Marahan kong inihilig ang batok sa swivel chair at pinaikot ito. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa loob ng isang linggo kong pamamalagi sa opisina ko. May maliit na kwartong pahingahan ang opisina ko, kaya naman kapag inantok ako ay nakakatulog ako kahit saglit at pagkagising ay maliligo lang ako, then balik nanaman sa trabaho. Bilang nga lang yata sa daliri ko kung ilang beses akong kumain. Masyadong maraming gawain kaya hindi na ako makauwi sa unit ko, ni bumisita sa mansyon ay hindi ko na rin magawa. Isang linggo ko naring hindi nakikita ang kapatid ko, naalala ko pang tumawag siya sa akin sa telepono at sinabing "she owe me." matapos niya akong utusan last week.
"Ms. Margaux." dinig ko ang boses ng isang babae mula sa labas ng office ko kasabay ng mahinang katok.
"Come in."
Bumungad sa akin ang secretary kong si Roann, may bitbit itong folder.
Marahan nitong inilapag sa harapan ko ang folder bago tumayo ng tuwid sa harapan ko, kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam ko ang ginagawa niya. Nagtatakang tumingala ako sa kanya. Ang inaasahan ko kasi ay matapos niyang ibigay sa akin ang folder ay lalabas na ito ng office ko.
"Ms. Margaux, lunch time na po kasi, gusto niyo po bang dalhan ko kayo ng makakain?"
Ilang sandali pa bago ako nakarecover sa sinabi niya.
"No, I'm okay. You may leave."
"Sige po, Ms. Margaux." at umalis na ito.
Ilang minuto palang ang nakakalipas ay pumasok itong muli sa opisina ko. Binigyan ko ito ng blangkong tingin, halatang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip lamang siya.
"What now?" di ko natiis ang pagtaas ng boses ko.
"Ms. Margaux ka-kasi may bisita po kayo."
Tumitig lang ako sa kanya at tinaasaan siya ng kilay. "Si S-sir I-ian po, nasa lobby."
Agad napakunot ang noo ko.
Anong ginagawa ng lalaking yon dito?
"What? Ilang beses kong sinabi sa inyo na ayaw na ayaw ko nang tumuntong sa building na ito ang lalaking yon!" sigaw ko.
"Sorry po, Miss. Margaux, tatlong oras na po kasing nasa labas ng building si sir Ian, medyo malakas na po ang ulan sa labas kaya naawa po kami.. At-"
"Kaya pinapasok niyo?" pagpuputol ko sa sinasabi niya. "kesyo apat, lima, anim, o sampung oras pa siyang nasa ulanan.. Wala akong pakialam."
Napatungo nalang ito.
Padabog akong tumayo at naglakad papuntang pintuan.
"Follow me."
Naramdaman ko naman ang agarang pagsunod nito sa akin.
Agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang groundfloor.
Nang makita akong palabas ng mga empleyado ko ay napatungo na lamang sila. Binibigyan ko sila ng matatalim na tingin. Alam na siguro nila ang mangyayari.
"What are you doing here? Again.!"
Naabutan ko ang isang pamilyar na lalaking nakaupo sa couch ng lobby, iniangat nito ang mukha ng marinig ang boses ko.
Medyo basa ang suot nitong office suit at parang maluluha na ang mga mata nito ng makita ako na nakatayo sa harapan niya.
Nang makabawi ay agad naman itong tumayo at lumapit sa akin.
Asta itong yayakap ng iniharang ko ang kanan kong kamay sa harapan niya.
"Don't come near me.. What are you doing here?"
"Margaux, I'm really sorry, I-I just want to talk to you."
"Kausap mo na ako ngayon, anong kailangan mo?" pagmamatigas ko.
"Yong nangyari sa amin ni Lira, hindi yon tulad ng iniisip mo, It's just that... I'm drunk. Hindi ko yon ginusto at mas lalong hindi ko sinadya."
