Ako at Ang Aking Buhay

22 0 0
                                        

Sa bawat araw na lumipas
Kung ako ay pagalitan walang kupas
Dahil sa sobrang katamaran
Umaapaw, kinakain aking kasipagan

Tamad bumangon sa kama
Tuwing paggising sa umaga
Remote agad aking hinahawakan
Upang manood ng teleserye sa telebisyon

Ako ay pagong kung kumilos
Kaya laging nahuhuli sa mga lakad
Pero mahilig magayang gumala
Kahit maubos pa ang pera

Ako ay nagtitiklop
Ng mga damit na kasing taas ng bundok
Upang ako'y makatulong sa aking magulang
Katamaran ako'y iyong layuan

Ang musika ay sumasayaw
Kaya ako'y napapasabay
Kahit anong kanta ang patugtugin
Mga dugo sa aking katawan ay kayang buhayin

●QueenDyosa👑👑

Spoken PoetryStories to obsess over. Discover now