INTRO

45 4 10
                                    

Story: My Santa Girl
By: QwynEra
Cover: Ysa_MinYoongi


Langguage: Tagalog/English
Status: Complete
POSTED: 12/14/17

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events or locates is entirely coincidental.

Just a note: Hi :) kung binabasa mo man ito ngayon, thank you at Merry Christmas to youuuuuuu. Salamat ulit kung babasahin mo man ito. Mabuhay!













—————————
CHAPTER 1 • Santa Girl

JEEZ KRISTOFF
(Point of view)

BUMALOT ang lamig sa 'kin nang makalabas na kami sa kotse ni Mommy at Tita Mesiah, sinundo kasi kami ni tita sa airport. Niyaya ko kasi si mommy na dito kami ulit mag-pasko at mag new year sa pinas, bukod sa masaya dito at buhay na buhay. Meron akong Santa na limang taon ko nang pinagmamasdan at patagong hinahangaan.

Nilingon ko naman ang malaking bahay na kaharap ng bahay ni Tita, maliwanag na naman ito as always. Ang buong bahay pinapalibutan nang Santa Claus figure at christmas lights also christmas tree na pinagarbo. Sa malaking gate nila ay nakakabit ang iba't ibang kulay ng christmas lights at Santa claus na maliliit. Panigurado siya na naman ang nag-desenyo ng mga 'yan.

"Hey, sweetie. Lets get inside!" Mommy shouted.

Nang lingunin ko siya, nakita kong nasa pinto na sila ni Tita na sinalubong ni Tito at ng dalawa kong pinsan. Kinawayan naman ako ni tito at gumanti ako ng tango at ngiti saka sila pumasok sa loob, naglapitan naman sa 'kin ang dalawa kong pinsan na si Princess Jewel at Prince Jowel. Kambal sila at new year ang birthday nilang dalawa kaya alam kong masaya sila na nandito na naman ako, ako lang kasi ang nakakasama nilang pinsan tuwing pasko at new year. Karamihan kasi sa mga kamag-anak namin nasa ibang bansa o hindi naman nasa probinsya, kami lang talaga ni Mommy ang umuuwi dito sa Pinas para mag-pasko.

"Kuya Jeez!" masayang yakap sa 'kin ni Jewel na hanggang baywang ko lang, lumuhod naman ako at niyakap ito.

"Yo bro!" bati ko naman kay Jowel na nakiyakap na rin samin, niyakap ko naman sila nang mahigpit saka binitawan at hinarap. "Kamusta kayo?"

"We're fine as always naman Kuya, how about you?" Sagot ni Jewel at tanong sa 'kin, ginulo ko naman ang buhok nito bago sinagot.

My Santa Girl (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon