CHAPTER 5 • A Christmas

21 5 0
                                    

JEEZ KRISTOFF
(Point of view)

ONE MINUTE before Christmas. Pinaghanda na nga kami ni Mommy at Tita eh. Gusto raw nila parang New year ang pagse-celebrate ng Christmas namin this year, naghanda ng mga fireworks si Tito na inilagay niya mismo sa gitna ng kalsada.

Nandito rin kami sa harap ng bahay nakiki-countdown sa mga kapitbahay na nasa labas rin para makita ang fireworks na gagawin ni Tito Jon. Kanina ko pa nga hinihintay si Santa girl na lumabas para mabati ko siya. Kumikislap naman ang buong bahay nila pero hindi ko siya nakitang lumabas, sobra ba ang pagod niya no'ng namasyal kami?

"Kuyaaaa! Buhat mo ako!" sabi ni Jewel na nakatingala sa 'kin, binuhat ko naman siya gaya ng sabi niya saka siya tili ng tili.

"Ten... nine... eight... seven... six... five..." nagsimula ng mag-coutdown ang mga tao dito at nakisama na rin kami, habang nagbi-bilang ang lahat ay nakita ko si Santa girl at parents niya na palabas ng gate. Imbes na maging masaya ako na makita si Santa girl para akong tinusok ng ilang karayom dahil sa nakita ko sa kanya.

Mukha siyang nanghihina at nakabalot pa ng makakapal na jacket ang buong katawan niya. 'Yong Mommy at Daddy niya nakita ko kung paano sila umiyak. Yakap-yakap ang anak ay umupo sila sa bench na nasa gilid ng gate nila na nasa labas mismo. Nakahiga ang ulo ni Santa girl sa balikat ng Mommy niya at nakangiting nakatingin sa 'min.

Ano bang nangyari kay Santa girl?

Nakita kong kumaway siya sa 'min na sobrang lamya kaya masayang gumanti si Jowel at Jewel, naki-kaway na rin ako pero hindi ako makikitaan ng saya.

"Four... three... two... ONE! MERRY CHRISTMAS!" pagkatapos ng coutdown ay lumapit na si tito sa mga fireworks niya saka ito sinindihan.

Parang isang magandang view ang pinapanuod ko kasama si Santa girl habang magkaka-sabay naming lahat na pinapanuod ang mga nagli-liwanag na fireworks mula sa langit. Napatingin ako sa gawi nila Santa girl at nakita kong parang humahagulhol ang parents niya, nakita ko pa kung paanong yugyugin ng Daddy ni Santa girl ang anak niya. Bumalot sa buong katawan ko ang lamig dahil sa nakikita ngayon. Kinakabahan ako na hindi ko alam.

Dahil sa kaba mabilis ko na ibinaba si Jewel na ipinagtaka nila saka ako tumakbo papunta kina Santa girl. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mommy at Tita sa 'kin pero hindi ko sila pinansin. Gusto kong malaman kung bakit sila umiiyak? Kahit hindi ko alam ang dahilan ay bigla na lang nagbagsakan ang luhang hindi ko alam kung saan galing. Naninikip ang dibdib ko habang palapit na ako sa kanila. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, gustong kumawala ng marami pang luha pero pinigilan ko 'to dahil ano naman ang iniiyakan ko?

Napahinto ako ng makita ang katawan ni Santa girl na parang 'wala ng buhay, pilit itong ginigising ng parents niya pero— Damn it.

"Ate Sandy!" nakita ko na lang si Jewel na umiiyak na lumapit sa katawan ni Santa girl, pati sila Tita at Tito nandito na rin lalo na si Mommy na napakapit sa 'kin.

Hindi ko alam kung bakit humahagulhol na rin sila tita pero alam kong alam nila kung bakit hindi gumigising si Santa girl, dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinauupuan ni Santa girl saka ako lumuhod sa harap nito. Napatingin sa 'kin ang Daddy ni Santa girl saka ako tinap sa balikat at saka siya tumayo at pumunta sa gilid para umiyak, lumapit naman si tito sa kanya at kinomport ito. Napalunok ako saka pinagmasdan ang mukha ni Santa girl na namumutla, siguro dahil lang sa lamig kaya siya ganiyan 'di ba?

"Ang huling hiling niya ay makita at madama ang pasko sa lahat ng tao na nasa labas, gusto niya makita kung gaano kasaya ang huling pasko na meron siya." Hagulhol na sabi ng Mommy ni Santa girl.

Ayaw parin pumasok sa 'kin kung bakit ayaw gumising ni Santa girl eh, sumisinghot na hinarap ako ni Jewel saka siya humagulhol na may sasabihin.

"Ayaw niyang malaman mo Kuya na may taning na siya, ayaw niya kasing masaktan ka." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Jewel, paanong ayaw ako masaktan ni Santa girl? "Simula ng i-kuwento kita sa kanya ay nagkaroon si Ate ng interes sa 'yo, palagi niya akong pinapa-kuwento ng tungkol sa 'yo. One time nga umamin siya sa 'kin, gusto ka niya pero ang hirap daw no'n dahil hindi naman kayo gaano magkakilala at 'wala kayong closure at saka maikli lang ang buhay na meron siya." Dagdag ni Jewel at tinignan si Santa girl.

My Santa Girl (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon