Chapter 19

111 20 20
                                    

Chapter 19

Possessive

Medyo malayo ang itinuro sa akin nina Scotch at Damien. Pero dahil sa angking kaposian este, kakaibang aura ni Dawson, nalaman ko na kaagad ang kinaroroonan niya. Malapad ang ngiti ng mokong. Paano ba naman kasi, pinapaligiran siya ng mga babae doon. Magaganda tapos sexy. Hindi naman kasi pipili iyon ng pipitsugin.

Ang mas nakapagpainit pa ng aking ulo ay yung isang babae doon parang linta kung makakapit sa kanya! Tapos ang duot? Duh! Hindi man lang ayusin ang bikini niya! Hanggang dito ba naman may mga bitch. Oh, teritoryo nga pala nila ang mga ganitong lugar.

Inayos ko ang aking sarili bago tuluyang lumapit sa kanila. Chin up, breast out, stomach in. I’m ready and confident enough.

 

“What are you doing here baby?” Taas kilay kong tanong kay Montereal. A typical look of a jealous girlfriend pero fierce. Nagulat siya nang makita ako sa kanyang harapan. At talagang tinignan pa niya ako from head to toe.

“Baby, bakit ka ba lumabas? Are you looking for female dogs, again?” Lumapit na ako at tinulak ang linta na nakakapit sa kanya. But being her, ayaw talagang matanggal ng gaga! Masyado ba namang pinanindigan ang pagiging linta niya!

“You bitch! Sinong female dog ha? Linta said at tuluyan nang bumitaw sa mokong. Hay, sa wakas. Bumitaw din. Pero mukha yatang naghahanap ng away ang isang to.

“Well, based on what I’m seeing right now, you are the real bitch here and I’m not.” Nakangiti kong tugon sa kanya. Namula ang babae at sa tingin ko, umakyat na ang dugo sa ulo niya. Hah. Ako pa talaga ang balak niyang kalabanin? Ang sarap lang ingudngod dito sa buhanginan at pakainin ng lupa!

“You!” Galit nag alit siya. Dinuro niya pa ko. Para siyang monster na gusto akong kainin! Oh my. She’s scary and crazy!

 

Tumakbo palapit sa amin si Montereal. Nilagay niya ako sa kanyang likod. Para siyang pader na poprotekta sa akin laban sa bala ng kanyon nong bitch. So, si Superman na pala siya ngayon…

“Stop it! Xandra, stop it! Don’t make a scene here. Just go!” Sigaw niya. I’m impressed! Kilala pala niya yung linta? Pagkarinig pa lamang ay umalis kaagad ito kasama ng mga kauri niya. Tama yan! Bumalik na kayo sa dapat niyong paglagyan.

“What are you looking at? Shooo! The show is over!” Umalingawngaw ang aking boses sa kumpulan ng mga tao. Unti unti naman nilang nilisan ang lugar. Takot lang nila sa’kin.

Muntik ko nang makalimutan na may kasama nga pala ko. I’m sure he will tease me because of what just happened. Iisipin niya na nagseselos ako sa kanila nong babae niya. Duh. As if naman nu.

The Great Invader (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon