chapter II

36 2 0
                                        

Gerald's point of view

Nang mapatuloy ko ang di ko naman kilalang bisita sa bahay ay agad akong lumabas at nagtungo sa kalapit na bahay.

Nakangiting sumalubong sa akin ang mag asawa.

"Gerald, ikaw pala? Anong sadya mo?" tanong ni aling Rosing sa akin.

Napakamot ako sa ulo.

"Eh pwede ho bang makahiram ng bintilador? Kwan ho kasi may bisita kami sa bahay eh mukhang maarte." nahihiyang tugon ko.

"Yon bang magandang babae na dumaan dito kanina lamang?"

Tango lang ang naging tugon ko.

"Akala namin ay nobya mo na, hahahah." malakas na tawa ni Kuya Roman, ang asawa ni aling Rosing.

"Ay naku hindi po."

"Aba eh ang ganda ng batang iyon, ikaw naman ay magandang lalaki rin, bagay nga kayo eh."

"Oh siya ito oh, medyo hindi na maayos yang bintilador na iyan kasi luma na, pero umaandar pa naman pagpasensyahan mo na lamang."

"Ayos na ho ito. Salamat."

Alam kong kabastusan na iwang mag isa ang bisita sa bahay gayong babae ito, pero nakakahiya ang nangyari kanina kaya naman matapos akong magbihis ng damit ay lumabas agad ako ng bahay. Hindi naman ako nag aalalang magnanakaw ang babaeng yon, dahil bukod sa mukha itong mayaman ay wala naman itong mananakaw sa amin. Wala si tatay sa bahay dahil nagtitinda, si nanay naman ay nasa ospital naka-confine. Ako lamang at ang dalawa kong pamangkin ang tao sa bahay, pero nasa laboy ang dalawa kong pamangkin. Nagkataong wala akong trabaho dahil extra extra lang naman ang ginagawa ko, sa katunayan ay kakatapos ko lamang maglaba at maglinis sa buong bahay.

Papalapit na sana ako sa bahay ng makasalubong ko ang tumatakbo kong pamangkin na lalaki, si Marco.

"Oh tito? Para saan yan?" tanong nito habang nakatingin sa bitbit kong bintilador.

"Wala. Ay siya nga pala, Marco pumunta ka sa tindahan nila Victoria at umutang ka ng isang softdrink na malamig ha. Isa lang." sabi ko na hinawakan ang buhok nito at ginulo.

"Eh? Para kanino po?"

"May bisita sa bahay, wag kanang maraming tanong bilisan mo, dumeretso ka sa bahay ha."

"Oh sige po."

"Huwag mong babawasan ha?" sabi ko pa.

"Opo." at tumakbo na ito.

"Huwag ka tumakbo." sigaw ko.

Margaux's point of view

Hindi ako mapakali sa mahabang kawayan na inuupuan ko, sa tingin ko kasi ay kaonteng bigat ko pa ay bibigay ito dahil medyo tumutunog pa nga ito, kaya habang hinihintay ang walang modong lalaki na kaharap ko kanina ay iginala ko ang paningin sa maliit nilang sala.

Walang mukhang espesyal dito pero malinis naman ito at may mabangong amoy. Ang totoo ay amoy lalaki ang bahay, pero mabango. Parang amoy nung lalaki kanina.

Ano bang iniisip ko?

Ilang sandali pa ay alam kong dumating na ang lalaking yon.

May kung ano itong ginawa sa gilid ko at maya-maya pa ay naramdaman ko ang medyo mainit na hangin galing sa isang. Electricfan?

Mukhang wala ito kanina ah?.

Humarap ito sa akin, kaya naman tumayo na rin ako at inayos ang suot ko.

"Pwede ko na ho bang malaman ang pangalan at sadya ninyo, miss?"

Napatitig ako sa kaharap ko, well he looks like an ordinary guy. Simple lang ang damit na suot nito at medyo gusot pa, magulo ang itim na buhok, hindi malaki ang katawan at tama lang dahil may abs ito, oo nakita ko kanina.  8 packs abs to be exact, maliit ngunit matangos ang ilong, nakangisi ang may kapulahang labi, bilog ang mga mata na kulay abo.

Accidentally On PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon