CHAPTER 2 • Make Friends

25 5 8
                                    

JEEZ KRISTOFF
(Point of view)

KABA ang biglang pumasok sa loob ko nang tawagin niya na ako, napaka-friendly nang pag-approach niya sa 'kin pero hindi ko nakikita iyon sa gano'ng paraan. Masaya ako at the same time dahil mapagmamasdan ko na siya nang malapitan at baka makausap ko pa siya.

"Hey, are you still with me?" Napapikit ako ng marinig na naman ang mala-anghel niyang boses na kinakausap ako.

"Ah, oo. S-sorry na pre-occupied lang ako." Tugon ko at inayos ang ibang regalo na ibibigay sa mga bata. Ngumiti naman siya saka rin ipinagpatuloy ang pag-aayos.

Nanahimik na naman siya kaya sumulyap ako nang patago, ayoko naman na malaman niyang sinusulyapan ko siya nang lantaran. Sobrang awkward na nga ngayon, paano pa kapag nahuli niya ako?

"Uhm, siya nga pala anong ginagawa mo dito?" Nagulat naman ako sa biglaang pagtanong ni Santa girl, napatigil ako sa pag-aayos saka siya tinignan pero mabilis ko rin naman iniwas ang tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Magdo-donate a-ako," sagot ko, pero sa totoo dahil sa kanya kaya ako magdo-donate.

Alam kong isang kabaliwan ang dahilan na'to pero anong magagawa ko?

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatango siya habang nakanguso, sobra na nga ang pagpigil ko sa sarili ko. Dahil sa ka-cute-an niya ayokong mahalikan siya biglaan dito, haha.

"Nakakatuwa naman na magdo-donate ka para sa mga bata..." wika niya. "Minsan na lang ang kagaya mo, ibig kong sabihin ay 'yong magdo-donate. Karamihan kasi puro babae ang nagdo-donate dito eh." Dugtong niya, patago naman akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Okay lang bang magtanong?" Huminto naman ako sa pag-aayos at nilingon siya saka ako tumango. "Ikaw ba si Jeez?"

Bigla namang dumaan sa buong katawan ko ang kaba dahil sa pagbigkas niya ng pangalan ko. Masaya rin ako dahil alam niya ang pangalan ko. Wait, tinatanong niya ba kung ako si Jeez? Fuck, paano niya naman nalaman? Hindi kaya...

"Err— na-i kuwento ka kasi sa 'kin ni Little Jewel." Napalunok naman ako sa sinabi niya, sinabi kaya ni Jewel na crush ko siya?

"A-ano n-naman ang mga p-pinagke-kuwento niya about sa 'kin?" Utal kong tanong, ngumiti siya saka umupo sa monobloc chair.

"2013 Christmas no'n nang mapansin kita na nakatingin sa bahay namin, hindi na ako nagtaka kung bakit ka nakatingin sa bahay dahil 'yon sa mga christmas decor na ako mismo ang nag-decorate. Nagtaka lang ako kasi ang sabi sa 'kin ni Tita Mesiah dalawa lang ang anak niya at puro pa ito bata..." saad nito. "Kaya nagtaka ako, nahihiya akong magtanong kay tita no'n, tapos nakita kita kagabi na kasama ang kambal. Inisip ko na baka kamag-anak ka nila little Jewel." Dagdag niya.

"Ang kuwento sa 'kin ni Jewel ay isa kang swimmer?" Tumango naman ako kaya napangiti siya. "Thats good," dugtong niya saka tinignan ang mga tao dito.

Damn, akala ko may sinabi na sa kanya si Jewel matabil rin kasi minsan ang bibig ng batang 'yon. Ngayon ko lang nalaman na napansin niya pala ako no'ng 2013 kung saan nasa terrace ako at nakatingin sa bahay nila, crush ko na siya ng araw na 'yon.

"G-gano'n ba." Tugon ko, ngumiti siya saka tumango.

"I see," sabi niya at tumayo. "Maiwan muna kita dito ha, may aasikasuhin lang akong mga bata." Paalam niya.

My Santa Girl (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon