Paano nga ba gagaan kung hanggang ngayon ay hindi man lang ako magawang tawagan ni mommy.

"Asa pa ko. Never na babalik yun para sakin. Si Natasha lang yung anak niya hindi ako." I rolled my eyes. Halata naman na bitter talaga ko.

Totoo naman kasi ang bagay na iyon. May pinapanigan talaga si mommy. Biruin mo, sumama pa talaga siya sa France para lang sa kapatid ko? Matanda pa kaya sakin yun! Kaya naman niyang mag isa doon. Ako nga yung mas bata pero ako 'yung iniwan niya ditong mag isa.

"Hey don't be jealous! Nandyan naman si daddy mayor o. I'm sure mahal na mahal ka non. After all, ikaw 'yung baby niya." Ininis pa talaga ko ha? Himalang napangiti ako dahil sa sinabi niya.

She's right nandito si daddy, ang knight in shining armor ko. I feel always safe kapag kasama ko siya. 'Yun nga lang, busy na siya palagi. Oh life!

Natigilan ako sa pagiisip ng 'kung anu-ano ng makita ko ang isang batalyon na mga babae. Nag-uusap yata sila? Fans club siguro ang mga iyon. Inisip ko na lang na baka may bibisitang artista mamaya sa mall.

Grabe! Patay na patay sila doon sa lalaking hindi ko naman kilala. Ano bang mapapala nila dun? Sigurado naman akong kahit kailan hindi sila pagtutuunan ng pansin nito. Nagkukunwari lang naman ang ibang artista na mabait, para lang lalo silang mahalin. Nagpapakahirap sila sa wala. Pathetic!

"Grabe, napaka-gwapo talaga niya!" Sigaw ng babae sabay yakap sa picture na nakadikit sa illustration board. Really? Mukha siyang tanga!

Can you imagine kung gaano kalakas ang boses ng babaeng iyon?! Partida nasa loob pa kami ng Mcdo nito ha! Umeeksena pa.

Wait. Is that... Dawson Montereal?! It looks like him. Siya yung nasa picture?! Hanggang dito ba naman siya parin? Mang-aagaw talaga ang isang 'yun! Simula nang dumating siya sa campus, siya na lang palagi ang bukang bibig ng lahat. That's unfair!

"Mosh, wait for me! Saan ka ba pupunta?" Gette shouted while running.

Pinipilit niyang tumakbo sa abot ng kanyang makakaya habang may dala-dala na fries at float. Nang makita ko ang itsura niya ay napagtanto ko na kailangan ko na sigurong huminto sandali. Pagod na yata si Mosh kakahabol sa akin. Baka magalit ito and worst, itakwil pa ako!

Unti unti kong binagalan ang pag takbo. Ang kaninang takbo ko ay naging lakad na lang, at gaya ng inaasahan, naabutan na ko ngayon ni Gette.

Bakit ba kasi hindi niya mabitawan yung mga pagkain? Kayang kaya naman niyang bumilii ulit! Oh well, matipid nga pala ang isang to! Gusto niya na palaging pinapahalagahan ang lahat ng bagay ultimo piso.

"Bakit ba kasi nagmamadali ka? Daig mo pa yung pusa na nanghahabol ng daga! Tignan mo, ang dami ko kayang dala! Sayang naman 'tong fries at float kung iiwan na lang natin. Madaming bata ang nagugutom!" Tumigil siya para titigan ako. "Hoy Nathalia! Nakikinig ka ba?!"

Kahit kailan talaga napaka-ingay ng babaeng to! Pasalamat siya wala akong ibang kaibigan bukod sa kanya. Hindi naman sa hindi ako friendly, but sad to say (kidding) Gette is my one and only dearest friend. I don't know, simula noong pumasok ako sa campus, wala ni isang nangahas na makipagkilala o makipag kaibigan sakin. Hindi naman ako nangangagat pero bakit ayaw nila sakin?! Ahh... Maybe insecurity一really kills!

"Arghhh!" Sumigaw ako out of my frustration kaya natigilan si Mosh sa kakasermon sa akin. Salamat naman! Nakakainis, ang ingay-ingay niya kasi!

"Mosh can you please stop? Kalma lang okay? Nakita ko kasi yung mga member ng harem ni Dawson..."

"So?" Tanong niya. Halatang bitin.

"Ayun, susundan ko sana sila kaso ang bagal mo! Naawa ako sayo mosh kaya tumigil muna ko sa pag takbo. U-uhm... Maybe later na lang nga."

"Oh em gee! Is this for real Nathalia? You're now a member of Dawson's harem? Kaya ba sinusundan mo sila ha? Tell me!"

Is my bestfriend sick or what? Me? Nathalia Ledesma, a member of Dawson's harem?! What the hell?! Kahit kailan hindi ako papayag na maging member ng grupo na iyon! Over my dead sexy body! Neveeer!

"Are you really asking me that question Gette?! Huh! Mosh, I'm Nathalia remember? Lahat yata ng lalaki kayang kaya ko makuha at paikutin... tapos tatanungin mo ko niyan? Eww!" I said with full of sarcasm.

"Oh, sorry I forgot Mosh. Nadala lang naman ko. I smell something fishy here mosh. Now tell me, what's the plan with Dawson Montereal?" She said almost whispering.

"Well as you can see, Dawson Montereal is now stealing my popularity! 'Diba? Dati kaya puro ako tapos ngayon, puro pangalan niya ang naririnig ko! At ayaw ko ng ganoon!" Huminga ako ng malalim para kumalma.

"You're definitely right! But mosh, what if... you make dawson fall in love with you? You will shine even brighter! I think you two will be cute together." She said while laughing really hard.

Arghhh! Kainis 'tong babae na 'to. Ayaw ko nga! Sinabing kapag ako, ako lang! Ayaw ko sa lahat may kahati.

Ang kay Nathalia ay kay Nathalia lang. The popularity in school is mine - mine alone. Not even that Dawson will get that fame from me! Never! Famewhore na kung famewhore! That's me and If they don't like that, then better leave.

"No! That's not a good idea. Mosh naman e! Hindi mo ba alam 'yung motto ko? Ang kay Nathalia ay kay Nathalia lang. Ayaw ko sa lahat may kahati lalo na yung Dawson na yun! Arghhh!"

Naiinis talaga ko sa lalaking iyon. Pangalan pa lang niya, sukang suka na ko! I wonder, ano kaya ang nagustuhan ng mga babaeng yun sa kanya? Sapat na ba ang mukha upang magustuhan ang isang tao? What about his attitude? Does it also matter?

"So ano nga Nathalia? Ano nga ang plano sa lalaking yun?" Hmmm. Ano nga ba?

"Mosh I think... Nathalia Ledesma will invade the life of Dawson Montereal. Gagawin ko ang lahat para makahanap ng kahit anong bagay na sisira sa kanya. I will be the great invader in his life sa gusto man niya o hindi."

From now on that's the plan. Sana lang talaga mag work 'tong plano ko para maalis ko na siya sa campus at sa buhay ko! Oh fame, popularity... Come back baby... Come back home!

xx

Hi shobie! This is for you :)

The Great Invader (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon