Chapter 5 ✔

293 57 27
                                    

Chapter 5

Research

Kinaumagahan pagkagising ko, saka ko pa lamang naramdaman ang sakit. Pagkatapos ko kasing maligo kagabi, pinatuyo ko lang ang buhok ko bago matulog. Kaya naman hindi ko na nalagyan ng alcohol ang mga sugat na aking natamo.

Babangon na sana ko nang biglang tumunog ang aking cellphone.

♪ Closed off from love

I didn't need the pain

Once or twice was enough

And it was all in vain

Time starts to pass

Before you kno- ♪

Oh great! I haven't change my rigtone yet. Arghh! Sumagi tuloy sa isip ko yung mga katangahan moments ko noon.

"Yes? Anong kailangan mo mosh?"

Ang aga-aga nambubulabog na 'tong babaeng 'to! Ano naman kaya ang kailangan niya ngayon?

"Hoy babae! Tinawagan ako ni manang kagabi. Ano ba ang nangyari? Ano na naman 'yang drama mo ha?"

"Hey stop shouting! You're wrecking my eardrums!"

Grabe talaga ang boses ng isang 'to! Nakalunok yata siya ng microphone. Ang sakit sa tenga! Ang aga 'kong mabibingi nito.

"Eh ano nga kasi? Siya na naman ba ha? Forget about him Nathalia! For Pete's sake! It's been a year. Lahat na yata nakalimot na except for you!"

Dinaig pa ng babaeng 'to si daddy! Hindi nga ako magawang sermonan nun ng ganito. Samantalang si Bridgette, araw-araw yata akong pinapangaralan!

"Aksidente lang ang nangyari Mosh. I slipped! Hawak ko 'yung shower gel then humampas sa mirror. Ang sakit pa nga ng likod at balakang ko hanggang ngayon."

Knowing Gette, alam kong hindi siya maniniwala sa kwento ko. Alam niya na kapag may nangyayari na ganito, lahat kagagawan ko. Hindi lang basta aksidente. Dahil siyempre, dahil yun sa kagagahan ko. Damn! I fucking hate my self. Pinaparusahan ko ang aking sarili.

"Whatever. 'Kay!" Rinig na rinig ko ang katarayan sa boses niya.

"Hey Mosh... Do you want to join us in our province? Bukas siguro ang magiging alis natin ayon kay Dad."

"Ah! Really Mosh? I've never been there before. Yes, please? Ipagpaalam mo ko kay mommy, please?" Her voice was so priceless! Halatang halata na excited siya.

"Okay. Okay. Kalma lang Bridgette Francisco! I'll be there later. Just wait for me na lang. Bye!"

Tumayo na ko at inayos ang aking kama. Kailangan ko ng maggayak para makapunta na ko kila Gette. Mahirap na baka hindi kami makabalik ng maaga. Baka iwan kami ni dad. Kaya after taking a bath, nagbihis na ko ng simpleng faded shorts at cropped top shirt. I'd put some alcohol na sa mga maliliit na sugat na natamo ko dahil sa kagagahan ko kagabi. Kahit medyo mahapdi ay tiniis ko na kesa naman ma-infect pa 'to.

The Great Invader (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon