PROLOGUE

128 1 0
                                    
PROLOGUE:

"Hailey! Buksan mo ang pinto. Wag mo nang hintaying masira ko ito!" Sigaw mula sa labas ni Frost.

Naku, nagalit ko na yata siya. E, kasi naman tinatamad pa akong pumasok! Bakit kasi ang aga aga ng schedule na pinakuha niya sa akin ayan tuloy ang aga ko rin magising.

"I'll count, one...two...three."

Kaagad akong tumayo at tumakbo sa pinto. Pinihit ko ito at binuksan. Pumasok si Frost sa kwarto ko at biglang natumaba, nakadapa. Anong nangyari sa kanya? Hindi naman siya siguro nadapa 'di ba?

"A, Frost nandito ako. Wala ako diyan sa sahig." Tawag ko sa kanya.

Galit siyang tumayo at hinarap ako. Ang kanyang mga kamay nasa dibdib saka mas nilaliman pa ang titig sa akin. Yari na, papagalitan na niya ako. At maririnig ko na naman ang sermon niyang daig pa sa nanay kong namayapa na.

"How many times do I have to tell you. That every five o' clock in the morning you have to pick up yourself. And this I saw you?"

At nagsermon na nga siya na parang nanay ko. Wait, asawa ko siya hindi nanay pero kung makapagsermon e, parang nanganak siya ng isang dosenang sanggol.

"Are you listening?"

"Ha? Bakit ano iyon." Wala sa hulog kong tanong. Hindi naman siya ganyan dati.

"I said go to the bathroom, now."

Kumilos na ako kahit medyo tinatamad at inaantok pa ako. Medyo lang. Paglabas ko ng banyo ay nandoon parin siyang naghihintay. Nakatitig sa bawat hakbang na gagawin ko. Babantayan niya talaga ako, seryoso ba siya?

"Lumabas ka na, magbibihis pa ako."

"No. I won't. Kung gusto mo magbihis e, 'di magbihis ka basta nandito lang ako." Nakangisi niyang sinabi sa akin.

“What?! Umayos ka nga! Gusto mo talagang ipagkalat ko na pervert teacher ka?”Inis kong sabi sa kanya.

Nakakaasar talaga ang mga biro niya. Sa sinabi kong iyon ay nagbago ang anyo ng mukha niya. Mas seryoso kaysa sa inaasahan ko. Lumapit siya ng dahan dahan habang ako naman ay paatras. He then kept an eye on me.

“E 'di ipagkalat mo.” Huling sinabi niya bago ako tinalikuran.

E?So pwede ko nang ipagkalat ang tungkol sa kanya? Na malandi siya, baklang haliparot, at lahat ng kalokohan at asawa niya ako?

Teka, may mali. Hindi pwedeng malaman ng school council at dean na may relasyon kami ng lalaking ito. Lalo na at professor siya at ako naman ay estudyante niya.

“Bilisan mo na.” Huling sambit niya bago lumabas at isinara ang pinto.

By the way, highways. Meet my abnormal husband, ang pinakamalamig sa mundo, dahil sa pangalan niya, Frost Anderson. And I'm his lawfully wedded wife slash student, Hailey Tinkerbell Jordan.

—Marshall_Kabeshin

CHARACTERS

Ian Nelson as Frost Anderson

Madison McLaughlin as Hailey Tinkerbell Jordan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Levi Miller as Josh Zaragoza

Levi Miller as Josh Zaragoza

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lauren Day as Ms. Jemiah Flores

Other characters involved soon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Other characters involved soon...

Once Upon A Frost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon