chapter I

44 1 0
                                        

Margaux's point of view

Marumi

Masikip

Maingay

Napakaraming lalaki at babae

Mabaho

At hindi ako nababagay rito.

Sa iskwater.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip kung paano akong napapayag ng kapatid ko, na pumunta sa lugar na ito.

Muli kong inilibot ang paningin sa isang maliit na basketball court kung saan ko hininto ang aking puting BMW i8. Naagaw ko ang atensyon ng lahat nang bumaba ako sa sasakyan ko. Ang ilang lalaking naglalaro sa court ay napahinto, ang ilang naglalakad ay napalingon sa gawi ko.

Nagmistulan silang mga mannequin.

Pagkagaling ko sa opisina ay nagtungo ako sa Braun International School, na pagmamay-ari rin ng pamilya namin kung saan isang guro ang nakatatanda kong kapatid.

"Sige na sis, ikaw na lang ang pwede kong utusan para sa isang ito." paglalambing ng kapatid ko sa akin.

"At talagang uutusan mo ako? Hello? Iskwater! Iskwater ang lugar na gusto mong papuntahan sa akin." kunot noong sigaw ko sa kanya.

"I know Iknow, okay? Please. Babawi ako sayo."

"Tsk. Gaano ba kahalaga yang estudyante mong yan at kailangan pang puntahan sa mismong bahay niya? Mukhang isa lang siya sa mga estudyanteng nakikinabang sa scholarship ng school na to?"

Biglang sumeryoso ang mukha niya, at mukhang stress na stress talaga siya.

"Chaudette is one of my outstanding student, you're right na isa lang siya sa mga estudyanteng pinalad para makapag aral dito sa eskwelahanan natin, pero nanghihinayang ako sa angking talino ng batang yon. Please, I need your help with this one. Kung wala lang talaga akong conference after class ay ako na ang pupunta."

Tuloy tuloy na pangongonsensya niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya ag napabuntong hininga.

"kakarating ko lang tapos papaalisin mo ako kaagad? Kainis! Ano bang gagawin ko sa bahay ng estudyante mong yon?"

Agad nagliwanag ang mukha nito.

"Hindi pa ako pumapayag! Tinatanong ko lang!" biglang bawi ko.

Ngumisi lang ito sa akin kaya naman napairap ako.

Kilalang kilala na ako ng kapatid kong to, alam niya kung paano niya ako mapapapayag sa gusto niya.

Margarette Braun, is my older sister. Isang taon lang naman ang tanda niya sa akin kaya hindi ko siya tinatawag na ate, siya ang namamahala ng Braun international school na pagmamay-ari ng grandparents namin samantalang ako naman ang namamahala ng isang kilalang Autoparts company dito sa Laguna, kasama namin dito sa bansa ang grandparents namin. Ang parents namin? Ayon nasa Germany kasama ang panganay naming kapatid na lalaki at namamahala ng iba pa naming business doon.

"Gusto kong alamin mo mula sa mga magulang niya ang dahilan kung bakit isang linggo na siyang hindi nakakaattend ng classes, if financially naman ang problema, ikaw na ang bahala."

"What? Gagastos pa ako para sa batang yon?"

"Why not diba? Barya lang naman sayo yon, ano ka ba naman, Margaux."

"Eh bakit hindi ikaw? Malaki naman ang kita nitong School mo!" sigaw ko ulit pero tinawanan niya lang ako. "Sinasabi ko na nga ba na sasamantalahin lang ng mga mahihirap na yon ang kabaitan niyo ni Granpa eh. Simula palang sinabi ko na sa inyo na hindi maganda ideya ang pagkakaroon ng Scholarship program ang isang private school na katulad nito."

Accidentally On PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon