7

95 6 0
                                    

7

Pagkatapos ng dinner naghuhugas na si Krystie ng mga pinagkainan at pinuntahan ito ni Jacob upang lokohin.

"Jake, bakit ka nandito? tutulungan mo ba ako?" ngiting tanong nya.

"Anong tutulungan ka jn? Hindi kita tutulungan noh, mag-iinom lang ako ng tubig. Assuming ka ah." Sabi nyang pabiro.

"Ah ganun." Winisikan ni Krystie si Jacob ng tubig sa mukha.

"Aba, kanina ka pang ganyan ah." Gumanti din si Jacob hanggang naglaro na ang dalawa ng tubig.

Dahil sa malalakas nilang halakhakan bumaba si Mommy Kelly upang tignan ang ginagawa ng dalawa.

"Ohy! Anu yan huh. Ang lalaki nyo na huh." habang dinuduro ang dalawa. Umalis ulit si Mommy Kelly.

"hahahaha!!" nagsatawanan ang dalawa.

Bumaba ulit si mommy kelly upang ibigay ang mga towel at shirts para magpalit ang dalawa. Hinagis ni mommy Kelly ang shirt kay Jacob.

"Magbihis ka na ngayon din. Basa ka oh."

Kinatch nya ito at nagbihis sa harap ni Krystie, hindi nya napansin sa harap nya pala ito kaya bigla na lang syang tumalikod.

"Ohy ikaw Krystie anong tinatayo-tayo mo jn, pumunta ka na sa cr at magbihis. Sipunin pa kayo nyan. Ako na nga ang maghugas." Sungit ni Mommy Kelly "Wla talaga tong dalawang batang ito." Sabi nyang mahina na nakangiti.

"Mommy Kelly thanks po sa dinner." Sabi ni jacob.

"Bukas ulit ah." singit ni Krystie.

"Yaw ko nga!" Pabiro nyang sabi, sabay takbo nya pauwi.

Maraming happy memories ang nacreate nilang dalawa kahit sa isang gabi lang.

I Didn't Forget My Promise (JaeVon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon