5

93 6 2
                                    

5

Umupo ang dalawang magkaibigan sa stairs.

"Kanina lang umiiyak ka. Tapos ngayon halos mapunit na ang mukha mo sa ngiting abot langit."

"Ayaw mo yun? masaya ako." masayang sabi ni Krys.

"kahit na, ganun ganun...." Hindi natapos ang sasabihin ni Jacob nang i-kiss sya ni Krystie sa left cheek.

Namumula namumula namumula na siya. halos gusto nya ng lumundag.

*Speechless si Jacob* Hindi matago ni Jacob ang kilig nya kaya tumakbo ito malayo kay Krystie baka mapansin ito ng dalagita.

"Bumalik ka nga dito. Hoy Jake!!" Sigaw ni Krytie na tumatawa at tinapon ang takip ng cupcakes sa kanya ngunit hindi ito natamaan dahil umilag ito..

hindi bumalik si Jacob sa kinauupuan nya dahil hindi pa rin mawala ang ngiti nya. Kaya pinuntahan sya ni Krystie, ngunit sa bawat hakbang nito palapit kay Jacob, palayo ng palayo naman si Jacob. Kaya naghabulan ang dalawa. Nahabol ni Krystie ito at nilagyan nya ng icing ang mukha.

Hindi alam ni Jacob na nilagyan pala sya ng icing sa mukha. Nagtaka na lang sya bakit tumatawa si Krys at tinuturo ang mukha nya. Hinwakan nya ang mukha nya at maynakapa syang malagkit. Hindi pa rin tumitigil sa kakatawa ni Krystie kaya hinabol sya ni Jacob at ilipat ang icing sa mukha ng dalaga.

"Whaaa! hahaha!!" Sigaw ni Krystie Hanggang sa nahuli sya ni Jacob. At nagkayakapan sila.

"Jake, naalala mo ba dati yung hinabol tayo ng tuta?" Tanong ni Krys na nakangiti habang nagyayakapan sila.

"Kelan yun? Nakalimutan ko na yun eh. Meron bang ganun.?" Loko ni Jake.

*pak*

"Ouch!" Sabi ni Jacob na nakahawak sa dibdib na pinalo ni Krystie..

"Bakit mo kinalimutan huh?" Sabay pingot ng tenga ni Jake.

"A-a-a-raaay!! mommy Kelly! Aray! mommy kelly ang alaga nyo po namimingot! Araaay!!" Sigaw nya at humihingi kay mommy Kelly ng tulong.

I Didn't Forget My Promise (JaeVon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon