chapter IV

13 0 0
                                    

"Ms. Margaux?"

Naririnig ko ang pagtawag ng pamilyar na boses na yon, pero parang wala akong pakialam. Nanatiling nakatulala ako sa harapan ng unit ko habang namamasa ng luha ang paligid ng mga mata ko.

"Margaux, ikaw nga yan, akala ko namamalikmata lang ako. Alam mo bang ilang beses akong humiling na sana makita ulit kita, para naman makapag pasalamat ulit sa naitulong niyo sa amin." naramdaman ko ang onti-onting paglapit nito sa kinatatayuan ko.

Palihim kong pinunasan ang mata ko bago lumingon sa kanya.

"Oh? Umiiyak ka ba?" takang tanong nito na sinilip pa ang mukha ko.

"Ano ba! Lumayo ka nga. Puwing lang to."

"Puwing?" inilibot pa niya ang tingin sa hallway. "Sobrang linis ng building na ito at ultimong alikabok nga eh mahihiyang pumasok." sabi nito na sinabayan pa ng mahinang tawa.

"Pwede ba? Hindi tayo magkaibigan, at lalong hindi tayo close para magbiro ka ng ganyan sa harapan ko."

"Pero.. Kilala mo na ako diba? Ako to si Gerald? Naalala mo ba last week? Pumunta ka sa bahay namin? Sa--"

"Teka nga.. Ano bang ginagawa mo rito?"

Napahinto naman ito at ngumiti ng matamis sa harapan ko. Naka t-shirt itong puti na may bahid ng dumi at nakapantalon na kupas, may bitbit din itong kahon sa kaliwang kamay na sa tingin ko ay tool box.

"Dito ba? Ah! Dito na kasi ako nagtatrabaho, nung nakaraang araw lang. Nakalabas na rin ng ospital ang nanay ko, medyo nagamit ko yong kalahati sa pera na binigay mo, salamat pala ulit ha kasi nakabalik na sa pag aaral si Claudette at pasensya kana sa inasal ko nung nagkausap tayo, marami talaga akong problema nung panahong yon, hayaan mo.. Makakabawi rin ako sayo."

At sa panung paraan ka naman makakabawi?

"What I mean is.. Anong ginagawa mo rito? Sa harapan ko?" kunot noong tanong ko ulit.

"Galing kasi ako sa kabilang unit." turo niya sa katabing pinto ng unit ko. "Maintenance ang trabaho ko rito, paglabas ko ay nakita kita.. Nung una akala ko kamukha mo lang, pero ikaw nga palang talaga... Masaya akong makita ka, dito ka pala nakatira? Hmmm.. Libre na ang maintenance sa unit mo, basta ako ang gagawa ha?"

"tsk. Ang ingay mo.. Alis nga." at tinabig ko siya.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng unit ko ng pigilan niya ako sa braso.

"Ano ba?" singhal ko.

"Eh, sakto tapos na ang trabaho ko ngayong araw.. Nakakagutom din yon, gusto mo bang kumain? Libre ko." pagmamalaki nito.

Sobrang laki ng pagkakangiti nito na para bang umaasang papayag ako sa alok niya.

"Pwes ako, hindi nagugutom. At sinong may sabing sasama ako sayo?"

"Ako." sabay hila niya sa akin papuntang elevator.

"Bitawan mo nga ako!tatawag ako ng security."

"Shhhhh.." nilagay pa nito ang hintuturo sa labi nitong nakangisi.

"Aray! Ano ba!"

Nang makapasok kami sa elevator at mag sara ito ay saka niya lang ako binitawan..

"Hoy! Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mo sakin?" duro ko sa kanya kaya nagulat ito. "Sinabi nang wala akong balak kumain kasama ka, hindi ako nagugutom kaya-"

Grookkkkk~~

Huh?

"Hahahaha! Hindi pala nagugutom ha? Eh ano yon? Ring tone ng cellphone mo? Hahahaha!"

Accidentally On PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon