1

187 7 3
                                    

1

Pagabi nang napasulyap si Jacob sa harap ng bahay ni Krystie na galing sa bakery na bumili ng mga tinapay para sa umagahan.. Nakita nya si Krystie na umiiyak na nakaupo sa stairs. Nilapitan nya ito.

"Umiiyak ka na naman?" sabay tumabi ito at pinispis nya ang likod ng kaibigan.

"Paano ba naman Jake nag-away na naman kami ni Sam. Ayoko na!!!. " Nag-open up ito sa kaibigan at sumandal sa balikat ni Jacob.

"Jan ka na namn sa ayoko mo na. Sige ka lang kasbi ng ayoko na tapos sa sunod na araw okay na naman kayo. Bakit hindi mo pa breakan?"

"Eh sa mahal ko eh."

"Paano ka na lang? laging ikaw ang nag-iintindi sa kanya. bakit ba kayo nag-away?"

"Lagi nya na lang akong iniiwan pagnakayayaan sila ng barkada nyang magbasketball."

"Na naman! Anong klaseng boyfriend yan. Hindi ka man lang piliin, ihatid o isama?"

*riiing! Ring!*

"Wait lang Krys." Tumayo si Jacob at kinuha ang phone sa bulsa nya at sinagot ito. Habang si Krystie ay nakalumbaba at umiiyak.

Nagmamadali si Jacob dahil kinakailangan na sya sa kanila. "Basta Krystie, dito lang ako. Hindi kita iiwan." Hinawakan nya ang balikat nito at umalis na ito. Habang naglalakad ito pauwi tumitingintingin pa rin sya sa umiiyak na kaibigan.

--

Si Krystie Servo ay humahanap ng pag-ibig kahit sa boyfriend nya man lang ito maramdaman. Pero ilang ulit na siyang sinasaktan at paulit ulit syang iniwan. Lumaki sya sa broken family ang mama nya ay nag-asawa ng iba at ang papa nya ay nag-abroad para sa kanyanag kinabukasan. Iniwan sya kay Tita-Mommy Kelly nya na nakapatid ng papa nya na may pamilya rin.

I Didn't Forget My Promise (JaeVon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon