CHAPTER ONE

79 1 0
                                    

CHAPTER ONE

MAY NABANGGA AKO sa palengke dahil sa siksikan ang mga tao. Nang makalabas na ako sa kumpulan na 'yon sakto namang may nabangga akong babae. Natumba siya samantalang ako naman ay may narinig na sumisigaw na magnanakaw raw ang nabangga ko.

May mga kalalakihan na nakaitim ang suot papunta sa direksyon ko. Ang babaeng nabangga ko ay hindi pa gaanong nakatayo dahil sa lakas ng kanyang pagkakabagsak kaya kinuha ko ang ninakaw niyang pitaka at lumapit sa may-ari.

"Naku, thank you hija at nakuha mo ang wallet ko." Pasalamat pa ng ginang na may katandaan na. Halata sa kanya na may kaya siya. Kasama pala niya ang mga kalalakihan na may itim na kasuotan na sa pagkakaalam ko ay bodyguards niya.

"You're welcome po." Ngumiti pa ako sa kanya. At paalis na sana nang hawakan ako ng isa sa mga bodyguards niya.

Napalingon ulit ako sa matandang babae na ngayon ay ngiting ngiti na sa akin. Wait lang, mga nagpapanggap ba silang mga sindikato? Nabiktima na ba ako?

"Hija, pwede ba kitang i-invite sa bahay ko?" Tanong na niya sa akin. "Gusto lang sana kitang pasalamatan."

"P-po? A, hindi po ako pwede. May dala pa po akong mga pinamalengke ko tapos ganito po ang suot ko." Dahilan ko pa.

Okay na sa akin yung nakatulong na ako. Nakakahiya kasi ang suot ko ngayong shorts at t-shirt na black. At 'di rin maalis sa akin ang matakot sa kanila.

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at ngumiti lang."Hmm. Well if that's what you want. But I would like to invite you tomorrow at my house. Can you please come?" She pleaded as her eyes twinkled.

Mabilis akong napatango kaagad. Hindi dahil gusto kong pumunta o nadala sa mga mata niya kundi para bitawan na ako ng mga bodyguards niya. Natatakot na rin kasi ako sa kanila at kinakabahan na ako.

Huling ngumiti siya sa akin at pinanood ko lang siya na sumakay sa kanyang sasakyan.

Whooh! Para narin akong nabiktima ng isang magnanakaw dahil sa kaba na naramdaman ko. Hindi ko alam na gano'n ang mangyayari sa akin.

Pero grabe naman kung makapag invite siya sa akin?

Umuwi ako sa bahay at naabutan si Tita Mildred na naglilinis ng bakuran. Hindi kasi ako ang tagalinis lalo na sa buong bahay. Ako lang ang namimili ng kakainin namin pero hindi rin naman ako ang magluluto.

"O, nak. Bakit ang tagal mo naman yata?" Tanong nito habang nagwawalis sa bakuran.

"E, kasi Tita may tinulungan lang ako kanina. Yung magnanakaw kasi." Tumingin sa akin ng masama si Tita at madali niyang itinabi ang walis tingting.

Humarang siya sa dinaraanan ko. "Bakit mo tinulungan ang magnanakaw?" Ayan na naman si Tita e. Kung anu-ano na naman ang maling naiisip.

"May nanakawan 'ta at 'yon ang tinulungan ko," sabi ko at natawa pa.

Umalis na siya sa harapan ko. "Sa susunod kasi sabihin mo ng maayos nang hindi ako namamali ng intindi." Reklamo pa niya.

Inilagay ko sa lalagyan ang mga pinamili ko. Malapit na rin ang oras ng pasok ko, alas dyis ng umaga. Simula kasi nang mamatay ang mga magulang ko, si Tita Mildred na ang umampon sa akin. Kaya nalipat rin kami ng tirahan. Ako naman ay na-transfer sa isang university. Nagmadali akong nag-ayos para makaabot.

"'Ta pasok na ako!" Paalam ko at kumaway pa. Malapit lang naman ang school na bago kong pinapasukan. Hindi ko na kailangang sumakay pa.

Pagkapasok ko-pasalamat at hindi na late, ay may lumapit kaagad sa akin na lalaki. Gwapo at medyo angat lang sa akin sa katangkaran.

Once Upon A Frost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon