CHAPTER THREE
I was in a deep sleep when someone interrupted it. Please lang po, patulugin niyo muna ako kahit mga five minutes and more? O sige, kahit five minutes na lang...
"Hija, kailangan mo nang tumayo. Naghihintay sa 'yo si Frost." Pilit akong yinuyugyog ni Tita Mildred. Pero tinatamad parin akong gisingin ang buong diwa ko.
I moaned as she tried tickling my waist. "'Ta naman, seven palang ng umaga. Mamaya pa ang pasok ko." Reklamo ko pa.
"Ang sabi niya e gumising ka na raw."
Nagtalukbong lang ako ng kumot. Gusto ko pang matulog e...
"Pakisabi po, inaantok pa po ako." Dahilan ko pa.
"O, siya siya. Sasabihin ko."
Hay salamat. Mabuti na lang at pumayag si Tita Mildred. They don't know how I love to sleep too long. Lalo na sa bagong higaan na 'to. Parang tinutukso ako ng makapal na kumot na matulog lang ng matulog. Ngayon lang naman e...
"Wake up, lady."
Shocks. Tama ba ang narinig kong boses? Parang biglang nagising ang buong diwa ko. Hindi kaagad ako makatayo dahil sa takot.
"Naku, Hijo. Gusto na niya yata sa higaan na 'yan." Singit ni Tita Mildred na sinaluhan pa ng tawa.
"Hailey, did you hear me?" His voice echoed in my mind. Parang sirang plaka na paulit ulit, nakakabaliw.
Unti-unti kong tinanggal ang kumot na nakatakip sa akin. Nakayuko lang akong bumangon at nahihiyang harapin siya. Kahit tinatamad pa ay pinilit ko parin.
Ano ba 'yan! Tinawag ba siya ni Tita para bumangon ako?
"Maiwan ko na kayo diyan." Ani Tita.
O, tapos iiwan pa kami ni Tita Mildred ngayon?
Sinundan ko lang ng tingin habang papalabas si tita. Nagsalubong ang mga mata namin ni Frost dahil nasa pintuan lang siya.
"G-good morning, F-frost." Pagkasabi ko no'n, mabilis akong tumayo at hinanap ang tuwalya. Patungo na ako ng banyo nang matigilan.
"After bathed, have breakfast with me," he said. I took a sharp glance and found out he was staring at me while leaning on the threshold.
Bakit ba ang hilig niyang tumitig? Nakakairita kahit na gusto ko siya. Nakakailang din kasi ang mga ginagawa niyang pagtitig, ang hirap kaya gumalaw ng perpekto sa harapan niya.
Like, he sees me as a trying hard lady just to hook up his eyes immediately.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas kaagad ako ng banyo. Hindi ko inaasahan na naroon parin si Frost at naghihintay sa akin. Pirme lang siyang nakaupo sa higaan habang nagbabasa ng dyaryo na sa tingin ko ay Manila Bulletin. Saan niya nakuha 'yon?
I can't compose any words. Paano ko siya paaalisin?
"Ah, F-frost..."
Baka naman? Baka naman pwedeng lumabas ka muna kasi magbibihis ako? For Pete's sake, 'yan ang gusto kong sabihin pero 'di pwede 'yon lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Frost Love
JugendliteraturBasahin mo na lang. ^_^v Started: December 4, 2017 Ended: January 12, 2018