SPECIAL CHAPTER

20 5 4
                                    

JEEZ KRISTOFF
(Point of view)

AFTER FIVE DAYS.

HALOS limang araw na rin simula ng ilibing si Sandy Lyn Romero na mas kilala bilang Santa girl. Pagkatapos rin ng libing ni Sandy pumunta ako sa Lullaby house kung saan kami nagkaroon ng magandang alaala ni Sandy. Pumunta ako do'n para sana balikan ang mga alaalang 'yon pero naabutan ko naman si Ate Mary na masayang hinahatid ang ibang bata sa kuwarto nila, lumapit ako saka sa kanya na ikinagulat niya. Sabi niya, wala naman daw ngayon si Sandy pero nandito ako. Napangiti ako ng pilit saka niyakap si Ate Mary na ipinagtaka niya, inaya niya ako sa office niya at doon ko sinabi ang tungkol kay Sandy. No'ng una hindi siya nakapag-react pero nang ma-realise, napahagulhol siya pero sinusubukan niyang hindi lumakas 'yon dahil ayaw niyang magambala ang iba pang tao sa labas. No'ng nagpaalam ako saka siya nag sabi sa 'kin na pupunta siya kapag may oras dahil medyo abala rin siya do'n.

Umuwi ako ng bahay na parang natalo ang paborito kong team sa basketball, mabilis akong niyakap ni mommy at umiiyak niya akong pinagsabihan. Nagagalit siya sa 'kin dahil sa mga ginagawa ko, hindi ako kumakain dahil wala akong gana. Apat na raw na rin kasi akong hindi lumalabas at ngayon lang rin lumabas para pumunta sa Lullaby.

"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo ng ganiyan, Jeez? Kapag nandito si Sandy, hindi siya magiging masaya dahil sa ginagawa mo!" galit na wika ni mommy saka kumalas sa pagkakayakap sa 'kin, napayuko na lang ako ulit saka nagpaalam sa kanila na magpapahinga.

Alam kong ang sama ko ng anak sa mommy ko para pahirapan siya, hindi naman kasi ako kailangan pa-pagsabihan dahil malaki na ako at alam ko na ang dapat gawin pero parang naging batang ulol ako dahil sa mga ginagawa ko.

Pagdating sa kuwarto, humiga ako kaagad sa kama at tumingin sa kisame. Habang abala ako sa pakikipagtitigan sa kisame bigla na lang nag-pop sa isip ko ang ngiti ni Sandy na dahilan tuwing tumitibok ang puso ko ng mabilis, dahil rin sa ngiti na 'yon ay nasasaktan ako. Kapag naiisip ko na wala na siya, ayaw kong maniwala pero 'yong mga luha ko mismo at bahay nila ang nagpapa-mukha sa 'kin wala na siya at iniwan niya na talaga ang mundo.

Masakit man sa magulang ni Sandy pinilit nilang tanggapin na wala na ang unica hija nila, 'yong mommy ni Sandy araw-araw umiiyak kapag nakikita ang bahay nila kaya napag-desisyunan ng daddy ni Sandy na iuwi muna sa France ang mommy ni Sandy. Kahapon lang sila umuwi kaya ngayon wala na ang Romero sa bahay nila Sandy, tanging mga kasambahay na lang ang nando'n para bantayan ang bahay.

Napangiti ako sa kawalan saka naman nag-unahan ang mga luhang araw-araw lumalabas sa mga mata ko, laging ipinaramdam sa 'kin ang sakit pero kahit papaano nababawasan ang bigat sa puso ko kapag nailalabas ko sa mahirap na pag-iyak. Napatingin naman ako sa pintuan saka nakita si Princess Jewel na nakatayo dito at pinagmamasdan ako, ilang araw na rin ako nitong binabantayan dahil baka daw mag-suicide ako dahil sa pagkawala ni Sandy. To be honest, naisip ko 'yan pero naalala kong mag-isa na lang si mommy at parang ang selfish ko naman para iwan na lang ang mga taong nagmamahal sa 'kin.

Ayoko rin wakasan ang buhay ko dahil gaya ng sa istorya ng buhay ni Sandy, mahalaga sa buhay para sa kanya dahil once ka lang mabubuhay at hindi pang-matagalan.

"Your eyes are swollen, you didn't sleep again?" Parang nanay na tanong ni Jewel sa 'kin, hindi ko siya sinagot kaya pumasok na siya sa loob ng kuwarto ko at naupo kama. "You're so stubborn!" nagulat naman ako ng bigla akong sinigawan ni Jewel.

Gusto ko sana siya pagalitan para ginawa niya pero hindi ko kaya, masakit pa ang loob ko dahil sa mga nangyari. Nanahimik na lang ako at hindi siya pinansin kahit ramdam ko na umiiyak siya.

My Santa Girl (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon