2013 taon kung kelan kita nakilala
Taon na puno ng kasiyahan
Taon na puro kalokohan ang alam
Taon na di akalain magiging magkaibigan
Pagkakaibigan na sabi ay hanggang katapusan na
Kaya naman ako ay naniwala
Naniwala na totoo nga ang sinasabi niya
Kaya naman mga masasayang alaala ay baon pa din
Pero parang ako na lang ang nakakaalala
Kasama sa lahat ng kalokohan
Kahit pagalitan ayos lang basta kasama siya
Ngayon hindi na yun nagagawa
Kasi parang wala na akong halaga sa kanya
Salitang "beshiee" ang tawagan dati
Pero ngayon hindi na nagtatawagan
Dahil may mga bago na siyang tinatawag na ganun
Pagkakaibigan na wala daw makakapaghiwalay
Makakapaghiwalay?
Bakit ngayon hindi na namamansin
Hindi na nakikipagusap
Hindi na ulit nagsasama
Dahil lang sa mga bagong kaibigan
Bagong kaibigan na ipinagpalit sa akin
Kahit magkasalubong hindi namamansin
Dahil busy sa mga bagong kaibigan
Kahit ngiti man lang di magawa
Pati na rin pagbati ng HI
Aking hinihiling na magkausap muli
Magkausap na parang katulad ng dati
Dati na maya't maya ang tawa
Dati na parang walang problema sa inyong dalwa
Maaalala ka lang pag may kailangan
Kailangan sa gamit at pag aaral
Makikipagusap pag hindi kasama ang bagong kaibigan
●QueenDyosa👑👑
