Akala ko sapat na

89 0 0
                                        

Akala ko sa mundong ito lahat ng tao ay pantay pantay
Pero bakit ganoon ginagawa ko naman ang lahat pero hindi pa din sapat
Ginagawa ko lahat para maging proud sila
Nagsisikap mag aral para magkaroon ng matataas na grado
Pero parang lahat ng yun ay binabalewala lang nila

Sabi kapag daw may problema sa pamilya lalapit
Bakit ako parang pag lumapit ako sa kanila parang wala lang ako
Lagi ako nasa tabi nila pero hindi nila ako nakikita

Isang pagkakamali parang napakalaki na nun sa kanila
Gusto nila irespeto ko sila pero sana naman irespeto din nila ako kahit bilang tao na lang kahit wag na bilang anak
Wala naman ako karapatan na irespeto ata ehh
Porket mas bata lang ako sa kanila ganun ganun na lang
Tao din ako nasasaktan hindi ako bato na walang nararamdaman

Kapag ako ay nagkakamali kukunin agad ang cellphone
Samantala ang aking kapatid hindi man lang kunin
Alam ko na siya na lagi ang nagawa sa bahay
Yun ba ang basehan nila kung sino ang may nagagawa sa bahay

Alam ko naman na paborito niyo si kuya
Wag na kayo tatanggi kasi halata naman ehh
Sige bigay tayo ng halimbawa
Kapag exam niya hindi pinapagalitan kahit hindi nagaaral pero bakit ako kulang na lang maging dragon sa galit
Kapag mababa ang grado balewala pero pag sakin matataas na din naman pero hindi pa din okay sa kanila
Kapag may pasok okay lang na siya ay gabi na matulog perk ako kailangan alas otso tulog na maaga din naman ako nagising ahhh

Bakit ba ganon akala ko walang unfair sa mundo
Pero bakit sa kanila meron
Akala ko ba bawal yung ganun

Alam ko na kasalanan ang magalit sa magulang
Pero nakakainis na ehh ako na lang lagi ang mali
Parang wala na ako nagawang tama sa kanila

Hindi ko man ito nasasabi sainyo
Pero sana naman mahalata niyo na nasasaktan na ako
Hindi yung iisang lang ang pinagtutuuan niyo ng pansin

Parang mapapansin niyo lang ako pag magpapacheck up
Siguro kung wala akong sakit baka lalong balewala lang ako sainyo
Naiisip ko tuloy anak niyo ba talaga ako parang hindi ehh
Nagagalit kayo sa mga magulang na may favoritism ganun din naman kayo ehh
Kaya wag na kayo magagalit sa kanila

Sige na masyado ng mahaba
Pero sana mapansin niyo din lahat ng paghihirap ko
Lahat ng ginagawa ko para maging proud kayo
Lahay ng sakripisyo sa pagaaral para makakuha ng matataas na grado
Sana lang talaga
Sana dinggin lahat ng panalangin ko dito

●QueenDyosa👑👑

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now