"That's bullshit!"sigaw ko, wala na akong pakialam kung marinig ako ng lahat ng empleyado ko. "Nakakabobo ang mga dahilan mo!! Ian, kahit nakainom ako hinding hindi ko makakalimutan kung sino ang kasama ko, specially kung ano ang ginagawa ko! Hindi ako katulad mong hindi natatandaang kasama mo ang bestfriend ko at nawala yata sa pisteng utak mong ako! Ako ang girlfriend mo, Ian!! AKO!! Habang hinahalikan mo ang lintang yon, hindi mo naisip na may girlfriend kang naghihintay sa tawag mo! Ako naman tong si tanga, nag aalala na kung ano ang nangyari sayo, yon naman pala may nangyayari na sayo!!! Sa inyo ng bestfriend ko!..." pumikit ako at huminga ng malalim para kumalma.. "Umalis kana."
"Pleaseee. Margaux, please come back to me..please.. I'll do anything."
"Then, leave." matigas kong bigkas. Hindi na ako nakatingin sa kanya bagkus sa bubog na pintuan kung saan nakatayo ang dalawang security guard ako nakatitig. Pinipigilan kong pumatak muli ang luha ko.
No. Not this time. Hindi sa harapan ng manlolokong lalaking ito.
Lumapit na ang ilang gwardya sa pwesto namin at inakay papalabas ng building ang nagwawalang si Ian. Umuulan pero hindi ako nakaramdam ng kahit konteng awa sa kanya kahit pa mukhang nakainom pa ito base na rin sa pamumula ng mukha at kumakawalang amoy ng alak sa katawan nito maging sa hininga nito.
"Sa susunod na papasukin niyo pa ulit ang lalaking yon, I will fired.. all of you!" walang lingunang tinalikuran ko sila. "Back to work, tapos na ang palabas."
Hindi ako tumanggap ng tawag o bisita makalipas ang pangyayari yon, na-cancel ang lahat ng business meeting at lahat ng appointment ko.
Piste! Piste talaga! Ha!! Hindi ginusto? Hindi sinadya? T*nginang buhay yan!
9 pm na ako tumayo sa pagkakaupo ko.
Sinigurado ko munang nakauwi na ang lahat ng empleyado bago ako lumabas ng opisina. Plano kong umuwi ng unit ko ngayong gabi. Binati rin ako ng ilang natitirang gwardya sa building.
Naging mabilis ang byahe ko dahil malapit lang naman ang unit ko sa opisina, nakatulong din ang maluwag na kalsada.
Mag eenter na sana ako ng passcode sa unit ko ng may mapansin akong nakatayo sa gilid ko.
"Anong ginagawa mo rito? Wala na bang mas ikasisira pa ang araw ko?"
"Margaux, Ian is completely a mess."
"So?"
"Anong so? Hindi ka ba naaawa sa kanya? Ian loves you so much."
"At sa tingin mo maniniwala ako sayo, Lira?"
"Nakaraan na ang nakalipas, Margaux. Tapos na yon, bakit hindi mo nalang patawarin si Ian? Promise hindi ko na kayo guguluhin pa. Hindi niya ginusto ang nangyari.. Ako! Ako ang may gusto nun-"
PAK!
I SLAP HER!
"Enough! Pareho kayo ni Ian, hindi ko maintindihan ang mga dahilan niyo.. Anong akala niyo sa salitang sorry?nakakabura ng sakit? nakakapagpalimot ng mga masasakit na pangyayari? Hindi!! Dahil ang salitang sorry na galing mismo sa mga bibig niyo ay nakakapagbalik lang ng mga kasalanan niyo sa ala-ala ko. Kung paano niyo ako ginawang tanga,hah! bestfriend ko at boyfriend ko, ginago ako? Tapos ano... sorry?"
Hindi siya nakaimik. Nanatili lamang siyang nakahawak sa pisnge niya na namumula na ngayon.
"Bago pa ako makapag salita ng hindi maganda, bago pa ako makapanakit ng husto at bago pa ako tumawag ng security.. Umalis kana."
Hindi na siya nag dalawang isip pa at tinalikuran niya na lang ako.
"At wag na ka nang magpapakita ulit sa akin."

BINABASA MO ANG
Accidentally On Purpose
RomanceNakilala ni Margaux ang isang lalaking kabaliktaran niya sa lahat ng bagay. Ngunit, hindi niya alam kung paano sila nagkasundo at kung paano nabuo ang salitang "love" sa magkaiba nilang mundo.