CHAPTER TWO

53 2 0
                                    

CHAPTER TWO



AFTER THREE CONSECUTIVE GOOD DAYS with Sir. Frost ay mas nalaman ko ang kondisyon ng kanyang ina. Her mother had a stage two lung cancer. Kaya pinagbibigyan niya ang kanyang ina sa mga gusto nito at isa na rito ang magpakasal sa akin.

Nakakaawa man pero parehas naming ginagawa iyon para sumaya naman ito. Siya lang kasi ang pinagkakatuwaan ng kanyang ina simula noong umalis ang ama niya kasama ang isa pa niyang nakatatandang kapatid.

"Let's have a simple wedding." Mungkahi sa akin ni Sir. Frost na balak niya para sa gaganaping kasal.

Seryoso siya at abalang abala sa pagtingin ng mga pictures ng venue at caterings. Hindi naman ako makasagot dahil natatakot akong baka hindi niya rin naman tanggapin ang lahat ng sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako at hinayaan siyang magdesisyon sa lahat.

Pumirme lang ako ng upo at maiging manahimik at makinig sa sinasabi ni Sir. Frost. Tango lang ako ng tango as if makatatanggi ako?

"Bakit simple lang? Why don't you have a grand church wedding!" Tuwang singit ng kanyang ina habang pababa ito ng hagdan.

Napatingin kaming parehas sa isa't isa ni Sir. Frost at hindi ko inaasahan iyon. Nagtatanong ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Pinutol ko iyon nang makalapit sa amin si Mrs. Anderson.

"I have many things to do. I don't want to ruin it, Mom." Kunot noo nitong sinabi sa kanyang ina. Lumapit sa kanya si Mrs. Anderson at hinilot ang kanyang magkabilang balikat ng dahan-dahan. Napapikit lang si Sir. Frost sa ginagawa ng kanyang ina.

His mother made him relaxed at that moment. "Don't stress yourself, son. Tutulungan ka namin ni Hailey sa kasal." Anito at nabaling naman sa akin ang kanilang atensyon.

Si Mrs. Anderson na binigyan ako ng isang kumportableng ngiti habang si Sir. Frost naman ay walang reaksyong tumingin habang hawak ang kanyang sintido. His eyes were strong.

"A, opo. Tutulong ho ako." Wow. As if makakatulong talaga ako. E, nahihiya nga akong magsalita at magmungkahi ng gusto ko.

"Mom, okay na tayo sa simple wedding. As long as kinasal kami it's fine. And about the grand wedding it will be soon." He finalized.

Bakit soon pa? Bakit hindi na lang ngayon?

"Sana maabutan ko pa ang engrandeng kasal na 'yan anak. " Malungkot na tugon ng kanyang ina. Bakit ba kasi hindi na niya sagarin na sundin ang kanyang ina?

"What do you think?" Muli, sa akin ang baling nilang dalawa.

Ako? Kahit ano naman siguro at kung ano ang mas nakakabuti.

"Mrs. Anderson mas okay lang po sa akin ang simple wedding." Pagsang-ayon ko kay Sir. Frost. Tumango lang siya at sumang-ayon na rin sa gusto naming dalawa.

"Three things you will be needed. You have to find a simple wedding gown. I don't care if it is beautiful or not, as long as it is accurate." Ibinigay niya sa akin ang kaninang binabasang listahan na ginawa niya para sa mga kakailanganin ko.

Kinuha ko ito saka binasa:

1. Simple wedding gown with veil or non.

Once Upon A Frost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon