Magmula noong taong dalawang libo’t labing pito
Taon kung kelan pagkakaibiga'y umusbong
Umusbong ay dinaig ba ang lobo
Lobong lumilipad sa himpapawid tulad ng pagkakaibang nating saya ang hatidPitong tao
Ako'y matino
Natitira'y maloko
Ngalan nila'y Mark, Joyce, Iris, Jett, Marion at Fel
Silang masasabi kong anghel na dumating sa buhay ko.
Buhay ko na noon ay walang kulay at sila ang naging pangkulay ko.
Sa bawat ngiti, ay may nakukubling sikreto
Sikretong yun pala ay sila'y maloko.Hindi sapat ang salita para kayo'y mailarawan
Kulang ang isang pahina para sainyong katangian
Katangiang may taglay na kagandahan
Kagandahang dulot ay kasiyahanSana'y magtagal pa tayo
Walang tayo kaya ikaw at ako lang
Syempre walang ikaw at ako kasi nga walang tayo
Alam kong tula ko'y bigla lumabo
Pero isa lang ang masasabi, mahal ko kayo pero pakatandaan nito, mas mahal ko pa rin siyaAsarang walang katapusan
Minsa'y walang kwentang usapan
Pero dulot parin kasiyahan
Sa classroom nating turing ay tahananKumilos parang takas sa mental
Minsan naman ay dinaig pa ang libro sa kapal
Kaya naman minsan ay aking natatampal
Natatampal ang mga noong nagsisilaparanSa pagtatapos ng aking tula
Sana'y mayroong tumatak
Tumatak sa inyong puso't isipan
Sana huwag nagwakas, pagkakaibigan nating walang kupas●QueenDyosa👑👑
●LouiseBautista